Kinabukasan....
Hindi ako nalate ngayon at maituturing ko itong achievement, maaga aga rin kase akong nagising..siguro dahil inspired? Baka nga..inspired kay crush..puta! Kailan pa ko lumadi?!
Dumeretso ako sa kuhanan ng mono block at dinala ito sa table namin. Iilan palang kami dito sa room and since hindi ko naman kaclose ang mga kasama ko dito, inilabas ko nalang ang cellphone at pansamantalang nag-online. Agad tumambad sakin ang chat na nagmula pa sa GC namin sa research.
Denise: Guys mamaya deretso tayo kila Amy gawin na natin yung sa Chapter 2 para iwas hassle sa mga susunod na araw.
Kian: Ge lods sabay sabay na pumunta mamaya
Jullian: Mga anong oras ba? Habol nalang ako mamaya
Napangiwi nalang ako ng dahil sa nakita. Hindi pa nga pala ako nakakapag paalam, dapat pala'y nag online ako kanina o kahit kagabi para makapagpaalam kila mama ng personal. Di bale at magpapasabi nalang ako sa kapatid ko mamayang tanghali since umuuwi naman yon ng tanghalian. Muli akong napatingin sa screen ng may mag pop up ulit mula sa GC.
Francis: Hindi ko sure kung makakapunta ako di ako nakapag paalam nakaalis na ko ng bahay eh
Aba? Ayos same vibes? Ngayon nya lang rin ba nabasa? Sabagay....yung day nya nga puro ML kaya nakaligtaan nya na rin sigurong mag online. Saka..madalas kase sa mga GC ng section or sa group activities mas napupuno pa ng kalokohan kaysa sa mga matitinong bagay.
Nagscroll scroll na muna ulit ako hanggang sa mapansin ko ang isang post ni crush. Isang maiksing lyric video..yung kanta na madalas kong naririnig sa kapatid ko na ayaw naman sabihin sakin ang title. Pansamantala kong kinuha ang earphone ko at pinakinggan ang kanta..
Balang araw pala
Matapos mapakinggan ang kanta ay hineart react ko iyon saka bumalik sa pagscroll ng mapansin kong may naglapag ng monoblock sa harapan ko.
"Aga mo ah..maagang nagising?" ani Jaz na naglalapag ng bag sa mesa.
"Parang ganon na nga" saad ko saka muling itinuon ang sarili sa cellphone.
Nanatili akong tahimik, naisipan ko na rin magbasa basa ng kung ano-anong creepy facts sa facebook hanggang sa di ko na namalayan ang oras..agad kong itinigil ang pagcecellphone at ibinalik sa bag upang makinig naman sa unang klase ngayong araw.
"Sama ka ba mamaya?" tanong ni Railey.
Uwian na at gaya nga ng napag-usapan sa GC pupunta kami sa bahay ng isa sa kagroupmate namin sa research. Napailing nalang ako sa tanong ni Railey.
"Hindi na..may gagawin daw kami eh..Eunice!" agad naman akong nilingon nito. "Hindi muna ako makakasabay punta kami kila Amy eh" saad ko na tinanguan nya nalang.
Inaaya nila akong pumunta kila Railey, wala tatambay lang ganern. Wala naman akong mapapala kung sasama ako dun kaya tumanggi nalang ako.
Matapos nilang mag-paalam at nauna na silang lumabas ng room, habang ako heto..hinihintay matapos ang group leader namin sa paglilinis. Sila kase ang cleaners ngayon at sa kanila ako sasabay papunta kila Amy dahil hindi ko naman alam ang bahay nun. Di naman kase kami close ni Amy..or should I say sa mga kagroup mates ko..but it doesn't mean na wala akong kinakausap sa kanila. To be honest may isa akong kinakausap ang kaso lang..hindi ko gusto ang ugali dahil may pagkaback stab, hindi sa pinaplastik ko ang isang yon..sadyang pinakikisamahan ko nalang kawawa naman kase yung tao.
YOU ARE READING
To Be With You (FRS #1)
RandomHow can you talk to your crush if both of you doesn't want to talk to each other? Is there any chance that they will end up together? Started: July 20, 2020