"May gusto na yon si Ken sayo" Si Anne kaibigan ko. Nasa burger king kami ngayon katabi ng School namin. Magkakaiba kami ng School na inaattendan pero sabay kaming lahat ng Break at lunchtime
"Asa, parang hindi mo naman kilala yong pinsan mo" Natatawang sabi ko.
May gusto kasi ako sa pinsan niya. Siya yung ideal type ko sa lalaki, tahimik, matalino, at malinis sa katawan.
"Sabi ni Prince nahihiya lang daw yon sayo" Sabi niya at siniko pa ko. Masakit umasa kaya mas safe kung iisipin ko joke lang yung mga pinagsasabi nila.
"Naks dream come true na girl" Asar pa ng isa kong kaibigan na si Pauleen. Napabuntong hininga nalang ako sa pang aasar nila.
"Bagay kaya kayo" Sabi ni Anne habang lumalamon ng burger.
"What if naging sila no? Parehas pa naman silang tahimik baka mapanis lang laway nila" I think it's better if I just go, These two are such a handful.
"Una na ko. Ang panget niyo" Sabi ko at umalis na.
I was walking slowly on the sidewalks with my head down. Nagiisip ako kung pano ko pagkakasyahin ang allowance na binigay ni coach sakin para sa buwang ito nang mabangga ako ng kung sino
"Tsk" Reklamo ko at marahas inayos ang strap ng duffel bag ko na bahagyang nahulog dahil sa pag bangga niya.
Nagtaka ako dahil hindi man lang nag sorry so I stopped. Nag angat ako ng tingin at nilingon para makita kung sino yon.
Kingina si Ken! Bakit ba nakalimutan kong dito nga pala siya dumadaan papuntang School niya. Hindi ko na pinansin at naglakad nalang ng mabilis papuntang School.
Nang makarating sa School dumiretso muna ako sa locker room para ilapag ang duffel bag ko. Pagkatapos ay pumunta na ako sa office ng homeroom teacher ko.
"Ma'am" kumatok ako sa labas ng office at nag abang ng pagbukas ng pinto
"Ms. Figueroa come in" Rinig kong sabi ni Ma'am Arnie.
Pumasok na ko at nilapag ang School bag ko sa gilid ng inuupuan ko.
"Bakit po pala ma'am?" Tanong ko.
"About your scholarship" Inabutan niya ako ng folder na kulay brown.
"Answer everything in there then pasa no sakin" Ma'am said. "oh I forgot! Namove yung alis mo. Second week of December na" Tumango lang ako at pumunta na sa room para sa klase. Since wala pa naman yung Prof sinagutan ko muna yung kalahati ng folder.
Habang nagsasagot bigla kong naalala yung nangyari kanina sa labas ng School. Sobrang rare lang kasi na magkasalubong kami ni Ken doon.
Umiling ako ng umiling ayokong madistract kahit na crush ko pa siya hindi parin pwede na madistract ako. Mahirap na baka mapurnada pa ang alis ko.
Saktong alas dose na nang hapon ng umalis ako sa room at pumunta sa pool area, Nagpalit na ako ng swimwear at nag stretching bago magsimulang lumangoy. I busied myself training for the next swimming competition. I need to be on the top three para hindi mawala ang scholarship ko.
"Hmm... Bumibilis ka" Nagulat ako ng makita si Shan na nakatayo sa harap ko.
"Shan..." Tumitig ako sa mata niya. He has a very beautiful sparkly eyes. Masarap titigan ang mga mata ni Shan
"Kanina ka pa?" Tanong ko at umahon na. Humiga muna ako saglit dahil ang bigat ng katawan ko dala ng tubig.
"No, kakarating ko lang" He handed me a towel.
"Thank you" I smiled. Inabot ko yung water container ko, I tried to open it but I was too tired. Inagaw ni Shan yon at siya na nagbukas.
"Here" Inalalayan niya ang dulo habang umiinom ako.
Shan and I, we've been friends since grade school we were past lovers but we were so young at that time kaya we have to stop it.
Pero hindi namin natiis ang isat isa kaya naging mag close friend nalang kami.
Sabay kaming umuwi ni Shan. Nasa tapat na ko ng bahay nang maalala kong may usapan nga pala kami nila Pauleen at Anne ngayon.
"Bye una na ko" Shan said. Pumara siya ng tricycle at umalis na. Tinanaw ko siya hanggang sa mawala na sa paningin ko ang sinasakyan niya.
Agad kong nilabas ang cellphone ko at tinawagan si Anne.
"Anne sorry nakauwi na ko, nakalimutan kong may usapan nga pala tayo hahaha" lumakad na ko papasok sa bahay at sinara ang gate.
"Wala si Anne" Natigil ako sa paglakad nang marinig ko kung sino ang sumagot. Tinignan ko ang phone ko kung tama ba ang na dial kong number. Tama naman... pero bakit si Ken sumagot?
"Ah okay, pasabi nalang na n-nakauwi na ko" Nanginig ng bahagya ang boses ko dahil sa kaba.
Hinintay kong ibaba niya yon pero umabot na ng ilang minuto hindi parin namamatay ang tawag.
"Hello?" Tawag ko.
"Hello" Nadagdagan ang nginig na nararamdam ko.
"uhm ibaba mo na" Pinilit kong ayusin ang boses ko.
"Okay" Pagkasabi niya non ay agad nang namatay ang tawag.
Binaba ko na ang phone ko at huminga ng malalim tsaka ako napingiti ng malapad.
May gusto ako kay Ken totoo yon at hindi ko rin alam kung kelan nag simula. Sa totoo lang wala kaming interaction ni Ken kaya siguro kung titignan ibang tao parang laro laro lang pero para sakin hindi.
Hindi ko din maintindihan kung bakit tuwing papasok siya sa isip ko at hindi na siya nawawala. Ang lakas ng tama ko sakanya pero siya parang wala lang...
Pero ayos lang din naman wala pa naman kasi talaga akong balak magkaroon ng boyfriend dahil busy pa ako para sa sarili ko.
Basta gusto ko siya hanggat single siya at walang nagugustuhan pero kung magkakaroon siya ng babaeng nagugustuhan niya edi back off nako.
Ganon para wala masyadong sakit after.
Natapos na ako sa night routine ko at hindi parin nawawala si Ken sa isip ko hanggang sa makatulog nalang ako ng iniisip siya.
BINABASA MO ANG
If We Happen (COMPLETED)
Teen FictionHow far will you go just to be with him? How much can you ignore all the pains just to be with him? How much do you love him to do all the stupid things you'll regret? (A/N) photo not mine. Credits to the rightful owner. 7/8/2020