CHAPTER 10: Jealousy or Not

61 27 4
                                    

"Jealousy or Not"
________________________

ARBIE'S POV

Monday nanaman at sa computer lab kami ngayon.

"Bess, pakita nga ako nung design mo." Ani Xia saka tinignan ang design ng bahay na ginagawa ko.

Gumagawa kasi kami ngayon ng model ng bahay. "Oh ayan..tignan mo nalang." Sabi ko sa kaniya saka bitaw ng mouse.

"Thankieee" saad niya.

Ako naman ay nilinga-linga ang paningin sa paligid at natuon naman ang pansin ko sa palaging pwesto ni Aethan dito sa lab pero wala siya.

'Tsk! Buti naman!'

Pero sa totoo lang ay nakakapanibago. Aside from walang nag-rerecite at tahimik ang isip ko, parang may kulang at hindi ko alam kung ano yun.

'Baka kulang lang ako dahil wala akong kaaway ngayon noh?'

Akala ko ay late lang siya kanina pero third period na namin ngayong umaga at wala talaga siya.

'Bakit kaya nag-absent ang buknol na yun?'

Pansin ko ring wala si Anthony. Pero hindi naman na bago yun eh, palagi talaga siyang nag-diditch.

'Pero bakit kaya nagdiditch parin siya? Hindi ba't dapat lagi na siyang pumapasok dahil inspired siya sakin? Charrr hehe.'

Para naman kasing wala lang sa kaniya yung pagbibigay niya sakin ng letters.

'Sa training lang yata laging present si Anthony. Tsk.'

"Bess paano mo to nagawa?" Pagtatanong ni Mika sa isang parte ng bahay ko.

"Ganito yan oh." Saad ko saka isa-isang turo sa kaniya ng ginawa ko.

.   .   .   .

NASA gymnasium na kami ngayon. Whole afternoon ang practice namin at trainings ng student athletes ngayon kaya mas lalong pagod na pagod na ako. Hindi rin maalis sa isip ko kung bakit ni anino ng Aethan ay wala akong naaninag ngayon.

"Bess.. sandali lang ha. Sasamahan ko lang si Miss Lily sa office nila may kukunin lang kami." Paalam ni Mika sakin. "Sama ka?" Tanong niya pa.

"Hindi na. Ikaw nalang, masakit paa ko eh." Aniya ko.

"Ganun ba? Sige.." saad niya saka umalis.

Napansin ko naman sina Anthony at mga barkada niya na nagtatawanang umalis sa gym.

'Saan kaya sila pupunta?'

Inabot ko naman ang bag ko at kinuha ang water bottle ko para uminom.

'Grabe nakaka-uhaw naman talaga tong practice na to.'

Kaso wala nang laman ang water bottle ko kaya napabuntong-hininga akong ibinalik ang ito sa bag ko.

'Hihingi nalang ako kay papa.'

A Letter From Mr. ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon