CHAPTER 24: Boodlefight

42 7 2
                                    

"Boodlefight"
__________________

'Masyado na yata akong assumera ano?'

Pakiramdam ko tuloy ay isa akong prinsesa na pinag-aagawan ng dalawang lalake! Hihihihi

'Arbie stop! Masyado nang tumataas ang expectation mo.'

"P-p-para san yan?" Pakunwareng tanong ko sa kanilang dalawa.

"Para wala nang mapuntang usok sa mata mo." Sagot ni Aeron.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Kung kaninong glasses ang tatanggapin ko, kung tatanggapin ko nalang ba pareho o wala nalang akong kukunin.

"Hey." Agad na sabi ni Aethan nang tumayo ito sa inuupuan niya.

Itinaas ko naman ang kilay ko.

Iginalaw nito ang ulo niya na para bang sinasabing umalis ako sa kinalalagyan ko ngayon.

"Ha?" Pagtataka ko.

"You move." Aniya sabay agaw sakin ng pamaypay na hawak ko.

Agad naman akong umalis sa kinalalagyan ko at pumunta si Aethan dun. "Kung nagririri ka dahil ayaw mong mausukan, then you better go there and just sit." Aniya pa habang abala sa pagpapaypay barbeque.

'Panira naman ng moment tong isang to.'

Napa-irap naman ako saka padabog na umupo sa inuupuan niya kanina. Pagka-upo ko ay nakita ko ang cellphone ni Aethan na nakalapag sa tabi ko.

Napangiti ako dahil sa lockscreen niya. Picture nilang dalawa ni Aeron. Sa itsura nila dito ay mukhang 7'th grader palang si Aethan. Nilapit ko lang ang mukha ko duon at hindi ginalaw, baka isipin niya pakealamera ako.

'Ang cute nila dito.'

Maya-maya ay nakita ko naman ang libro na nasa tabi nito.

'Nasa field trip na nga lang, may dala pang libro tsk.'

Kukunin ko na sana ito nang bigla akong tawagin nanaman ni Aethan.

"Hey! Arbie!" Sigaw nito.

Nilingon ko naman siya.

"Don't touch that." Masungit na sabi niya.

'Tsk. Kala mo naman ginto tong libro niya.'

Inirapan ko nalang ulit siya pero hindi niya na ako pinansin. Nanatili lang ang tingin ko sa kanilang tatlo saka ako napa-ngiti.

'Parang kelan lang nung nag-away away tong tatlong to.'

Halata parin sa mga itsura nilang galit sila sa isa't-isa pero nakakatuwa parin silang tignan.

Agad kong inilabas ang cellphone ko at pinicturan silang tatlo. Medyo malayo sila kaya zinoom ko pa ng onti.

'Hehehhe.'

Ibubulsa ko na sana ulit ang phone ko nang may biglang tumapik sa balikat ko. Gulat akong napatingin sa likod ko.

Nanlaki ang mata ko dahil si CEO Manuel Martinez iyon! Ang lolo nila Aethan! Agad akong tumayo at hinarap siya.

A Letter From Mr. ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon