C65

7 1 0
                                    

nasa bahay kami nila naomi, kaming pito, halatang ang sasaya nila. samantalang ako, tinatagong may pinag dadaanan.

habang tumatanda kasi ako, feeling ko gusto ko nalang eh privacy. yung ako nalang ang mamromroblema. yung tipong nakakatamad nalang magkwento kasi walang makakatulong sa akin kundi sarili ko lang. kasi kahit anong klaseng pagcocomfort naman ang ibigay nila sa akin, nasa sa akin pa din ang desisyon.

tsaka ayoko na ding madamay ang mga barkada ko. masaya na sila, okay na yung alam nilang wala na kami ni bry. ayoko nang ikwento ang detailed.

"hoy, ang sarap oh, start na natin ang mukbang --"

"magiging maayos din ang lahat." napatingin ako kay alice.

nakatingin siya sa wallet na hawak ko. kanina ko pa pala pinagmamasdan ang mukha ni freli, ang kapatid ko.

"ganyan din ang sinabi sa akin ni freli, dati." ngumiti ako.

"magiging masaya para sayo si freli, kaya mo yan. kahit anong mangyari andito lang kami para sayo." niyakap ako ni breana kaya sumunod naman ang iba kaya nag group hug kami.

"namimiss ko na ang kapatid ko." humagulgol ako sa iyak.

Chased (Gotpink Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon