TWO

7 0 0
                                    


"Miss Harlow, pinapatawag na kayo ng inyong Daddy at kakain na daw ng agahan" sabi ni Nanay Cora. Ang trusted mayordoma ng mga Ylarde. Matagal na daw naninilbihan si Nanay Cora sa mga Ylarde mula noong binata pa si Daddy ay nandito na siya.

"Salamat Nanay Cora. Susunod na po ako" sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya bilang tugon sa aking sinabi.

"Masaya akong nakabalik na ang prinsesa ng mga Ylarde" sabi niya at lumambot naman ang puso ko. Nakakapanibago dahil wala naman tumatawag sa akin noon kapag kakain na. Wala ngang pake sina Ate kung sasabay ba ako or hindi kaya kung minsan ay dinadalhan na lang ako ni Simon or sumasabay siya sa akin.

Bumaba na ako para pumunta sa dining. Agad kong naabutan don ang aking mga kapatid na kumakain at si Daddy na nagbabasa ng newspaper. Pagkakita sa akin ni Archi ay agad siyang tumayo para alalayan akong makaupo. Napakalambing talaga nitong si Archi.

"Ate Harlow Claiste Ylarde! Bagay na bagay talaga" masayang sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Totoo nga yung sinabi niya sa akin na magiging Ylarde na ako. Hindi na din ako nagulat dahil alam kong mabilis lang nilang magagawa yon.

"Harlow sweetie may plano ka na ba para sa debut mo?" masuyong tanong sa akin ni Daddy.

"I don't know pa po eh" sabi ko sa kanya. Malapit na ang aking birthday at yon ay next month na.

"It's okay. Pupunta dito ang ilang pinsan mo mamaya para tulungan at makilala ka. I heard you met Spania and Itallia already" sabi niya habang nakangiti. Napatango naman ako sa kanyang sinabi. Excited na ako mamaya bukod sa pagpaplanuhan ang aking nalalapit na kaarawan ay makilala ko na din ang iba kong pinsan.

Natapos ang aming agahan ng may mga ngiti sa labi. Sana ganito lagi araw araw. Pagkapasok ko sa aking silid ay umupo ako sa kama.

"Harlow pwede bang pumasok si Nanay sa loob?" maingat na sabi ni Nanay Cora. Hindi ako sumagot dahil binuksan ko ang pinto tanda ng pagpapayag kong makapasok siya.

"Kamukha mo ang iyong ina. Kaya ganan ang buhok mo ay dahil pareho kayo. Naalala ko pa noon bago siya mawala ay sinabi niyang sa iyong pagbalik ay alagaan kita. Harlow anak naniniwala siyang babalik ka" marahan na sabi niya sabay haplos sa aking buhok.

Tatlong taon pagkatapos kong mawala sa kanila ay namatay ang aking Mommy dahil sa car accident. Sinasabi na aksidente lang naman talaga ang nangyari kaya tinapos na ang kaso. Naniniwala naman sina Daddy na aksidente lamang iyon maliban kay Kuya Achi dahil nasabi niya sakin kahapon na patuloy niyang inaasikaso ang case sa pagkamatay ni Mommy.

Tuluyang tumulo ang luhang kanina pa gustong makawala. Kahit kahapon lang kami nagkakilala ni Nanay Cora ay parang anak na ang turing niya sa akin. Hindi ko man naabutan ang tunay kong ina ay nagpapasalamat pa din ako dahil nagkaroon ako ng Nanay na si Nanay Cora. 

Nag-ayos na ako dahil nasa baba na sina Itallia. Nagsuot na lang ako ng yellow silk dress na spaghetti strap ang disenyo sa taas. Flats na lang ang sinuot ko dahil sa veranda lang naman kami tatambay. 

Rinig ang kanilang tawanan at nang mahagip ako sa paningin ni Kuya Achil ay agad siyang lumapit sa akin. Nagsitinginan naman ang mga pinsan kong Ylarde sa akin kaya nakaramdam ako ng hiya. Kumapit ako sa braso ni Kuya Achil habang naglalakad papalapit sa mga pinsan ko.

"This is Harlow Claiste Ylarde, our long lost Ylarde gem" sabi ni Kuya Achil at umakbay sa akin.

"See! I told you we both have blonde hair!" malambing ngunit pasigaw na sabi ni Itallia sa mga pinsan.

"She's indeed a Ylarde! Napaganda" nakangising sabi nung lalaking Ylarde na nakita ko sa court kasama nina Itallia at Spania. "Callious Ryker Ylarde at your service!" sabi niya sabay kindat.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon