JULIET'S POV
May kutob talaga akong na scam kami nung panot na yun eh sana pinakinggan ko yung sinasabi Kasi ng isip ko. Nakagastos pa tuloy kami ng malaki saka ano na gagawin namin ngayon nito?
"Kain tayo gutom na ako guys." Charlane.
Maskin ako naman eh nagugutom din.
"Kain ka ng kain paubos na pera natin ang gulo mo. Tara uwi!" Nakakunot ang noong sabi ni Selene saka kami lumabas ng hotel at sumakay ulit sa Van.
Lahat kami parang nawalan ng isang million. HOPELESS.
"Uwi na tayo? Why don't we umm gala you know ngayon lang natin narating ang lugar na to it's an opportunity." Casper.
Parang hindi naman sila ganun ka affected eh syempre kasi hindi naman sila ang gumastos.
"Hindi. Kung ayaw niyong umuwi edi maiiwan kayo dito." Selene.
She gave the permission Kay manong na umalis na kami and yun nga nagsimula na naman ang byahe na puno ng katahimikan.
What if umuwi muna ako samin?
"Eh Selene pwede ba magpa iwan ako dito? Samin diba malapit lang dito naalala mo pa yung lugar na sinabi ko sayo?" Sabi ko sa kanya.
"Do what you want sanay ka namang mang iwan sa ere diba?" Sagot niya din na naka pikit.
Galit parin pala siya sakin hanggang ngayon. Gusto ko naman siyang makausap at linawin ang lahat pero Alam ko ang ugali niya. Mas paniniwalaan niya ang sinasabi ng utak niya kaya parang wala na akong magawa dun.
"AHHH" sabay kaming tatlo na napasigaw ng biglang huminto si Manong.
Tapos lumabas sa isang sasakyan ang mga taong may dalang baril.
May sinasabi sila pero Hindi namin marinig basta ang naiintindihan lang namin ay gusto nila kaming bumaba."Casper yung baril mo akin na. Mga babae dumapa lang kayo bilis." Dashmoon.
Nagyayakapan na kaming tatlo habang silang dalawa may mga kinakalikot sa bag nila. Hindi ko maiwasang isipin na ito na ang huling araw namin.
"Stay calm don't be scared were here." Casper.
Gusto ko mang maniwala sa kanila eh hindi ko Kaya Kasi sobrang dami ng mga lalake sa labas at puro sila may baril.
"Manong deretso mo lang po." Dashmoon.
Sa halip na sundin ni Manong ang sinabi ni Dashmoon siguro dahil sa takot niya binuksan niya nalang yung pinto ng Van.
"Shit!"
*Blag bang bang*
*Bang bang bang*
*Bang bang*
nagsimula ng magputukan kaya Wala kaming nagawa kundi ang umiyak.
"D-Daz stop." Napatingin ako Kay Selene na at sobrang namumutla siyang nakatingin Kay Dashmoon at sa mga lalakeng napatay na nito.
"W-What happened -- ugh."
Natamaan si Dashmoon na mas lalong ikinatakot namin and then nawalan na si Selene ng Malay.
"Hey wake up ugh H-hey." Pinipilit siyang gisingin ni Dashmoon kahit namimilipit ito sa sakit.
"Selene, Selene gumising ka."
Umiiyak na din ako-- kaming dalawa ni Charlane."Ano nangyare Kay Selene? Selene! Selene gising." Casper.
Lahat kami nag aalala sa kanya na naging dahilan para hindi na makalaban pa ang dalawa naming kasamang lalake sa mga taong may dalang baril. Pinababa nila kami and they take the Van together with their naghihingalo na kasama.
BINABASA MO ANG
When I Met The Two Weird GentleManiacs
Teen FictionShe's Selene Zora Medina a Kind but Lonely hearted woman who suffered so much pain and loneliness after the death of her mom 15 years ago. She's willing to value everyone who has the the ability to remind her all the memories of her mom. Until she m...