l : Ikaw!

103 49 43
                                    


I A N T H E

Para akong nakalutang sa ibabaw ng dagat habang sumasabay sa mga alon nito. Sobrang payapa at tahimik.

Wala na ba talaga akong pakakataon na mabuhay muli?

Pinilit kong ibukas ang aking mga mata at sumalubong sakin ang nakasisilaw na liwanag. Ipinikit kong muli ang aking mga mata. Baka kasi hindi pala sa langit punta ko. Patay tayo diyan! Well, patay na naman talaga ako.

"IANTHE SANCHEZ!"

Agad kong idinilat ang aking mga mata dahil sa gulat. Sumalubong sa'kin ang isang gwapong lalaki na nakaupo sa kaniyang trono.

Katabi niya ang isang malaking hugis tinidor. Teka, panungkit ba 'yun? Ah, ewan!

Hindi ko maiwasang suriin ang kanyang mukha. Meron siyang magulo na buhok—halatang walang suklay. Matangos ang kanyang ilong at kapansin-pansin din ang kanyang mga berdeng mata.

Pinagmasdan ko ang pwesto niya. Nakataas ang isa niyang paa habang siya'y kumakain ng chips. Napansin ko namang nakaupo ako sa isang upuan, kaharap ng kanyang trono.


"Drug addict ba ito?" bulong ko.

"Anong drug addict?" pasigaw niyang tanong. Mukha pa siyang nasaktan dahil nakahawak siya sa kaniyang dibdib.


Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi. Bagkus, sunod-sunod ko siyang tinanong, "Nasaan ako? At sino ka? Papaano ako napunta dito? Patay na ba ako?"

"Hindi ako drug addict! Ako si Poseidon, ang hari ng karagatan!" wika niya nang may pagmamalaki. Hawak niya na ngayon 'yung malaking tinidor.

"Ibaba mo nga yang tinidor mo. Ano bang ulam mo kanina, pancit canton?" tanong ko. Bumungisngis pa ako dahil nai-imagine kong kumakain siya ng pancit canton gamit 'yung malaking tinidor.

"Trident tawag dito, boba," naasar niyang sabi. Tumikhim siya bago magsalitang muli.

"So, ikaw si Ianthe Sanchez. Mula sa Barangay Hindi Mahanap at 20 years old na. Ang cause of death, nabunggo ng truck sa eksaktong 8:30 p.m," report niya habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa mga papel na nakalagay sa isang folder.

"Ako nga. Pero bakit ako nandito?" nagtatakha kong tanong.

"Dahil sa kabutihan mong ginawa kaya ka nandito. At para na rin bigyan ka ng pagkakataong mabuhay muli," nakangiti niyang sabi.

"Weh? Yes!" tuwang-tuwa kong sabi habang tumatalon. "Saang mundo naman ako pupunta?"

"Sa mundo na parang isang laro. Kailangan mong maglevel-up at patayin ang mga Generals. Higit sa lahat, ang Dark Lord o 'yung pinuno nila. Iyon ang misyon mo," sabi niya.

Naglakad siya at pumunta sa harap ko. Saka siya naglapag sa sahig ng mga baraha.

"At sa oras na mapatay mo ang Dark Lord, puwede ka ulit mabuhay bilang isang batang sanggol. Ngunit bago ang lahat, pumili ka ng isa sa mga baraha," pagpapatuloy niya.

"Ano itong mga barahang to?" tanong ko habang hinahawakan ang isa. Binasa ko ang nakalagay rito, "Golden Armor?"


"Ang mapipili mong baraha ay ang madadala mo sa mundong iyon. Makakatulong iyan sa pakikipaglaban," wika niya.


"Ano naman 'yung mga generals?"

Tumingin siya sakin ng seryoso.

"Sila ang mga pinakamalakas na alagad ni Dark Lord. Sa kabuuan, meron siyang limang generals. Kailangan mo silang patayin upang makalaban mo si Dark Lord," paliwanag ni Poseidon.

One Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon