"Boyfriend mo Winona?" curious na tanong ni Allary.
"I'm not her boyfriend. Pinapasundo lang siya ng kanyang kapatid sa akin" sabi ng lalaki.
"Ohh? What's your name?" curious na tanong ni Allary. Why is she being curious? Daming tanong.
"Seriously, hindi mo siya kilala?" manghang tanong naman ni Fiona kay Allary. Kumunot ang noo ko sa naging tanong niya kay Allary. Sino ba tong lalaking to para maging kilala?
"I'm Chase Fourth Villacorta" Fiona and Klare both nodded. Bumaling naman ang tingin sa akin ni Ital.
"Siya yung kulang kagabi sa Midnight. Ang aga mo kasi umalis hindi mo tuloy naabutan" bulong sa akin ni Ital para ako lang ang makarinig. Sorry Ital pero naabutan ko nga siya kagabi at siya din ang rason kung bakit umalis ako ng maaga.
Binaling ko ang tingin kay Chase. He looks so dashing in his white button down shirt paired with light washed jeans. Para siyang galing sa trabaho typically sa company or sa contruction site.
"He's from the Villacorta. Kilala din siya dahil bata pa lang ay maalam nang magmanage ng business. Yan ang tagapagmana at madalas makita sa magazine dahil nga kilala" bulong ulit sa akin ni Ital dahil nahalata niya siguro sa akin na hindi ko nga kilala.
Tumagal ang titig sa akin ni Chase na agad namang napansin ni Winona kaya niyaya niya kaagad umalis si Chase.
"Mauuna na kami. Hinahanap na pala ako ng kapatid ko" paalam niya at bumeso sa amin. Nilingon ko naman si Chase na hanggang ngayon ay nakatingin pa din sa akin. Naputol lamang ang aming titigan dahil hinawakan siya ni Winona sa braso at hinila paalis. Nang-aasar naman na tumingin sa akin ang mga bagong kaibigan.
I pouted.
"Feel ko type ka ni Chase!" sabi ni Ital at hinampas ako sa braso.
"Ilang taon ka na ba, Harlow?" Klare asked.
"Turning 18 next month"
"Three years lang ang pagitan pwedeng pwede!" nanggigil sa akin si Italia at hinampas ako paulit ulit sa braso pero mahina lang naman.
"Aish! Bakit mo ba ako binubugaw sa kaibigan mo ha? Lagot ka friends pa naman ata nina Demon yon" pananakot ko sa kanya.
"Kunwari pang ayaw" sumali na din si Allary sa pang-aasar at humagikgik naman sina Itallia sa tabi ko.
"Hayaan mo na! You're in good hands naman kapag kay Chance" Ital said.
"Oo nga at balita ko matino yon. Kaclose mo yon Ital?" Allary asked Ital.
"Hindi masyado pero lagi kong nakakasama sa mga events and palagi silang kasama nina Demon kaya close na din ang pamilya sa kanya. Family friend ng mga Villacorta ang Ylarde kaya tuwing Sabado ay sa kanila kami kumakain kapag lunch at kapag Linggo naman ay sa amin" nakangiting sabi ni Ital.
"Edi palagi mo pala siyang makakasama Harlow" natatawang sabi ni Klare. Mukhang masaya sila sa ginagawang asar sa akin ha napaisip tuloy ako kung anong magiging reaksyon ni Winona sa pinag-uusapan namin hmm.
Klare's phone rang in the middle of our laughters kaya agad dumapo ang tingin namin sa kanya.
"Excuse me" paalam niya at tumayo para sagutin ang tawag.
Hindi pa tumatagal ng limang minuto ang phone call nang bigla siyang bumalik.
"I need to go girls. Nakalimutan kong kailangan ko nga palang umuwi para sa bahay mag dinner"
"Sabay na ako! Kayo ba walang sasabay sa inyo?" Fiona asked.
"Sasabay na ako sa kanila kasi magkaparehong daan naman kami. Kayo Ital at Harlow sabay na kayo diba?" Allary said while looking at us.