ulan

336 1 0
                                    

Tubig mula sa taas

Sa mabigat na ulap ay lumalabas

Dulot ay pag ihip ng malamig na hangin galing sa labas

Hudyat na ang panahon ay hindi maaliwalas

Batang paslit ay nagpupumiglas

Sa loob ng tahanan ay gustong lumabas

Inang nag ngingit-ngit sa sobrang inis

Ang ama naman ay naka bungisngis

Sa anak na pinag bigyan ang ninanais

May ngiting kumikiliti sa labing naka ngiwi

Pait ng nakaraa'y matagal nang kinukubli

Ala alang minsan ay hindi malilimutan

Aksidente sa daan habang umuulan

Luha'y pumatak mula sa mata

Na saksi sa isang sakuna

Pagkamatay ng kanyang ama't ina

Tuwing umuulan ay naaalala

Tula, Maikling Kuwento at DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon