Tahimik akong nakaestambay dito sa gilid, hinihintay matapos sa pagbili ang ilang kaibigan ko. Sa totoo lang ay ayaw kong bumaba dahil mapapagastos ako ng wala sa oras, pero dahil makulit sila at ayaw akong tigilan bumaba nalang rin ako. Habang naghihintay napansin kong paparating nanaman ang barkada nila, nagkunwari na lamang akong walang pakeelam sa presensya nila since hindi rin naman alam at di rin naman halatang crush ko ang isa sa kanila. Marunong naman kase ako mag hide ng feelings eh, tanging ang mga kaibigan ko lang ang naka alam dahil nahuli nila akong iniistalk ang lalakeng yon nung minsang hiramin ni Eunice ang phone ko.
"Oy asan sila?" Jim asked me as his other friends including my crush entered the cafeteria.
"Andun bumibili pa..tagal nga eh" saad ko saka bahagyang pinisil ang chichiryang hawak ko.
"Ahh ganon? Samahan nalang muna kita" nakangiting aniya na nginitian ko nalang.
"Ikaw bahala..wala ka bang bibilhin sa loob?"
"Wala naman..saka madali namang mamburaot noh" aniya saka prenteng sumandal sa pader.
Tinanguan ko nalang ito saka binuksan ang potato chips na hawak ko at saka sya inalok. Kumuha naman ito ng kaunti saka muling nagsalita.
"Alam mo nung una akala ko masungit ka" aniya bago isubo ang isang piraso ng kinuha nya. "Di ka kase masyadong nagsasalita, hindi ka rin ngumingiti..alam mo yon..parang ang hirap mong lapitan" derederetsong saad nya.
"Baliw..kabait bait ko eh" nakangising saad ko.
"I mean kase last year..hindi ka namamansin..halos wala ka ngang kinakausap na lalake"
"Ewan..di ko lang kase trip..saka kinakausap naman na kita ha? Kayo nga para kayong magjowa ni Jenelyn" anas ko saka kumuha ng chips.
"Luh? Magjowa amp..di kami magjowa non..sadyang close lang kami" paliwanag nito na tinangu-tanguan ko nalang.
Sabi mo eh
Pamaya-maya pa'y dumating na sila Lovi, mukhang marami-rami ang binili dahil sa dami ng hawak nito. Agad naman akong nag paalam kay Jim bago sumama kila Lovi..ngunit imbis na bumalik sa room dumeretso muna kaming cr naiihi na raw kase si Janine kaya ayon..kahit isa lang ang naiihi sama-sama kaming limang nagtungo dun.
"Kita ko sila francis sa loob ah? Sayang lumabas ka kase kaagad" ani Lovi na may mapanuksong ngiti pa sa labi.
"Oh? Gagawin ko? Yamusya dun" tugon ko saka ngumata ng potato chips na hawak.
"Alam nyo...pansin ko lang may bago sa kanya noh?" Puna ni Eunice saka pasimpleng kumuha ng pagkain ko.
Sinamaan ko naman ito ng tingin na tinawanan nya lang saka isinubo ang nakuha. Napairap nalang ako bago dumukot sa lalagyan at pasimpleng nilingon ang daan papuntang cafeteria. Kasalukuyan na silang paakyat sa hagdan babalik na sa room.
"Mas pumogi sya..bagay sa kanya buhok nya ngayon" ani Jaz na naglalagay ng pulbos.
Sa loob loob ko'y sumasang ayon ako sa sinabi nito, iba talaga pag nagbibinata na nag goglow up samantalang ako..heto mukha pa rin daw batang munti tsk..paano ko kaya matatransform sarili ko? Yung tipong magmumukha akong dalagang dalaga gaya nung kinababaliwan nya daw na babae ngayon.
YOU ARE READING
To Be With You (FRS #1)
RastgeleHow can you talk to your crush if both of you doesn't want to talk to each other? Is there any chance that they will end up together? Started: July 20, 2020