CHAPTER 5: Nameplate

127 37 6
                                    

"Nameplate"
____________________

ARBIE'S POV

Gulat na gulat talaga ako nang makita ko ang isang ... NAMEPLATE!

'Bakit meron ako nito sa bag?! Pano napunta to dito?!'

"Huy! Ano tulog ka nanaman?" Bulalas nanaman ni Mika.

"Bess..." nakatulala lang ako sa hawak kong nameplate.

"Ano ba yan? Patingin nga." Agad namang hinablot ni Mika ang nameplate sa kamay ko at sinuri. "Aeron Harson M.?" Pagtataka nito.

Nagtaka din ako at agad ding kinuha sa kanya at binasa ang pangalang nakasulat duon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagtaka din ako at agad ding kinuha sa kanya at binasa ang pangalang nakasulat duon. "Aeron Harson M." Binasa ko naman ang nasa baba nito. "Senior High: STEM A?"

"Bakit meron ka niyan?" Pagtataka ni Mika.

"Hi-hindi ko din alam bess.. hindi din naman ako pumunta sa building ng Seniors." Umiiling-iling na sabi ko.

"Aeron Harson M..... Aeron Harson... Aeron... Harson... M..." pag-uulit-ulit ni Mika ng pangalang nakalagay sa nameplate saka tumingin sakin. "Parang familliar yung name bess eh.." saad niya habang nakalagay ang kamay sa sintido.

"Senior siya." Maikling sabi ko.

"Wait.... OMG bess!" Bulalas nito. "Baka siya yung nakabunggo mo kanina sa hallway!"

"Pero paano? ... bess, andito sa mismong loob ng bag ko yung nameplate." Pagtataka ko parin.

"Eh diba kanina nagmamadali kang ilagay lahat ng mga gamit mo sa bag mo?... Yun! Baka nahulog yung nameplate niya nung nagkabungguan kayo tapos nailagay mo sa bag mo!" Pag-eexplain ni Mika.

"Oo nga noh.." sabi ko lang.

"Ay bes! Akin na, ako nang magbabalik sa kaniya. Nakita ko yung mukha niya kanina, ikaw hinde kaya ako na." Sabi niya habang nakangiti ng nakakaloka.

'Sus.. alam ko nanaman yang mga galawan ni Mika.'

"Wag ako Mikaela." Sabi ko habang nakatingin sa kaniya ng mariin. "Ako na. Ibibigay ko nalang kay papa mamaya para siya na ang magbigay, for sure student niya to." Dagdag ko pa.

A Letter From Mr. ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon