Examination Day...
Medyo nakakastress na nakakaba ang araw na ito..pero hindi lang halata sa pagmumukha ko. Siguro nga dahil magaling akong maghide ng emotions kapag may mga kasama ako? Or siguro dahil hindi talaga halata sakin.
Kasalukuyang nag-aayos ng sitting arrangement, hindi daw kase pwedeng magkakasama ang magkakaibigan during exam,kung ako ang tatanungin? Pabor naman sakin yon..hindi dahil sa ayokong makatabi ang mga kaibigan ko during exam..pero dahil sa nadidistract ako sa kanila.
We all knew na pagkasama natin ang mga kaibigan natin..medyo nawawala tayo sa sarili at ayokong mangyari yon during exam. Pag exam kase at nagkatabi-tabi kami..apura tanungan ng mga yan..lalo na si Eunice at Railey? Jusko lord!! Pag accounting na mas naiistress ako sa kanila kaysa sa tanong. Ang gugulo kase na kailangan talagang i-explain one by one kaya imbis na mafocus ako sa ginagawa ko..nawawala pa ko. Yung tipong mas nauuna pa silang makatapos kaysa sayo?
So ayun na nga..heto nasa proper seat ako..which is sa unahan nanaman. Wala eh hindi ako pinagpala sa height..kinda unfair lang kase si crush andun sa likod..malapit sya kay Grace...feeling ko pa si Grace may gusto rin sa crush ko.
Kase naman..look at them! Nagkakausap sila na hindi ko naman nagagawa...well friendly kase si Grace..habang ako heto? Wala eto lang ako eh..di ako masyadong friendly..napagkakamalan pa ngang suplada. Aside from that...medyo ilag din ako sa crush ko..knowing na chinat ko sya kagabi..nakakahiyang lumapit sa kanya at kausapin sya sa personal. Baka isipin nya napaka papansin ko na ultimo kahit naglalaro sya inabala ko sya kagabi para sa walang kakwenta-kwentang bagay.
"Get one and pass" our adviser commanded as she gave those test paper.
Taimtim akong nagdasal sa isipan na makakuha ng mataas na score sa unang exam ngayong school year. Kailangan kong makakuha ng 30 pataas out of 50 items dahil bukod sa kailangan kong magpasikat kay crush eh baka mabatukan ako sa bahay pag tumuntong ng line of 2 ang score ko sa exam.
Buong 4 na oras na nagtetake ng exam...masasabi kong ayos lang..nakapag review naman ako kahapon saka kaninang madaling araw eh.. medyo cram nga lang ng konti. Hindi kase ako sanay na mag review one week or three days before exam, nakakalimutan ko lang kase kaya sayang effort.
Recess time ng mapagpasyahan naming bumaba, bumili lang ako ng chocolate..sabi kase nila nakakatulong ito para maalala ang mga nirereview during exam.
Pabalik na kami ng makasalubong masalubong namin ang barkada nila Grace. Well hindi naman ako galit dito or what..kaya nginitian ko nalang ito na sinuklian nya rin ng ngiti bago tuluyang umakyat pabalik sa room.
Pagkaakyat, nadatnan namin si Jim sa may table naming magkakaibigan.
"Sana all pachill chill lang" anas ni Lovi habang inilalapag ang pagkain sa mesa.
"Sana all matalino..pakopya nga" pabirong saad nito saka ibinaba ang cellphone.
"Lol matalino amp" saad ko saka kinuha ang bag at naupo sa tabi ni Eunice
"Talaga naman.." aniya na hindi ko nalang kinibo pa. Ipinukol ko ang sarili sa pagbabasa para kahit papaano'y may maisagot mamaya at hindi puro hula.
Ilang minuto pa ay nagsimula na ulit ang pagsusulit..may kahirapan ang mga tanong kaya natagal kami sa pagsasagot. Over time na nga ang section namin eh. Matapos ang exam ay nagkanya-kanyang uwi na ang mga estudyante para makapagpahinga ang brain cells.
YOU ARE READING
To Be With You (FRS #1)
RandomHow can you talk to your crush if both of you doesn't want to talk to each other? Is there any chance that they will end up together? Started: July 20, 2020