C69

12 1 0
                                    

hailey's pov

"grabe, ang tagal ko nang hindi nakakakain nito. last time na nagshakey's tayo, nung may sakit pa ako."

"kaya wag ka na daw magkakasakit para makatikim ka lagi niyan. promise, lagi kang idadala ni ate dito."

"talaga ba ate?! sabi mo yan ha."

ang saya ko. sobrang saya. makita ko lang kapatid ko na napakalusog ngayon at kasama namin.

matapos ang ilang oras na byahe para makauwi, pinapauwi ko na si bry para naman makapag pahinga. ang sabi naman ni freli, don daw matutulog si bry kaya hindi na ako umangal. hindi ko naman pagmamay ari si bry para masunod.

"ipakilala mo naman kami sa foreigner na boyfriend mo anak." tumatawang sambit ni papa.

kumunot yung noo ko. "huh? sinong foreigner ang sinasabi niyo? tsaka wala ho akong boyfriend." pagtanggi ko.

"hindi ba't nireto ka na namin?" tanong ni mama habang dala ang mga pagkain papunta sa sala.

"ayaw ko ma!" inis na sabi ko.

"bakit hindi ka kasi maghanap ng bago, ate?" sumubo si freli ng chocolate na inuwi ko.

nagkatinginan kami ni bry pero agad din kaming umiwas.

"kailan lang yung si bry akala naming boyfriend mo ha?" nagulat si bry nang marinig niya ang pangalan niya.

Chased (Gotpink Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon