THREE

10 0 0
                                    




"Do you have training later?" Kuya Achill asked while driving me to school.

"Yes Kuya Achill. Hanggang 6:00 so I think you can't fetch me. Sabay na lang ako kina Callious since 6:00 din ang tapos nila"

"Alright. Si Ital na lang ang ipapasundo ko mamaya." tugon niya. Strict ang mga kapatid at pinsan ko. Hindi pwede umuwing walang kasama. Ital is a normal student, ayaw sumali sa mga activities na binibigay ng school dahil sabi niya mas gusto niyang free siya.

While Spania and Archi ay nasa ibang school. Pareho sila ng pinapasukan. Si Demon, Angelo, Athena, and Kuya Achill naman ay busy dahil sila ang namamahala ng kompanya.

Athena is busy handling the hotel chains of the Ylarde samantalang Lawyer naman si Angelo. Si Demon ang namamahala ng airlines dahil isa siyang Pilot at si Kuya Achil naman ay sa hacienda sa Davao. Uuwi siya bukas sa Davao dahil mas gusto niyang hands-on siya doon.

"I'll back next month. Just text me if you need something or something came up" paalam niya sa akin at niyakap ko siya dahil matagal ulit bago kami nagkita.

Dumeretso ako sa field dahil nandoon ang ilang kaibigan. Naunang pumasok si Ital dahil kasabay niya sina Callious.

Naabutan ko si Allary na kasama si Ital.

"You've met each other na pala" unang bungad ko sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Ital at sa tapat naman namin si Allary.

"Obviously? Ang tagal mo kasi eh"

"Whatever ka Allary! Eh sina Callious nakilala mo na ba?" I asked her while giggling my eyebrows. Agad naman siyang napasimangot sa naging reaksyon ko.

"Wag mo akong simulan Harlow sinasabi ko sayo ha"

"May natipuhan ka ba sa mga pinsan namin Allary?" masuyong tanong ni Ital. Humaglpak naman ako ng natawa dahil halos mamula sa inis si Allary. "I'm just asking" Ital pouted because of Allary's reaction.

"Pareho nga kayong Ylarde"

Hindi na kami sumagot pa ni Ital dahil baka tuluyan nang mawala sa mood si Allary. Dumeretso kami sa aming sunod na class. Magkakaklase kaming tatlo dahil nagawan yon ng paraan ni Ital.

Well, Ylarde and their connections.

"Saan kayo mamayang dismissal?" tanong ni Allary sa amin.

"Training ako. How about you Ital?"

"Gusto mo bang hintayin na lang kita?" malambing na tanong ni Ital. Agad akong umiling sa kanyang tanong.

"Kahit hindi na, Ital. Kung gusto mo ay magsama na lang kayo ni Allary dahil wala din naman siguro siyang gagawin"

"Okay sure! I'll text my friends and ipapakilala ko si Allary ikaw try mong sumunod after training" tumango naman ako sa kanyang sinabi.

Parehong friendly si Ital at Athena. They love socializing samantalang kami ni Spania ay mas okay na sa kaonting kaibigan.

Habang nagdidiscuss ang aming guro ay lumipad ang isip ko sa nangyari kagabi. Sino kaya yung lalaking humawak sa baywang ko. Matapos kong lumingon sa kanya ay umalis na agad ako dahil sa hiya. Lumabas ako ng Midnight at nagpasundo sa driver. Hindi ko na din inabala ang mga kapatid ko dahil nagsasaya sila doon. Tinext ko na lang sila na sumama ang pakiramdam ko at gusto ko nang umuwi.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may kumurit sa braso ko. Napangiwi ako sa sakit.

"Ouch! Anubaaaa?" inis ko sabi sa kumurot sa akin.

"Ay sorry Harlow nakatulala ka kasi eh tska lunch time na naten" pagpapaliwanag ni Allary.

"Gusto niyo bang lumabas muna vacant time naman natin after ng lunch tapos balik ka na lang dito kasama si Callious dahil pareho lang naman tayo ng schedule" ani ni Ital.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon