Chapter 5

184 28 1
                                    

//♧//

Kinabukasan ay late na akong nagising kaya naman minadali ko ang pagbibihis. Iyong puting sneakers nalang ang sinuot ko dahil hindi ko mahagilap kung sa'n ko hinagis yung black shoes kong may takong.

Pati nga din yung nag-iisang necktie ko ay hindi ko din mahagilap. Pumasok tuloy akong walang medyas at necktie na suot. Napanguso ako habang may subo na lollipop, nakaka-conscious ang tingin sa 'kin ng bawat estudyante na nadadaanan ko.

Pati nga din yung teacher nung mag-simula yung klase ay taas-kilay habang nakatingin sa 'kin. Bumulis ang tibok ng puso ko sa bawat segundo na lumilipas, masama ang kutob ko. Parang may masamang mangyayari ngayong araw sa 'kin.

Nagsitayuan ang lahat ng mga estudyante pagtunog ng bell, at nagpahuli nanaman akong lumabas. Niluwa ko muna yung stick ng lollipop at tinapon 'yon sa trashcan. Imbis na sa cafeteria hall ako dumiretso ay sa Aile Ouest ako nagpunta.

Nilagay ko sa harapan ang bag ko at sa tuwing may makakasalubong akong estudyante ay gigilid agad ako. Itatakip ko pa nga sana yung buhok ko sa mukha ko pero maikili nalang pala 'yon kaya yumuko nalang ako.

Nang makadating sa kwarto ko ay agad kong binaba ang bag ko sa sofa bago nagsimulang hagilapin ang mga gamit na siyang makakapagpa-survive sa 'kin.

It took me almost 20 minutes to find my necktie and socks. Sinuot ko iyon bago ulit sinukbit ang bag. Palabas na sana ako ng pinto pero nadaanana ko ang isang salamin. Kumunot ang noo ko bago humakbang pabalik.

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa sarili sa salamin. Gulo na ang maikli kong buhok na para akong nakipagsabunutan. Umirap ako at inayos ulit ang buhok ko.

Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag nang matapos na ang klase. Feeling ko ay hinabol ako ng mga demonyo sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang papasok sa kwarto ko. Akala ko kanina nung nakasalubong ko yung Le Grand Huit ay papatayin na nila ako.

Mabuti nalang siguro ay nakapag-palit agad ako kundi end na talaga yung trial ko sa empyerno. Nakagat ko ang kuko ko habang naka-indian seat sa ibabaw ng kama. Hindi pa rin mawala ang masamng kutob sa puso ko. Baka bukas ay may masamang mangyari.

Huminga ako ng malalim bago humiga. Niyakap ko ang panda ko na stuffed toy. Naalala ko ang Treasure. Ilang linggo ko na silang hindi napapanood.

Inabot ko ang tablet ko sa nightstand at sinearch sa youtube ang 'T-map'. Napangisi nalang ako habang pinapanood ang episode 1. Mukhang mag-all nighter nanaman ako ah.

"Calling Miss del Valle, please proceed to the office. Calling Miss del Valle, please proceed to the office. "

Nagmaktol na parang bata at binato ang unan na nakuha ko. Naalimpungatan ako sa sobrang lakas ng speaker.

"Arghh! Putangama 'yan! Ang aga-aga pa eh! "

Tumayo na ako kahit labag man sa magandang kalooban ko. Panay ang mura ko sa speaker habang patayo ako. Malaman ko lang kung sino ang nagsalitang 'yon, gigilitan ko talaga.

Gaya ng nakasanayan ko, I did some fifty jumping jacks and fifty push-ups dahil 7:30 palang. Bahala na silang maghintay do'n ng kahit ilang oras since sila lang naman ang may gusto nito. Alas otso na nang natapos ako magwarm-up. Nagpahinga muna ako sandali bago maligo.

Hell Devil's High (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon