Chapter 2

277 36 5
                                    

////

"Ilang beses na kitang pinagbigyan, hindi ka pa rin nagta-tanda!" namilipit ako at madiing napakagat sa labi ko hanggang sa halos natitikman ko na ang sariling dugo nang humampas ulit sa likod ko ang latigo.

This was the consequences of my actions. And even though it hurts, I need to bear it. I wouldn't lie that I enjoyed what I did.

"I will transfer you away. And you will never come back until you learn. Clean your wounds and pack your things, you're leaving tomorrow."

Pinigilan ko ang matawa sa sinabi ng ama dahil unang-una, baka magka-second round pa at pangalawa, ang hapdi at ang sakit na sobra ng likod ko. Paika-ika akong naglakad palabas habang nakabalot lang ang katawan ng isang puting towel na halos magkulay dugo na din.

"Why did you do it, Lucitannia?!" kung minamalas ka nga naman makakasalubong ko pa talaga 'tong si Angelice.

"Bakit ba? Umalis ka nga diyan." tinulak siya palayo at nagpatuloy sa paglalakad pero pinigilan niya ako. Ba't ba trip na trip nila akong pigilan?!

"Are you still okay?" I always hated the sound of pity in her voice whener she is talking to me.

Pinalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at nagsimulang maglakad palayo dahil ayokong makita niya ang pagtulo ng luha ko, "Tao pa rin naman ako, Ate. May puso at may nararamdaman pa rin ako. Sana hindi niyo 'yon makalimutan." mahinang sabi ko sapat na para marinig niya.

Sinarado ko muna ang pintuan bago binitawan ang towel. Naglakad ako papunta sa banyo, hindi ko napigilan ang pagsinghap nang tumama ang malamig na tubig sa sugatang likod ko. Kinabukasan, pumunta din ako sa hospital para mabendahan at malinisan dahil hindi ko nalinis ng maayos kagabi. Umuwi lang ako para mag-impake.

May binigay sa akin si daddy na sasakyan para 'yon ang i-drive ko papunta sa bagong school ko kuno. Si Mama lang ang nasa bungad ng pintuan pagkababa ko. Agad niya akong sinalubong ng yakap pero agad din akong humiwalay. Hindi naman ako galit sakanya, medyo nagtatampo lang.

"Anak-" pinutol ko agad ang sasabihin niya at pinunasan ang luhang dumadaloy sa pisngi niya, sana all clear-skin pa rin kahit 40 plus na. Ang ganda-ganda pa rin ng Mama ko dahil sakanya ako nagmana syempre.

"Don't worry too much about me, mama. Take care of yourself always." hinalikan ko muna ang noo niya at sumakay na sa sasakyan. Kinawayan ko muna siya bago nag-drive paalis.

A part of me is happy dahil sa wakas ay makakalaya na rin ako kay Ama pero, there was also a part of me na disappointed dahil kailan man ay 'di ako nagawang ipagtanggol ni Mama. Napabuntong-hininga lang ako, I am utterly tired of all this bullshits. Pinunasan ko ang luhang tumulo at inayos ang aking sarili. I have to be strong and show them that I can really do this by myself.

Women really are even stronger without men.

I decided to just wear a mesh tee with a white spaghetti-strap tube underneath and a tattered denim shorts, and a pair of white sneakers. Hinayaan ko lang na nakalugay ang itim na itim na hanggang bewang kong buhok. I. decided turned on the stereo because it was too quiet inside the car.

"Saan nagsimulang magbago ang lahat? Kailan no'ng 'di na naging sapat? Ba't 'di sinabi no'ng una pa lang? Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal~"

Pinigilan ang sariling patayin ang kanta dahil sapul na sapul ako. At ba't ba ako natatamaan? Bwiset, hayaan na nga.

"Saan nagkulang ang aking pagmamahal? Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang. Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na? Ako ang kasama, pero hanap mo siya~

Hell Devil's High (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon