C49

6 1 0
                                    

"freli, kamusta?" nilapag ko ang dala kong prutas sa lamesa.

"okay lang, bry." ngumiti siya sa akin.

pinakita ko ang biceps ko, "lalaban ha?"

natawa naman siya sa akin. "oo naman. lalaban." nagpakita rin siya ng biceps kahit buto't balat 'yon.

kinwentuhan ko siya para naman may mapaglibangan kami.

"yang ate mo noon, may tournament kami sa ml, galit na galit sa akin." natawa kami pareho.

"oo, si ate kasi talaga hindi yan pabaya sa acads. ayaw niya namang mapabayaan mo yun, bilang girlfriend niya. ganon ka niya kamahal."

"oo nga eh, kaso hindi ko agad nakita 'yon." ngumiti ako ng mapait. "kaya ngayon, parang bumaliktad lahat. parang bumalik sa akin."

"wag kang mawalan ng pag asa kay ate. mahal na mahal ka 'non."

Chased (Gotpink Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon