C53

4 1 0
                                    

"ate, can you give me some water?"

kumuha ako ng isang baso ng tubig tsaka ko binigay 'yon sa kanya.

"bakit mugto ang mata mo?" napansin ni freli ang mata ko.

"puyat lang." ngumiti ako sa kanya.

hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "alam mo ate? do whatever you want. sundin mo yung puso mo." nginitian niya ako tsaka tinuro ang dibdib ko. "kasi ako ate, tanggap ko ng mawawala na rin ako eh. kaya ang lagi kong hinihiling sana kasama ko si bry. at hindi mangyayari yun ate kung hindi dahil sayo." niyakap niya ako.

"ano ba, bakit mo ba sinasabi yan. ayan ang ayaw na ayaw kong sinasabi mo eh. ang isipin mo, magiging cancer survivor ka ha?" hinalikan ko siya sa noo.

"ipangako mo muna sa akin ate, sundin mo kung ano yung makakapag pasaya sayo, yung para sa sarili mo."

"oo naman, masaya ako no!" i tried to convince her.

"tell bry that you love him." tumulo ang luha ko.

Chased (Gotpink Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon