Chapter 5

13 1 0
                                    

Ilang linggo na mula noong umamin sakin si lia tungkol sakanila ni Ken. Nalaman nila Anne at Pauleen yon. Nagalit sila at gusto sanang kausapin si Lia.

"Wag niyo nang galawin si Lia. Wala naman siyang ginagawa" Nagsusulat ako ng planner ko para sa mga susunod na buwan. Malapit na kasing mag December kaylangan ko nang ayusin yung mga papers para sa alis ko.

"Anong walang ginawa? Clearly inagaw niya si Ken sayo" Anne said hysterically.

"Hindi naman kami ni Ken kaya wala siyang inagaw" Sabi ko at patuloy parin sa pagsusulat ng mga plano.

"Pero alam niyang may gusto ka kay Ken!" Pauleen said. Inagaw nilang dalawa yung hawak ko. "Listen Dan, nagmuka kang tanga sa harap ni Lia. Ang iisipin niya ngayon sobrang dali mong utuin" Nagtaka ako. Anong utuin? Hindi naman ako nauto, Ano bang pinagsasabi nila mga baliw. Isa pa wala naman talaga sakin kung maging sila o Hindi.

"Wala naman akong pake kung anong iisipin niya" I shrugged and tried to get my planner back. Pero nilayo pa lalo ni Pauleen yon.

Leche.

"Bakit?" Sabay nilang sabi. Kumunot ang noo ko.

"Anong bakit?" tanong ko at pilit paring inaabot ang planner.

"Bakit wala lang?! Kala ko ba crush mo si Ken?" Gigil na sabi ni Anne. Humawak pa siya sa noo niya na parang sobrang laki ng problema niya.

"Crush ko nga pero wala akong sinabing jojowain ko" Parehas silang bagsak ang balikat na humiga sa kama.

"Bakit siya ganyan... " lantang sabi ni Anne. Si Pauleen naman ay napahawak nalang sa buhok at hinila hila yon.

Gusto ko naman talaga si ken pero marami akong mas gustong unahin. Katulad ng Scholarship na natanggap ko sa pagsswimming. Gusto kong lumago muna bago ako magpakasaya sa buhay.

Dahil isa yon sa mga ipinangako ko sa sarili ko. Ang unahin lagi ang sarili bago ang iba. I mean hindi naman palagi na dapat sarili ko lang pero I should always include myself in every decision I make.

It's life... I should make the best out of  it in my own way. I may seem lonely and boring to others but for me... This is the way I want to be happy. I just want a peaceful life. Kung si Lia ang gusto no Ken edi si Lia. I'm too busy for dramas.

Isa pa hindi lang naman si Ken ang lalaki sa mundo. Well if we just happen then I will be happy... But we didn't happen and still... I'm happy. Because I know what I want in life.

****

Months passed today is December 15 last day ko na sa pinas. Pauleen and Anne already know that I'm leaving the country.

Ken and Lia are doing just fine. They're so sweet to each other. Sobrang bagay nila and I'm happy for them.

"Girl pakilala mo kame sa mga cute boys ha" Pauleen said. Sila naghatid sakin sa Airport.

"Dapat yung yummy" Anne said. Ang hilig nilang magshopping ng pogi at cute. Hindi naman nakakachamba.

"Busy ako don. Wala akong time para hanapan kayo ng sugar daddy" I tease them. I'll seriously miss Anne and Pauleen.

"Damot mo!" Hinampas ako ni Anne ng bottled water.

Buong oras kaming nagaasaran habang hinihintay ang departure ko. Suddenly everything feels slow. I just want time to pause to have more time with them.

Almost of my life they were with me so I wasn't really used not seeing them.

Tinawag na ang flight ko. Tumayo na ko at kinuha ang mga gamit ko. I wasn't looking at them because surely I'll miss them.

"Dan!" Someone shouted my name. I look around to see who it was. It was lia and Ken.

"Hey!" I smiled at them upon reaching me. Habol hiningang ngumiti si Lia. Natawa ako ng bahagya, she's really cute.

"Paalis kana?" Ken asked. I nodded. It wasn't that awkward anymore to talk to him we're casual with each other. I still like him but I'll just keep it to myself. It's better that way and peaceful.

Muling pinage ang flight ko. Nagalala ako baka mamiss ko yon kung makikipag usap pa ko sakanila ng matagal.

"Alis na ko baka mamiss ko pa" Natatawang sabi ko. I smiled at them and hug Anne and pauleen one last time.

I walked away not looking back anymore. "Let's go" Shan said. He'll be going with me sa Canada.

"I'll be fine right?" He nodded and patted my head

I'll spent the next 3 years here in Canada for training camp and more competitions also my education.

Living here will be tough, but life is nothing when there is no hardship.

I will just go with the flow.

If We Happen (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon