Mina's POV
Ngayon ang araw na gagawa kami ng props..sayang dahil akala ko sa bahay nila Francis kami gagawa..kaso..heto nandito kami ngayon sa school..dyahe pa na may kasama kami dito tsk..di ko tuloy makausap si crush dahil mas kinakausap nya sila John kaysa sakin.
Well, hindi naman kase kami close kaya pano nya ko kakausapin diba? Ni hindi nga kami nag-uusap dito tas umaasa pa kong kakausapin nya? Lukreng ka ghorl?? Tsk..
Pero sayang pa rin..kase imagine kung kami lang dalawa, wala syang choice kundi kausapin ako..at pag kinausap nya ko baka sakali maging simula yon ng pagkakamabutihan.. charot!!
"Mina, pahiram ako nung gunting" dinig kong saad ni John.
Tahimik ko munang tinapos ang pagdidikit ko ng foil para sa lining ng salamin kuno ng masamang reyna bago ko dinampot ang gunting..ngunit agad ding napahinto ng mapagtantong may nakahawak pala sa gunting. Saglit akong napahinto at agad nabitawan ang kamay ni Francis... Oo kamay nya yung nahawakan ko.
Tila natameme ako at agad inalis ang kamay ko sa kamay nya't nag iwas ng tingin.
'Shet!! nahawakan ko kamay nya!'
Pasimple kong kinagat ang labi para maiwasan ang paglabas ng ngiti ko. Mahirap nang makahalata at baka maging mitsa pa ng tuksuhan.
Nagfocus nalang ako sa pagdidikit at pag guhit para sa props habang pasimpleng sinusulyapan si Francis na abala naman sa pagpe-paint.
'Haysss..bat ba ang gwapo nya pag seryoso sya'
Mabilis kong iniwas ang tingin ng mag-angat ito ng tingin sa gawi ko. Tengene! Nakaramdam yata!
"Wala na bang acrylic na white dyan?" tanong nito.
Syempre, deadmabels ako..ayoko ngang magreact dyan tsk..baka isipin nya pa hindi naman ako yung tinatanong nya ang ashu-assuming ko..mapahiya pa ko ng di oras
"Mina huyy"
"Ay anak ng-- oh?!" kabanas pumaling tuloy gupit ko.
Asar akong napalingon kay Andrei..nagpeace sign naman ito habang nakangiti ng alanghanin.
"Ano ba yon?" Medyo mataray na tanong ko habang nakatingin sa hawak kong foil na namali ng gupit.
Di bale, lalagyan nalang kita mamaya ng tape sa ilalim
"Ano kase yung acrylic daw nasa gitna ng..hita mo..baka pwede daw paabot" anito.
"Anong nasa hi--" natigilan ako sa pagsasalita ng makitang nasa gitna nga ito..
Hindi naman ako naka indian sit, naka lapag ang dalawang hita ko sa sahig..medyo magkahiwalay nga lang ang mga ito..alam nyo yung sa wings ng manok? Ganon yung ayos ng hita ko..at nasa gitna ng mga hita ko yung acrylic na hinahanap ni crush..as in malapit na halos sa...alam nyo na..
Gusto kong mapasapo sa sariling noo ng maalalang ginamit ko nga pala iyon kanina,akala ko naibalik ko sa unahan..naiwan ko pala sa tapat ng..haysss
Napapahiya akong iniabot ito kay Andrei saka bumaling ng tingin kay Francis na ngayon ay pangisi-ngisi.
Enebenemenyen..bawas points kay crush
Eunice's POV
Borrriiinnggg is in the hooouussseeee
Nakahiga lang ako habang abala sa pagscroll sa facebook. Wala namang magawa dahil wala nang gagawin. Tinatamad na rin akong gumawa ng songs at wala ako sa mood mag make up. Parang may gusto lang akong kainin pero di ko alam kung ano yon, si Mina wala naman sakanila dahil busy sa pag gawa ng props.
Pansamantala akong bumangon para kumuha ng maiinom sa fridge. Kinuha ko ang pitsel ng tubig at sinalin ito sa baso, hindi nawawala ang tingin sa screen ng cellphone ko. Wala ring chats nor ganap sa GC namin ngayon..
Matapos kong maubos ang dalawang basong tubig ay pumanhik ulit ako sa kwarto para humilata, kakascroll ko may nakita akong isang post.
"Walang Forever sa RPW"
Agad akong napaisip kung ano ang RPW..and then I found out na mga dummy accounts pala iyon, based sa mga nakita ko no one can reveal their own identity there. Agad akong napangisi.. mukhang ayos naman yata ang ganon..and since bored na bored na ko sa buhay ko.. nilog-out ko ang account ko para gumawa ng bagong account.
I'm a huge fan of Selena Gomez, kaya yun ang naisipan kong gawing dp sa RP account ko..then I named it.. "Kylie Morgan"
After I made it.. nag log out na muna ako sa ginawa kong account para bumalik sa main.. and ayon na nga! May nakatag nanaman.. si Ryley nag post nanaman ang bakla at nakatag nanaman kami. I appreciate those tags naman kaso.. gusto ko sana chat! Chat ang gusto!!!
I click the notification tab and click the notification from Ryley.. nakatag nanaman kami sa isang restaurant.. mukhang mapapagastos nanaman kami sa mga susunod na araw. Nagreact lang ako ng heart saka nagcomment ng kaunti bago nag-out.
"Itutulog ko nalang siguro muna tong kabagutan ko" kausap ko sa sarili saka inilapag ang cellphone sa tabi ng lampshade ko.
Lovi's POV
Napangisi ako ng makita ang tinag samin ni bakla. Mukhang may pagkain nanaman na lalahukan HAHAHAHA!
Nag chat ako sa GC namin at agad minention si Ryley
B: Hoy bakla! Libre mo?
Napangisi ako ng makitang naseen na nito ang chat ko na agad din namang napalitan ng pag-nguso ng mabasa ang reply nito.
MG: Anong libre? Ikaw mukha kang Libre! KKB tayo dyan
B: ikaw naman! Magpapakain naman ako sa birthday ko eh!
MG: kung ikaw ang magluluto ng handa mo de bale nalang..mamaya lagyan mo pa ng lason
Napamaang ako sa nabasa ko..like whuttt?! Ako lalagyan ko ng lason? Ang sama ng ugali neto ah! Never kong lalasunin ang friends ko
B: ang bad mo sakin Railey ah.. ano kala mo sakin? Mangkukulam??
MG: Oo HAHAHAHAHAHA
"Putek na bakla to!" Saad ko saka gigil na nagtipa sa cellphone ko ng mensaheng irereply sa kanya.
B: kapal ng face mo ah ..kinaganda mo ba yan?
MG: Oo ikaw lang naman di maganda eh
Wow! Ako?? Hindi maganda?? Really?? HAHAHAHA baka isupalpal ko sa kanya kung ilan nanligaw sakin nung JHS!
B: Wow! Coming from you? Baka ihampas ko sayo listahan ng binasted ko!
MG: HAHAHAAHAHAHA listahan amp! Wala ka non asa ka pa! panget mo!
Nagreply pa ulit ako syempre hinding hindi ako magpapatalo noh..kaso ang loka nag out kaya naman napangisi ako.. wala naman pala eh! HAHAHAHA siguro nalaman nya nang ako ang mas maganda sa kanya. Saglit akong nagback read sa naging mga topic namin netong mga nakaraang bwan.
Most of the time puro pagtatalo at paglalaitan lang namin ang mapapansin sa GC namin..
Bakit ko nga ba naging kaibigan tong bruha na to? Napaka maattitude eh kala mong kinaganda nya pagmamaganda nya! HAHAHAHAA charot! Syempre love ko pa rin to kahit inaaway nya ko..ako lang naman di nya love eh!
Naglog-out nalang ako at nagpatay ng data..tapos ay humiga sa kama para magbasa ng mga bagong download kong story sa wattpad.
'Madaragdagan nanaman asawa ko nito hehe'
YOU ARE READING
To Be With You (FRS #1)
RandomHow can you talk to your crush if both of you doesn't want to talk to each other? Is there any chance that they will end up together? Started: July 20, 2020