CHRISTMAS/BIRTHDAY
☠️☠️💀☠️☠️Malapit na ang aking kaarawan, nang nalaman ko na sabay kami ng kaarawan ni Jesus ay sobra ang tuwa ko. Walang katumbas ang saya ko noon lalo na't darating lahat ng kamag-anak namin para sa selebrasyon. Pero dahil sa sunod-sunod na pasakit na aking naramandman at naranasan nang nagdaang linggo ay para akong lantang gulay kung kumilos na nagpapanggap na masigla at masaya sa harap ng ibang tao.
I want my 18th birthday to be simple, unlike the past few years na sobrang engrande. Alam kong lahat ng mga babae ay pinapangarap magkaroon engrandeng debut, as it means you're a fully grown woman.
Pero mas gugustuhin kong isabay ang 18th birthday ko with my entire family and my only friend as we celebrate the birth of God's only son.
Iisa lang naman ang tunay kong kaibigan kaya friend without 's'. I don't trust people easily that's why Chelsea is my only best friend except for my cousins of course.
Although my parents was disappointed at first at tutol sila na hindi ako mag dedebut, they eventually agreed because they can't bear my cuteness.
Hindi ako lumabas ng bahay kahit na pinipilit ako ni Chelsea o ng aking mga pinsan. Mas gugustuhin ko munang mag mukmok sa aking kwarto magdamag kaysa lumabas at harapin ang nagbabadyang init ng panahon. Hindi ko na rin kailangan lumabas at pumunta sa Mall para lamang bumili ng kay daming mga ireregalo, dahil nakabili na ako noong nakaraang linggo bago pa man mangyari ang napakagulo at sunod-sunod na problema.
Ilang araw akong hindi lumabas ng kwarto pero pinabayaan ako ng mga magulang ko. I should've done it weeks ago pero wala ako sa mood noon lalo na't fresh from heart break. Galing, 'no? May pa-schedule si Mayora.
I pretended this past few weeks that I am fine, that I can bear anything pero hindi ko na kinaya ang pag papanggap. I know they all understand and I am thankful.
Ilang araw na ang lumipas, eksaktong alas-dose ay kaarawan ko na. Maaari na akong makulong kung sakali mang may malabag akong batas. Eksaktong alas-dose ay kaarawan ni Hesus. Eksaktong alas-dose ay mag lalabasan ang mga magandang fire work display na inihanda ng bawat mamamayan na masayang mag sasalo-salo. Mahirap man o mayaman, marami man ang Noche Buena or kaunti lamang, kompleto man o hindi ang pamilya basta't may kasama sa oras na iyon ay paniguradong kahit saglit lamang ay masaya ang bawat Isa.
Tinitigan ko ang babae sa harap ng salamin na pilit kung minsan ang pinapakitang ngiti. Sa nagdaang linggo ay marami siyang natutunan, na maraming taong hindi magiging tunay kung minsan.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga upang mabawsan man lang ang bigat na nadarama. Mga butil ng luha ay bigla-bigla na lamang nag-uunahan dahil sa natantong katanungan na hindi inaasahan.
'Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na ipinaramdam ko sa kaniya?'
Siguro tama nga sila, hindi lagi ay panalo ka dahil kung minsan mas magandang maranasan ang pagka-bigo dahil marami ka ring matututunan na gigising sa mga matang nabulag ng taong akala mo ay iibigin ka rin ng tunay.
Kaya naman muli kong tinitigan ang babae sa salamin, ang mga mata nito'y namumugto dahil sa kaka-iyak kaka-isip sa taong nanloko at sinaktan siya. Mga labing nagdurugo dahil sa pilit nitong pinipigilan ang pag-hagulgol ng malakas dahil sa takot na nalaman ng kaniyang pamilya. Ang buhok nito'y sobrang gulo, parang umok dahil kung minsan ay hinihila at ginigulo ito gamit ang sariling mga kamay dahil sa irita at galit. Sobrang putla ng mukha niya na kung minsan tinatakpan niya ng kolorete para hindi mapansin ng kaniyang nga magulang.
Halata sa babae sa salamin na hindi niya inaalagaan ang sarili niya. Hindi... ang babaeng ito ay ako, ang repleksyon ko. Tila ba'y nagising ako sa katotohanan na hindi ko na inaalagaan ang sarili ko; naging pabaya ako dahil sa sakit na hindi pa rin mawala, kahit na ba'y pilit ko itong iwinawaksi lalo na kapag kasama ko ang aking buong pamilya.
Tumayo ako at pumunta sa aking banyo. Kailangan ko nang ayusin ang sarili ko, dahil walang saysay ang pagmumukmok sa loob ng aking kwarto para lamang sa lalaking manloloko. Hindi ko dapat pabayaan ang aking sarili, dahil paniguradong mag-aalala ang mga magulang ko.
Pagkatapos kong maligo at nagbihis ay humarap ulit ako sa malaking salamin na kung saan nasa tabi ng aking kama.
Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ulit ang babae na ngayon ay maayos na ang nakalugay na buhok at pananamit na kanina'y gusot-gusot. Napangiti ako at natandaan kong malapit na ang kaarawan ko.
Lumabas ako ng aking kwarto at pumunta sa dinning room malapit sa kusina kung saan naghahanda sila ng makakain para mamaya.
Pag papanggap is ACTIVATED. I smiled widely.
Pagkarating ko ang unang bumungad sa akin ay ang mabangong aroma ng iba't-ibang pagkain.
Nakakalaway, gusto ko na tuloy kumain kahit na alas-diyes pa lamang ng gabi. I only ate a slice of pizza a while ago, kaya naman gutom na ako.
Nakita ko si Manang Teresa na inaayos ang ibang decorations kasama ang ibang mga katulong. I went near the dinning table at umupo sa upuan while watching them do their assigned works.
"Mom, do you need some help?" I asked my mom as she stired the Fruit salad in a big glass bowl.
"No, thank you dear, we can handle it," tugon niya nang hindi lumilingon sa akin.
I pouted. "Then, can i at least have a taste?" I asked again. Ngayon nama'y paglamon ang puntirya ko. Natigilan ito at tumingin na sa akin.
"Mamaya pag natapos ko nang haluin lahat ng ingredients. You can eat it later, but not now, sweetie. You can eat some fried chicken, it's in front of you." Tumango na lamang ako habang naka-nguso. Siguro nag mumukha na akong pato.
Binuksan ko ang lid ng malaking tapperwear sa aking harapan at kumuha ng isang drumstick. Inilagay ko ito sa plato na hindi ko man lang napansin kanina. I was about to bite and savour the chicken pero may kamay ang umagaw dito.
"Hala! My chicken!" No one has the rights to ruin my moment with my foods! I was about to explode to the suspect who stole the chicken from me pero binatukan ako nito.
"Ka'y aga-aga nilalantakan mo na ang noche buena para mamaya! Tumayo ka diyan at tumulong ka sa pag-aaayos!" Utos nito. Hinawakan ko ang ulo ko na binatukan nito. Parang umalog ang utak ko dahil sa lakas ng pagka-batok nito sa akin. Nag-iisang tao lamang ang laging nambabatok sa akin. Si Lola.
"Lola naman, e! Gutom na ako at isang piraso lang naman ang kakainin ko," Reklamo ko, hindi ako nito sinagot at inilayo ang mga pagkain sa aking harapan. Inirapan ko ito dahil sa ginawa niya.
Grabe ang sama niya talaga sa akin, kulang nalang ipalandakan niya na ayaw niya sa akin. Sa lahat ng apo niya, sa akin lang siya umaakto ng gano'n; nagsusungit, pinapagalitan palagi kahit na ba wala naman akong ginagawang masama.
Ganda nagang tuktukan ni Lola at sabihing, ' La, apo mo din ako. Ba't ganiyan ka umasta, ayaw mo ba sa akin?'. Pero ayokong magkaroon ng bukol at pasa kaya hindi ko sasabihin iyon. Takot ko nalang kung mangyari man.
Si Lola Carina lamang ang nag-iisang tao na laging humahadlang sa mga gusto ko. Siya lamang ang nag-iisng tao ang nagpapahirap sa akin lalo na kung wala sila dad at kuya.
May isang beses na iniwan ako nito sa isang gubat. Masukal ito at madilim noong panahon na iyon.
Naaalala ko pa rin ang huling sinabi niya sa akin bago niya ako iwan na mag-isa sa gubat na 'di pamilyar.
'Dapat matuto ka nang tumayo sa sarili mong paa ng maaga. The earlier the better.'
Napakunot ang aking noo nang maalala ko iyon. Sobra ang takot ko noong iniwan niya ako. Mga alulong ng iba't-ibang hayop ang tangi kong naririnig sa gubat. Ang tangi ko lamang gawin noon ay magmukmok sa isang tagong lugar at umiyak ng tahimik magdamag.
Tumayo ako at lumabas upang magtungo ulit sa aking kwarto. Wala naman pala akong mapapala kaya naman matutulog na lamang ako.
**
A/N: sorry if this part of my story's chapter is short, don't worry may part two kasi ang Christmas/Birthday. Ipinaghiwalay ko lang kasi parang sobrang haba, eh. Anyways, thank you guys for reading my story. Stay safe and healthy!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡ please do vote if you like this chapter and comment your opinions and thoughts or even suggestion. That is all thank you( ◜‿◝ )♡
YOU ARE READING
Ang Manika ni Lola (Ongoing)
МистикаNatalia Cerulean Ellior celebrated her 18th birthday with her family in 25th of December. She requested to celebrate her birthday in a simple way. She expected it to be perfect as Christmas is equals to gifts and her birthday is equals to gifts and...