Chapter 4

22 11 0
                                    

CHAPTER FOUR
Seryoso

"You're like the sky because I always look up to you."

Seriously? That's the most corny and cringe line I've ever heard. Kung saan man napulot 'yan ng mga kaibigan ko ay ewan ko na lang.

Walang sabi sabi kung kinuha ang sinusulatan nilang papel na 'love letter' kuno na gagawin nila para kay Carlos.

Hanep! Parang sila 'yong may crush kay Carlos. Dinaig pa nila ako.

Naghagikhikan sila pagkatapos basahin 'yon at pinagkaguluhan. Pinagpapasahan at nagsasabi kung ano ang opinyon nila. Itinaas ito ni Simon tapos inagaw ni Akira at sinulatan.

"People at the back are you listening?"

Biglang may dumaan na anghel dahil tumahimik sila bigla. Lumapit si Ma'am sa amin. Inusog ko ang upuan ko at nagpatay malisya.

Wala na silang nagawa ng kunin ni Ma'am ang love letter. Wala na sana akong pake pero na realize kong nilagay nila ang pangalan ko doon sa truly yours.

Napatalon ako sa upuan at napangitngit ng ngipin. Oh shet! Not the letter, Pleased! Nanlaki ang mga ko ng binuklat niya ito.

Tiningnan ko ang mga kaibigan na inaabangan rin sa gagawin ni ma'am. Nakita ko pang nag peace sign si Akira pero nalilito na ako kung sino ang titingnan.

But thanks to Sir lim. The freaking letter with my name is save by him. Parang biglang nakalimutan ni ma'am ang ganap ng makita si Sir. Feeling ko talaga may gusto to kay Sir, e.

"Shet, muntik na 'yon, ah," buntong hiningang sabi ni Akira.

Pagkatapos ng klase ay pinaghahampas ko sila sa mga ginawa. Kung hindi lang nasa panig namin ang tadhana ay baka na narinig na ng buong klase kung sino ang Crush ko.

"Muntik na talaga 'yon," Sabi ko.

Naglalakad kami sa hallway papuntang cafeteria ng makasalubong namin si Carlos and Sofia the Vp.

The Vp thing is weird pero parang okay naman sa pangalan niya, kaya hayan na lang.

"Sulatan mo na kasi siya ng love letter, Lou."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Simon dahil busy ako sa kakatingin sa dalawang tao na nasa harap namin naglalakad.

Medyo kumirot ng kunti ang puso ko. Pero kunti lang. Second year na ako at isang taon ko na siyang crush pero wala paring improvements sa status namin.

Not that umaasa ako.

Nagpatakbo akong bilang Assitant Auditor at nanalo. Masasabi ko talagang himala 'yon. Unexpected kasi. Katuwaan lang namin ni Akira na magpatakbo ako at ako naman, inakala kong hindi rin naman ako mananalo pero nanalo parin.

Except sa pagpapagod tuwing may events ay may matutunan karin tungkol sa leadership. Atleast naging responsible ako sa ganitong bagay.

Siguradong busy sila sa darating na event sa school. May mga hawak kasi silang papers at naguusap. They are so close to each other kaya ayaw ko rin malaman ng iba na may Crush ako kay Carlos kasi baka magka Issue.

Usap usapan din kasi na sila daw. Kahit Officer ako at palagi kaming nagkikita ay hindi naman sila kumwekwento. May iba silang mundo ng Vp dahil sila ang nagaasikaso at nag coconfirm sa itaas kung okay ba ang mga plans namin.

"E, try mo lang."

And that's the origin kung paano ako napilit ng mga kaibigan na bigyan siya ng love letter. Pero patago...

Gusto ko lang mag express ng feeling ko kung paano ko siya ina admire sa leadership niya sa amin. Kung paano niya ako Ini-inspire palagi sa mga bagay bagay. Kung paano siya nagkaroon ng impact sa akin.

It's Called UsWhere stories live. Discover now