Sabi nila, ang kasal daw ay isang sagradong pangyayari sa buhay ng isang tao.
Dito raw kasi napapatunayan kung mahal mo ba talaga ang iyong iniirog
At handa kang isakripisyo o itali ang buhay mo sa kanya.
Gumawa ka ng sarili mong pamilya kasama sya at mamuhay kayo ng maligaya
Lahat naman ng kababaihan pinapangarap yun diba?
At isa na ako dun sa mga kababaihan na nangangarap na ikasal.
Sa buong buhay ko, yun lang ang aking hinangad.
Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kung ano pa yung bagay na gusto mo,
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
yun pa yung bagay na hindi mo makuha-kuha.
Haaay! Tama na nga ang kadramahan sa buhaaay!
Naranasan nyo na ba na lagi kang iniiwanan ng groom mo sa altar?
Ako, immune na ako jan eh!
LAGI naman nangyayari sa akin yan!
Oo, tama lagi dahil hindi lang naman isang beses akong muntik ng ikasal
Hindi rin dalawa
Tatlo
Apat o Lima kundi
14 TIMES!
Hindi ko nga alam kung bakit laging nangyayari sa akin ang mga ganitong bagay
Bakit ako kinakarma eh wala naman akong ginawang mali dati.
Pero meron yan.
Siguro kung meron yun ay yung
.
.
.
.
.
Magmahal ng labis.
Pero ito, pinapangako ko sa inyo na wala ng 15th Groom!
Itaga nyo man sa puso ni Doraemon ^_^
---------------------------------------------------------------------------------
[A/N] Pasensya na po kung magulo yung Prologue, first time ko po kasi eh :)
Sana po'y inyo itong tangkilikin salamat ^_^
