CHAPTER 3 : Chemistry

165 58 6
                                    

"Chemistry"
____________________________

AETHAN'S POV.

'Hey.. It's Aethan, Aethan Martinez.. nothing else to say but Hi -,- '

I'm about to open the door nang marinig ko ang usapan ni daddy at kuya Aeron. I felt tension kaya nagtaka ako at napadungaw ako ng onti.

"Dad, hindi ko pwedeng iwan si mama dito." Mahina ito pero pagalit na saad ni kuya kay dad.

"Anak... duon ka na muna sa mansion. Look, your tita Almira was so worried about you... and also Aethan." Mahinahong sabi ni daddy at huminga ng malalim. "Wag kang mag-alala sa mama mo, I will send care givers para may mag-alaga sa kaniya." Dagdag niya pa.

Kumunot naman ang nuo ni Kuya. "Dad, ganun nalang ba kawalang halaga sa inyo si mama? Nakapag-desisyon na ako dad at gusto kong mag-stay dito para alagaan siya."

"It's not like that Aeron. Im doing this for your mom's sake and also for you." Pigil na galit ni dad. "Walang tumitingin sayo dito and I heard recently, hindi kana daw pumapasok sa school."

"Dad.. please. Hayaan niyo nalang po muna akong makasama si mama." Mahinahon na ring sabi ni kuya.

Nakita kong napabuntong hininga nalang si dad at papalapit na sa pinto. Mabilis naman akong bumalik sa sasakyan. Bago pa man maka-balik si dad ay nasa loob na ako as if hindi ko narinig ang conversation nila.

"Dad.. how's kuya Aeron?" Tanong ko sa kaniya habang ikinakabit ang seatbelt sa sarili.

He took a deep breath before answering. "I think your kuya Aeron is enjoying with his mom. Hmmm.. dito daw muna siya mag-stay for ilang weeks." Pagsisinungaling ni dad saka nagsimulang tahakin ang daan.

'I heard everything dad '

"Is that so?... well, I think mas mabuti ngang dun muna si kuya." napatingin naman sakin si dad ng saglit. "You know.. matagal niyang hindi nakasama si tita Isabel, so I think it's good for them."

"Well.. I'm just worried about your brother." saad niya.

"You don't have to, dad. Wala kang dapat ipag-alala dahil nanduon siya kay tita Isabel."

Nagkibit-balikat lang ito at hindi na sumagot. Isinalpak ko naman ang earphones ko sa magkabila kong tenga and I stared outside through the window.

'I think he made a good decision.'

Kuya Aeron is my half brother, kapatid ko siya kay daddy. Though he's older than me, kami parin ang legal na pamilya ni dad. He's just two years older than me so lagi kaming nagkakasundo. He stayed with us since pinanganak ako at pumayag naman si tita Isabel, kuya's mother,dahil alam niyang mas mabibigyan ng magandang buhay si kuya kapag sa amin siya lumaki. Me and my kuya where like bestfriends at hindi mapag-hiwalay, so ganun nalang ang paninibago ko nung umalis siya sa mansion for already couple of days.

A Letter From Mr. ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon