"Dan bilisan mo pa" Coach said. Huminga ako ng malalim at tumango. Kaylangan kong mabawasan ng ilang segundo ang langoy ko.Umangat na ako sa pool at nag stretching. Pinalo-palo ko din ang mga muscles ko.
"Sir medyo hindi maganda ang mood ng katawan ko ngayon" Kinakabahan ako sa magiging reaction niya. Alagang alaga kami ni coach kaya wala talaga ng dahilan para mag slack off sa training pero dahil sa pagttraining ko ng sobra ay nawawala sa wisyo ang katawan ko.
"Tsk! ano na naman ba ang ginawa mo" Inis na sabi niya. Naiintindi ko naman na naiinis talaga siya dahil kasalanan ko naman talaga.
"Wala naman po... Talagang wala lang sa ayos ang katawan ko ngayon sir" Katwiran ko.
"Kaya mo ba?!" Inis parin niyang sabi. Tumango ako. "Lalangoy ka pa ba?!" Tumango ulit ako.
"Sorry po... Pero kaya ko naman po" nakatungong sabi ko. Nakakahiya sa mga kagrupo ko dahil baka madagdagan ang langoy nila pag hindi ko pinilit.
Pinuntahan kami ng mga kagrupo ko at nagtanong kung anong nangyayari. Umiling lang ako at ngumiti. "Wala napagalitan lang ng konti" Sabi ko at naghanda na ulit sa pag langoy.
Mula six ng umaga hanggang twelve lang ang training kaya makakapasok pa ako.
"Dan..." I was surprised to see Lia.
"Hmm?" I asked her.
"Can we... Uhm... Talk?" I tilted my head.
"Okay" Sumunod ako sakanya. We headed at the ground bench.
Lia look uncomfortable and shy. This is the first time I saw her like this, she was naturally friendly and talkative. I eyed her quietly. I know what she's going to say. I'm just waiting for her to calm down and say it.
"Dan..." alinlangan siyang umupo sa tabi ko. "I'm sorry to say this... Nililigawan ako ni ken" hinawakan niya ang kamay ko.
"Oh okay" Sinikap Kong mag tunog interesado.
"Uhmm..are you okay? I mean aware akong may gusto ka sakanya at nagulat lang din ako na may gusto siya sakin umamin siya nung nakaraang araw... " Mahinahon ang pagkakasabi niya na para bang ayaw niya akong masaktan sa kung anong sinasabi niya.
"Lia I seriously don't care kung anong gusto niyong dalawa... For me he's just my crush and that's all wala naman akong balak gawin siyang boyfriend. Siguro kung marami akong time baka agawin ko pa siya sayo pero marami akong ginagawa, ni hindi ko nga maasikaso ng mabuti sarili ko tapos dadagdagan ko pa ng ganyan? Baka mabaliw na ko sa pagod" tumawa ako. "but seriously don't think about me... I'm fine" I assured her.
Lumingon ako sakanya. She was crying. Bakit naman umiiyak to. Diba dapat ako kase magkakajowa na crush ko.
"Bakit ka ganyan... " She said crying. Tinawanan ko lang siya.
"Hahahaha busy lang ako, hintayin mong matapos ko lahat to agawin ko talaga yon sayo" I joked. Hinampas naman niya ako. "Tara na baka malate tayo. Peram ako ng notes. Ayoko bumagsak" hinila ko na siya papunta sa room. Hanggang sa makarating kame ng room umiiyak parin siya. Kala tuloy ng iba nag away kame.
Dumating na ule ang hapon and as usual nag training ako ng 4-6 hrs.
"Dan!" Nagulat ako ng marinig ko ang boses nila Anne pagahon ko sa tubig. Ngayon lang nila ako pinuntahan sa oras ng training.
"Bakit?" Tanong ko pag ahon ko ng tubig ang bigat sa katawan kaya naman napahiga ako sa lapag.
"O okay ka lang?" Inalalayan ako ni Pauleen tumayo. Nakita Kong may hawak silang chicken bucket at coke.
"Kanina pa kami tawag ng tawag sayo hindi ka sumasagot!" Bulyaw ni Anne. Naupo ako sa may bench kung saan nakalagay ang mga gamit ko.
Uminom muna ako ng energy drink bago buksan ang cellphone ko. "Nakapatay pala hehehe" Isang pilit na tawa ang pinakawalan ko, agad naman na nangunot ang noo ng dalawa.
"Tsk para saan pa yang cellphone no kung papatayin mo din pala!" Patuloy sa pagsermon si Anne sakin. Tinakpan ko ang tenga ko at nagkunwaring naiinis sakanya.
"Ingay mo daig mo pa so coach ah" Asar ko. Isang malakas na sipa sa paa naman ang natanggap ako mula sakanya.
"Tama na yan uwi na tayo!" Aya ni Pauleen.
Pinaupo ko muna sila sa bench habang nag bibihis ako sa shower room. Nang matapos ako ay bumalik muna ako sa locker room para Iwan ang ibang gamit ko pero may naring akong ungol at parang may pumapalakpak sa bandang dulo ng locker room.
Sa tunog palang alam ko na kung ano yon, hindi bago sakin ang tunog na yon dahil madalas talaga na dito gawin yon dahil wala masyadong tao ang nagagawi dito sa pool area.
Napailing nalang ako at umalis na ng tahimik para hindi sila maistorbo.
"Tara na" Una kong kinuha ang water container ko, kukunin ko palang sana yung bag ko pero inunahan na ko ng dalawa. Ano kaya ang nakain nila at ganyan sila umasta ngayon?
"Hoy anong bang trip niyo? Akin na yan" Inabot ko yung strap ng bag ko pero iniwas lang nila.
Tumigil ako sandali at tinignan silang dalawa. Baka may kasalanan kaya sila nagkakaganyan. Hindi ko nalang pinagtuonan masyado ng pansin at sumabay na ulit sakanila maglakad.
Hinatid nila ako sa bahay at nagbalak pang makitulog, hindi ko sila pinayagan dahil alam ko na kung san mapupunta ang gabi ko pag dito sila natulog, malamang mapupuyat lang ako.
Hinintay ko lang silang umalis tsaka lang ako naglinis ng bahay tsaka nahiga na sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at nag scroll sa Facebook para tignan ang updates sa mga classmates ko. Sa sobrang busy ko kasi sa training at sa paper works wala na akong alam sa nangyayari sa mga kaklase ko maski kila Anne at Pauleen.
Habang nag sscroll nakita ko nanaman si Ken at si Lia. Ngayon ko lang nalaman na gusto pala ni Ken na magpost ng pictures... O baka ngayon lang dahil kasama niya si Lia.
Nalungkot naman ako bigla. Ganito pala feeling ng broken hearted hay... Pinatay ko na ang cellphone ko at natulog na. Isinantabi ko muna sila Ken sa isip ko para makapagpahinga naman ako ng maayos.
BINABASA MO ANG
If We Happen (COMPLETED)
Teen FictionHow far will you go just to be with him? How much can you ignore all the pains just to be with him? How much do you love him to do all the stupid things you'll regret? (A/N) photo not mine. Credits to the rightful owner. 7/8/2020