CHAPTER 8

21 6 27
                                    

GIFTS I
☠️☠️💀☠️☠️

Chelsea's POV

Ngumanga ako nang napakalaki at suumubo ng maraming carbonara, napuno ang kutsara na para bang may bundok at nagsi-hulugan ang iba sa bowl na nasa aking kandungan. I moaned, ang sarap talagang magluto nila Tita Athena. Nakaka-inggit. I wish i could also have a mother like her. Sa totoo lang hindi ko inakalang magiging kaibigan ko 'tong babaitang ito. I'm referring to Nat, we've been friends since childhood. At sa tuwing nakikita ko siya with her family, jealousy started crawling inside me and i don't want that. I smiled at the thought of her, she's true and a genuine one. The only person who accepted and befriended me.

"Chels?" Napaitlag ako nang narinig kong tinawag ako nito. Nagtatakang napatingin ako sa kaniya at ipinagpatuloy ang pag nguya. Muntanga ko siguro kanina.

Tulala~ nasa langit ba~

Ugh! Okay, I'll stop, nababaliw na ata ako.

"I'm happy you're here," she said. Nanlaki ang mata ko nang bumalik sa kaniya ang atensyon ko. I can't concentrate because of this food, ugh! Ibinaba ko muna ang malaking bowl na naglalaman ng carbonara sa lamesita sa aming harapan.

I wiped the remaining sauce sa aking labi gamit ang aking panyo. "Salamat din dahil you invited me here."

"No worries, i also don't want to see you suffer there, birthday ko pa naman-- i mean namin." She's so kind. Do i really deserve her kindness?

Nagpakawala ako ng pekeng tawa at napatingin sa aking kandungan. Ipinatong ko ang aking mga kamay at pinaglaruan ang panyo.

"Nagdala ka ba ng extrang damit tulad ng usapan?" Tanong niya, may bahid ng excitement sa kaniyang mga mata kahit na ba'y parang pagod ang mukha nito at may kung anong iniinda. Ano nga bang nangyari kanina?

"Hey! I'm asking you here. Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. Napailing na lamang ako bilang sagot. I should be the one asking you that question, dummy.

"Yes nemern! It's already in your room. Teka, 'yong regalo ko pala." Nagmadali akong tumakbo at pumunta sa kwarto niya. Pagbukas ko ay ang unang bumungad sa akin ay ang amoy ng dugo, napatakip ako ng aking ilong as i switched the light. Napakunot ang aking noo nang makitang duguan ang higaan ni Natalia.

'Gaga talaga 'yon, 'di man lang palitan ang bedsheet. Pero bakit ang lakas naman ata ng sangsang ng amoy ng dugo?'

Nilapitan ko ang higaan ni Natalia at napansin na itim ito. Irregular ba siya? Pero sa pag kaka-alam ko she's regular at wala siyang problema sa kaniyang menstruation, unlike me. And a woman with experience, pag ilang buwan kang 'di nag mens ay hindi naman ganito ka-itim ang lalabas.

Lumapit ako sa isang kabinet at nangalungkat ng popsicle sticks. Don't ask me why, even i don't know why she have many of these things. I grabbed one piece of popsicle stick at lumapit sa higaan. Ang dami ng itim na dugo, tila ba'y isang tabo ng dugo ang ibinuhos dito. Mas lumapit ako sa higaan at tinusok ang mga parte na parang buo at hindi pa tuyo.

Hmmm... I am right, this is a different kind of blood, but how and why? Itim na itim ang dugo na para bang black ink.

I shrugged my shoulders for no reason, ugh! Inalis ko amg bedsheet at kumot nito. Lumapit ako sa pinto at tinawag si Ate Jessica na isang maid dito.

Ang Manika ni Lola (Ongoing)Where stories live. Discover now