Prologue

3 0 0
                                    

DISCLAMER: this is a work of fiction..any names, events, locales and incidents are from author's imagination or used into fictious purposes. Any similarities or resemblance from actual name of a person or events are purely coincidental.

There are some words that are not suitable for young readers. Kindly read at your own risk.

ALSO... this story is unedited, it might have typographical and grammatical errors but I will fix it as long as I finish the whole story so please bear with me.

But most important is..

ENJOY READING!! :)

::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::










Halos nakasimangot na ko kakahintay ng masasakyan patungo sa school ngayong araw. Lunes na lunes ay late nanaman ako..pambihira kaseng kay aga aga ng flag ceremony..tsk

"Main po" anas ko sa tricycle driver pagkasakay na pagkasakay ko.

Hindi pa ko masyadong nakakapagsuklay dahil sa kakamadali kaya dito nalang ako sa loob nagsuklay. Mabuti na lamang at may salamin na maliit dito kaya kahit papaano'y nakikita ko kung nasa tamang hati ba ang buhok ko.

Agad kong kinuha ang Aficionado kong pabango at inispray sa buong katawan ko bago dumukot sa bulsa para magbayad ng pamasahe. Aligaga akong bumaba at napasapo sa noo ng makitang may mga estudyante nang nakahilera sa labas ng gate hudyat na pansamantala silang pinahinto dahil nagsisimula nang itaas ang watawat.

Napabuntong hininga nalang ako ng papasukin na kami sa loob at saka pinapila sa isang gilid. Oo, madalas akong late pumasok pero ngayon ang unang beses na napapila ako dito. Kadalasan kase ay nakakaakyat pa ko sa room at makakapila pa sa linya ng section namin.

"Hoy!" Dinig kong anas ni Lovi saka dumamba sakin ng yakap kahit nakapila kami dito.

"Himala late ka? Anyare?" Bungad na tanong ko sa kanya matapos nya kong bitawan.

"Kabwiset kase..nasira daw yung motor ehh alam mo naman walang masakyan kaya naghintay pa ko hanggang matapos" aniya habang umiirap pa.

Ikinakibit balikat ko nalang yon saka kinuha ang papel na pagsusulatan ng pangalan namin, pero dahil sa dakilang pasaway ako..hindi ko isinulat ang pangalan ko dun at basta nalang iniabot sa likod ni Lovi.

"Luh bad ka di mo sinulat pangalan mo" pabulong na aniya.

"Tsk, ganun din naman ginagawa ng iba..tingnan mo" saad ko saka inginunguso ang iba pa na pinapasa lang ang papel.





Hindi naman na kase kami nababantayan ng SSG kapag nagsusulat ng pangalan..inaabangan nalang nila sa dulo ang papel at kung minsan ay talagang wala silang pakeelam dahil abala sila sa pakikipagchikahan sa mga kaibigan nilang kapwa rin officer.


Napabuntong hininga nalang ako ng matapos ang buong flag ceremony..samantalang kami? Heto gagawin ang ginawa ng ibang estudyante kanina. Nang sa wakas ay matapos na sabay kaming nagtungo ni Lovi sa classroom, wala pa ang adviser namin siguro ay nasa table nila ito kasama ang teacher namin sa accounting. This is my last year in this school as a senior high school student taking ABM as a strand.


Pagkapasok na pagkapasok namin ni Lovi sa loob ay dumeretso kami sa hilera ng mga mono block para kumuha ng mauupuan pumunta sa table na kinalalagyan ng iba pa naming kaibigan at nakipag huntahan. 





"Aga ni bakla ah? May ka lagnat yata" kantyaw ni Lovi kay Railey  ng mapansing nakaupo ito.






"Gaga binulabog lang ako samin kaya maaga..ikaw bat nalate ka?" tanong nito habang hawak ang cellphone at nagpipindot ng kung ano.







Tahimik kong ibinaba ang bag ko sa kandungan ko saka inilabas ang cellphone para mag online. Wala eh..abala sa kaka ml kaya ngayon ko lang ulit naisipang mag online..saka wala namang magchachat dahil hindi naman ako kachat-chat. Nang mabuksan ko na..tamang scroll at stalk sa timeline ng crush ko ang inatupag ko.


Napangiwi ako ng makitang puro memes lang noong isang linggo ang nakita ko..wala man lang bago kaya ibabalik ko na sana sa news feed ko ng may sumundot ng tagliran ko.





"Stalker palaaa" bulong ni Jaz sakin habang nakatingin sa cellphone ko.




"Shhh" pagpapatigil ko saka nilag-out ang account.





Don't get me wrong ha..hindi naman ako baliw na baliw sa lalakeng yon..I just want to see kung may bago syang post or something sa wall nya. Saka wala namang masama kung gagawin ko yon diba? Hindi ko nga alam na September 27 2001 ang birthday nya at hindi ko rin alam na bunso pala sya..na hindi sya umiinom at hindi marunong sumakay ng jeep duhh..


Agad naman naming tinago ang cellphone namin ng dumating ang adviser namin.. sya ang first subject namin during monday to wednesday dahil tuwing thursday at friday naman ay si Ma'am Martinez ang first.. kahit papaano ay mainam na rin na hindi si ma'am Martinez ang first teacher namin during monday dahil paniguradong ang aga aga naming stress dahil sa hawak nitong subject which is Fundamentals of Accounting 2. Yung first kase natake na namin last year second sem.


Nagsimula na ngang magdiscuss ng kung ano-ano ang adviser namin related sa subject nyang UCSP...I'm kinda interested in this kase yung iba naman ay natackle na nung nasa junior highschool pa kaya medyo chill chill pa. By next week..ay exam nanamam kaya kailangan ng makinig ng mabuti at mag take ng ilang notes..magagamit ko kase yun kapag nag rereview.


Nasa kalagitnaan ng klase ng may kumatok sa pintuan....agad napahinto ang guro sa harapan at napakunot ang noo ng dumating ang limang kalalakihan na derederetsong pumasok sa room.





"Why are you not wearing proper uniform Mr. Villanueva?" Tanong nito.






Pasimple akong sumulyap sa taong sinita ni ma'am..at gaya ng inaasahan..kasama nito ang crush ko. Isang barkadahan kase sila...at sa kamalas-malasan medyo pasaway ang grupong kinabibilangan ni crush pero si crush syempre hindi naman sya pasaway noh kaya ko nga naging crush eh.




"Di po natuyo uniform ko" sagot ni Charles habang inilalagay ang mono block chair nito.




"Lunes na lunes.. sige magsulat kayo mamaya sa log book..kayo ni Mr. Flores" anas nito saka binalingan ng tingin si Jim na naglalapag ng upuan. "Ikaw bat di ka naka uniform?" tanong nito.




"Nasira po yung motor..inayos pa po sa daan tapos natalsikan ng grasa" anito.





Hindi nalang nagsalita pa si ma'am at ipinagpatuloy nalang ang pagtuturo, bumalik nalang ako sa pagsusulat habang pasimple pa ring nililingon si Francis. Bahagyang nakataas ang buhok nito ngayon hindi gaya nung mga nakaraang linggo, tahimik lang itong nakikinig habang nakadekwatrong nakaupo. Nakapatong ang bag sa mesa nya ganon din ang kulay asul na bench nito.




"Patingin-tingin ayaw naman umamin" pasimpleng pagpaparinig ni Eunice sakin.





Agad ko naman itong sinamaan ng tingin na kalauna'y napalitan din ng ngisi dahil sa pagtataas baba ng kilay nito habang nakangiti ng nakakaloko talagang nang aalaska. I mouthed 'lol' bago tuluyang itinuon ang sarili sa pagsusulat.

To Be With You (FRS #1) Where stories live. Discover now