PANIMULA

13 1 0
                                    

Being the outsider of the family is one of the hardest reality in my life. I am the unwanted daughter kase para sa kanila my older sister, Antonia Bliss Fallon will always be the perfect daughter. Minsan ko na din naramdaman na hindi talaga ako parte ng pamilyang to. Hindi na din ako magugulat kung malalaman kong ampon ako. Ni isa sa pamilyang to ay wala akong kamukha. Nakakapagtaka diba? May mga chismis din naman na sinasabing hindi talaga ako tunay na anak ni Anton at Michell Fallon.

Ate Toni was always jealous of me because of my natural curls. Isang taon lamang ang tanda niya sa akin kaya nasa iisang circle lang kami ng mga kaibigan. Mas lalo lang siyang nagalit sa akin nung nakilala ako sa aming school at naging usap-usapan na.

Naalala ko pa noon ay nagalit sa akin si Ate Toni dahil nagustuhan ako nung crush niyang soccer player sa school na si Calix. Nasagot ko pa si Ate Toni kase bakit siya magagalit sa akin kung yung crush niya ang may gusto sa akin. Malinaw kong sinabi kay Calix na wala siyang matatanggap sa akin at malinaw din yun sa mga kaibigan ko.

Ang maituturing ko lamang na kaibigan ay si Allary. Sipsip kase yung iba kong kaibigan gusto lang ata nila ng gulo sa pagitan namin ni ate dahil alam ng lahat na may tension na namumuo sa aming dalawa. Isa pa doon ay gusto nilang mapalapit kay Simon.

Simon Anthony Fallon ay ang nakakatanda naming kapatid at ang nag-isang kakampi ko sa bahay.

"Allary, hindi kita masasamahan ngayon. May training kase ako alam mo na baka mapag-initan na naman ako ni ate kahit hindi siya kabilang sa cheerleading" pagpapaliwanag ko kay Allary sa cellphone. Kahapon ko pang sinabi sa kanya na hindi ako sigurado na masasamahan ko siya sa pet shop para kunin si bubbles ang kanyang aso.

"It's okay, Harlow. Hindi na din naman ako umasa na masasamahan mo ako kaya magpapasama na lang ako sa assistant ni Mama. Natatakot pa din kasi akong lumabas ng walang kasama alam mo na politics" marahang sambit ni Allary. Allary Cai Grayson is very mahinhin. Sabagay nagmatch naman kami pareho dahil pareho kaming soft. Kahit nga yata magalit o mainis ay soft pa din ang dating ng aming boses kaya nasanay na din ako sa mga taong nabibigla kapag nagagalit ako.

"I'll try my best na dumaan diyan sainyo after training. Send my regards to your parents ha? I'll visit them soon." hindi ko na siya hinintay na magsalita pa dahil binaba ko na ang tawag. Shit malalate yata ako. Malalagot na naman ako sa Captain namin na kaibigan ni ate.

Pagkadating sa school ay agad akong bumaba. Dali dali akong tumakbo papunta sa stadium kung saan kami madalas magtraining. Dumating ako doon na nag wawarm up na sila. Buti na lang nakaabot kundi baka kung ano na naman sabihin ng aming captain na si Rose na alipin ata ng kapatid ko imbes na kaibigan.

Last year na ni Ate ngayon sa kanyang kursong Business na typical na kinukuha ng mga anak mayayaman dahil sila din naman ag maghahandle ng pinaghirapan ng kanilang magulang. Yon din ang aking kinuha dahil sa kagustuhan ni mama. Wala din naman akong magagawa dahil sila palagi ang nagsasabi ng gagawin ko kaya mabuti na lamang na pumayag silang sumali ako sa cheerleading.

"Balita ko kasama natin ang soccer at basketball team ngayon sa team building" sabi ng isa kong teammate na si Macy.

"Oo daw at balita ko din na may mga bagong kasali sa basketball team. Mga magpipinsan ang sa pagkakaalam ko" sagot ng isa ko pang teammate na si Rosella. Hindi ko na sila pinakinggan pa at umupo na lang ako sa bleachers. May importanteng announcement daw si Rose.

"Nakalimutan kong sabihin na wala tayong training ngayon" sabi ni Rose na hindi pa mukhang sorry. Maraming umangal sa kanyang sinabi.

"Sasabihin daw ni Coach ang mga instructions kaya makinig kayo sa sasabihin niya at inaasahan ang lahat na makadalo sa nalalapit na team building" Pagkatapos non ay dumating na ang aming nag-iisang Coach. Kung tutuusin ay mas strikta pa si Rose kaysa sa kanya.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon