CHAPTER 8: Nice Meeting You

94 35 1
                                    

"Nice Meeting You"
_________________________

AERON'S POV

"Ate Lory, kayo na pong bahala sa mama ko ah." Nakangiti kong sabi kay ate Lory habang inaayos ang necktie ko.Si ate Lory ang hi-nire ni daddy na care giver ni mama.

"Yes sir.. makakatiwala po kayo." Sagot naman niya.

Hindi parin ako sanay sa ginagawang pagtawag niya sa akin na 'sir'. I already told her to stop calling me 'sir' but she insisted it.

Maya-maya ay pinuntahan ko muna si mama sa kwarto niya. "Ma?" Mahinahon kong sabi habang nasa pinto pa din.

Dahan-dahan naman itong lumingon sa akin. I saw her smiling brightly at me kahit hirap ito.

'How can she smile like that amidst her situation?'

Nilapitan ko ito at lumuhod sa tabi niya. "Ma, pasok na po ako ah.." sabi ko habang hinaplos ang ulo niya.

"M-m-mag- i-i-ngat ka... A-A-Aeron, a..nak" hirap na sambit nito.

"Opo ma.." sabi ko habang nakangiti.

Nginitiam niya lang din ako saka dahan-dahan hinaplos ang mukha ko.

"Wag kang magpapagutom ma and don't forget to take your madicine... anjan naman si ate Lory palagi." Dagdag ko.

Nginitian niya lang ako na para bang sinasabi niyang susundin niya lahat ang paalala ko.

Maya-maya ay tumayo na ako saka hinalikan ang nuo ni mama. "Got to go ma. I love you."

Nakangiting tumango lang ulit ito hanggang sa makalabas ako sa kwarto niya.

"Ate, alis na po ako." Paalam ko kay ate Lory nang marinig ko na ang busina ng kotse sa labas, for sure sila daddy na yun.

Pagkababa ko ay agad ko ngang nakita ang sasakyan ni daddy.

"Goodmorning bro." Bati sakin ni Aethan nang tuluyan nakong makapasok sa sasakyan.

"Hmmm goodmorning... goodmorning dad." Bati ko din sa kanila.

"Goodmorning son." Sagot naman ni dad.

"How's tita Isabel?" Tanong ni Aethan.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil ang alam ko ay wala siyang alam tungkol sa sitwasyon ni mama. Sakto namang nagkatinginan kami ni dad sa rear mirror at umiling ito na tila bang sinasabing walang alam si Aethan tungkol duon. "Ah... she..she's doing great." Pagpapalusot ko saka pilit na ngimiti.

Ayoko rin namang malaman ni Aethan ang tungkol kay mama dahil baka isa rin siyang mag-alala.

"Hmmm... good to hear." Sagot niya lang.

"What about the team son? Nag-start na ba ang training niyo?" Pag-iiba ni dad ng topic.

"Ah yes dad. Actually, lahat po ng student athletes nag-start na ang training kahapon." Sagot ko.

"That's great. Kelangan niyo talagang galingan dahil school natin ang host this year." Dagdag niya pa.

"Yes naman dad."

Nginitian lang ako nito saka buling binaling ang tingin sa daan.

. . . .

A Letter From Mr. ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon