These past few days sobrang naging busy ako to the point na hindi ko na masyadong nakikita sila Anne at Pauleen.
Maaga palang nasa School nako para ipasa lahat ng mga worksheet at yung pinapasagutan ni ma'am Arnie.
Kumatok ako sa office ni Ma'am. Narinig kong may kausap pa siya kaya sumadal muna ako sa gilid ng pinto at nag hintay na matapos sila. I waited for couple of minutes bago ko marinig na tapos na sila.
"Thank you so much hijo" Bumukas ang pinto at si Ken ang una kong nakita. Tumingin silang dalawa saken.
"Ma'am" I handed out the folder she asked me to answer yesterday.
"Oh! Tapos mo na agad?" She asked and examined the papers. Tumingin ako kay Ken bago sumagot.
"Opo" I said shyly.
"Hmmm sige we'll wait for the progress nalang" Tumango ako at umastang tatalikod na.
"Ms. Figueroa samahan mo pala muna si Mr. Salazar sa cafeteria" pigil hininga akong humarap at tumango sabay ngiti.
Tumingin ako ng pailalim kay Ken. "t-tara" mabilis akong tumalikod sa takot na baka makahalata siya.
I looked back to see if he's following me. Naglalakad siya habang nakatingin sa cellphone niya, binagalan ko ng kaunti ang aking lakad para makasabay siya sakin.
My mind was in chaos the whole time we're walking on our way to cafeteria. My mind is debating if I should say something or just keep on walking silently because he look like he's not interested in anything.
Nasa harap na kami ng cafeteria at medyo nakakahinga nako ng maayos.
Tumingin ako sakanya at nakitang nakayuko parin siya sa cellphone niya.
"Dito na yung cafeteria" Nag angat siya ng tingin at saglit na tinignan ang paligid at saka tumango at muling yumuko sa cellphone niya.
That was my cue to leave him there. I already expected this but I still got disappointed. I should never really assume something about us.
Pumunta muna ako sa room namin para hintayin ang simula ng klase.
"Oh bat andito ka?" Si Lia. Siya yung class president namin. Halatang hindi sanay nakikita ako sa classroom.
"Mamaya pang 12 training namin, half day lang ako ngayon" Sagot ko at umupo na sa upuan ko. Sumunod siya sakin at umupo sa harap ko.
"Nakita ko si Ken kanina" she wiggled her brows while smiling widely. Tinusok tusok niya pa yung pisngi ko.
"Ah galing siya kay Ma'am Arnie" Nanlaki ang mata niya sa sagot ko.
"Nakita mo din?!" Napalakas ang pagkakasabi niya non kaya napatingin ang iba naming kaklase.
Nagpeace sign siya at Tumingin ulit sakin. "Ikaw ha...." Asar niya.
"Pinahatid ni ma'am sa cafeteria" Sagot ko at pabuntong hiningang sumandal. "Hindi naman ako kinausap... Nakatingin lang siya sa cellphone niya" I shrugged. Hindi naman big deal sakin yon dahil alam ko naman ugali non. Isa pa crush ko lang siya. Wala naman talaga akong balak jowain siya. Sila Anne lang talaga malakas trip sa buhay.
"Aww baket naman" She puoted and that made me cringe. I silently cursed inside my head.
Tangina
"Baka may kausap... " Nagkibit balikat nalang ako at nag cellphone. Umalis na si Lia sa harap ko at nakipag tuwaan na sa iba.
I scrolled on my facebook timeline. Puro post ni Ken yon about twice at mga memes. Di pa talaga kami nagkakaroon ng matinong interaction ni Ken kaya dito ko lang sa Facebook nalalaman ang ganap sa buhay niya
Nagulat pa nga ako nung nakita kong may post siyang nagmura siya. Kala ko talaga hindi nagmumura yon kaya talagang nagulat ako.
Mukha kasi mabait tignan si Ken singkit at medyo mahaba ang buhok, matangkad siya at Maputi. Sa totoo lang medyo may hawig siya kay Nam joo hyuk. Nung minsan ngang pinakita ko ang profile picture niya sa pinsan ko akala niya si jungkook. Sobrang pogi at generic ng Mukha niya.
Marami din ang nagsasabing bagay kami dahil medyo parehas ang facial features namin. Parehas kaming singkit at generic ang muka. Ang mga kaklase ko naman ay kulang nalang sabihing kamuka ko lahat ng Koreanang kilala nila.
Patuloy lang ako sa pag scroll hanggang sa dumating ang teacher namin.
****
Dumating ang alas dose ng hapon at nag handa nako sa training ko.
"Lia sendan mo ko ng mga notes ha" Tinapik ko siya sa balikat at ngumiti.
"Sige sige" I thanked her then leave. Hindi naman kase porket athlete ako ay exempted na ko sa mga quizzes at test, kaylangan ko ding i-maintain ang grades ko para sa senior high.
Nagmadali na akong magpalit ng swimwear sa shower room dahil medyo late na ko. Kinuha ko ang varsity jacket ko at pinatong muna yon sa suot ko dahil nakakahiyang malakad ng naka swimwear lang.
Pagkarating ko sa pool area ay nagsisimula na sila. Hinubad ko ang jacket ko at nilapag yon sa bench.
Pero hindi ko inaasahang manonood samin ang principal at nandoon si Ken. Anong ginagawa niya dito? Close sila ng principal?
"Bilis na Dan" Bulong ni coach ng makitang natigilan ako.
"Sorry sir" tumango ako at pumatong na sa diving board. Ramdam ko ang tingin ng lahat at kinakabahan ako pag naiisip kong nakatingin si Ken saakin. Pano kung magkamali ako ngayon?
Wala pa man ay nahihiya na ako ng sobra.
Prrtttttt
Pagkapito ay agad na akong nagdive. Pilit Kong inalis sa isipan si ken habang lumalangoy. Mabuti nalang at nakisama naman ang utak ko.
Habol hininga akong umahon sa tubig. Umupo ako ng sandali sa diving board bago tuluyang lumangoy.
"Ang galing mo" Napalingon ako sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Ken iyon, muntik pa akong mahulog sa tubig dahil don.
"Salamat" Sabi ko at umalis na. Hindi ko ata kayang magtagal sa harap niya lalo na't naka tingin siya.
The training continues, umalis ang mga nanonood nung bandang alas singko na ng hapon. Hindi parin nawawala sa sistema ko ang kaba at kilig. Mukang tatagal pa to ng ilang linggo.
Natapos na ang training at pauwi na ako.
"Hi" ilang beses ba dapat akong magulat sa isang araw. Bigla bigla nalang may nagsasalita sa gilid at likod ko.
Boses palang ay kilala ko na pero hindi ako lumingon at nagkunwaring walang naririnig, may suot akong earphone pero walang tunog.
"Oy" tawag niya uli. Hindi parin ako lumilingon.
"Tss" nagulat ako nang tanggalin niya ang earphone ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi ko din inaasahan na sinamaan ko siya ng tingin pero nasanay kase ako na ganun ang reflex pag may gumagalaw saken.
"Sorry" tumango ako at marahang Kinuha sa kamay niya ang earphone.
"No" Sabi niya at nilayo pa yon dahilan para mahugot ang cellphone ko sa jacket at nahulog yon.
Napatingin siya don at agad na pinulot. "Sorry di ko sinasadya" Sabi niya at sinipat sipat ang cellphone.
Di na ko sumagot, tinignan ko ang cellphone at nagalala sa kaloob looban ko. Nilahad ko ang kamay ko para kunin yon, agad naman niyang binigay yon.
Tinalikuran ko siya at naglakad na. Nakita ko kasi ang oras ala siete at wala nang masasakyan ng ganitong oras.
Naglakad nalang ako papuntang train station. Masyadong malayo ang lalakarin ko pero wala na akong choice kahit pagod na. Hindi rin naman ito ang unang beses na nangyari to kaya medyo gamay ko na.
I did not think of anything anymore ang nasa isip ko nalang ay ang makauwi at makapagpahinga.
Ganon lagi natatapos ang araw ko pagod na pagod at diretso bahay.
BINABASA MO ANG
If We Happen (COMPLETED)
Teen FictionHow far will you go just to be with him? How much can you ignore all the pains just to be with him? How much do you love him to do all the stupid things you'll regret? (A/N) photo not mine. Credits to the rightful owner. 7/8/2020