Chapter 18

3 2 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN
Summer

Buong akala ko magiging masaya ang summer na ito. Pero mukhang hindi.

Hindi ko ni minsan na isip na gawin akong delivery man ni mama. Kahit sabihin na dito lang sa subdivision ako mag dedeliver. Sa totoo lang hindi ko alam ang  irereact.

"Itong Brownies ay kay Ms. Carla at itong chocolate cupcakes ay kay Ma'am chin..."

Nakatanga lang ako habang nilalagay ni mama ang mga ito sa basket na nasa harap ng bike ko. Marami pa siyang sinabi pero sa huli ay binigay niya na lang ang listahan ng pagdedeliveran ko.

Napakurap kurap ako ng bigla niya akong suotan ng sumbrero.

"May sweldo ka naman eh. 100 per day kaya wag ka ng maginarte."

Napaisip ako sa sinabi niya. Kunsabagay ay 50 pesos lang 'yong baon ko kada araw kapag may pasok. Ito malaki dahil 100 per day. Kung may delivery araw araw. Pero okay narin 'yon kesa wala akong ipon ngayong summer.

Naisip ko iyong gusto kong libro ni Ricky lee iyong 'para kay b' last year gusto kong bilhin 'yon kaso wala akong ipon.

"Magiingat ka. Wag tatanga tanga."

Umalis na agad ako. Well di narin 'to masama. At least meron akong pera ngayong summer. Malaki pa naman kita ni mama sa negosyo niya. Bibilisan ko na lang sa pagdedeliver para makanood ako ng movies.

Inuna ko iyong malalapit lang para madali at hindi ako pabalik balik. Tagatak na ang pawis ko sa noo dahil sa sobrang init. Sa susunod mag jajacket ako. Baka umitim ako ulit.

"Salamat hija!"

Tumango ako at ngumiti bago isinilid lang ang bayad sa dala kong bag. Napatingin tingin ako sa paligid at sa listahan. Natigilan lang ako may na realized.

Shet!

Hindi ko namalayan na nasa street na pala ako nila. Dali dali kung pinaliko ang bike para makabalik agad. Ilang layo lang ang bahay nila sa pinagdeliveran ko. Kaya hindi impossible na hindi kami magkikita.

Nakaangkas na ako sa bike ng may narinig akong pagbukas ng gate. Hindi na ako lumingon at magpidal na pero hindi pa man ako nakakalayo may pumigil na sa bike ko.

Halos mahulog naman ako mabuti na lamg at nabalance ko kaagad.

"Hoy Lorenzo! Umayos ka nga. Muntik na 'yon."

Naiinis kong inayos ang mga pagkain pati na rin ang sumbrero kong tumagilid.

"Oh, paano mo nalaman na ako 'to?" Rinig sa kanyang boses ang pagkamangha.

Hindi ako napasagot dun. Actually hindi ko nga alam. Feeling ko lang na siya iyon.

"Nakita kita," sagot ko at umiwas ng tingin.

"eh, bakit noong tinawag kita hindi ka huminto. Nagmamadali ka panga. Mukhang iniiwasan mo ata ako."

Kaasar. Bakit ba ang daldal nito. Nauubusan na ako ng rason.

"Hindi kita narinig."

Totoo naman hindi ko talaga siya narinig. Nag feeling lang akong siya iyong nagpatigil ng bike. Kasi siya lang naman pwedeng gumawa nun.

Tiningnan niya ako at kumunot ang noo. Napatikhim ako bago uniwas ng tingin. Grabe, pwede bang patago niya naman akong suriin. Nakakakaba kaya.

Natuliro ako sa mga tingin niya at hindi sinasadyang dumapo ang mga mata sa kamay niya. Biglang napahinto ako at napatitig sa daliri niya.

Namula ako at mas lalong napaiwas ng tingin. Suof niya iyong silver na singsing. Shet.

"Naks! Sipag natin ngayong summer, ah," Sabi niya.

Hindi ko pa alam ang irereact. Awkward lang akong tumawa.

"Alis na ako."

Nagmamadali akong umangkas sa bisikleta pero inagay niya ito sa akin. Sa halip siya ang umangkas rito.

"Anong trip 'yan, ha. Mag dedeliver pa ako."

"Ako na magdadala. Sakay ka na lang."

For a minute kinilig ako doon. Pero siempre hindi ako nagpahalata. Umangkas na lang ako sa likuran.

Siya ang nag drive sa lahat ng pagdedeliveran ko. Medyo napagod at ginutom rin kami kaya niyaya ko siyang mag merienda sa bahay. Nahiya naman ako. Tinulungan niyana nga ako.

"Kumain ka lang ng kumain, Lorenzo."

Napangiwi ako kay mama. Mabuti na lang wala siyang alam na may gusto ako dito, kasi panigurado manunukso 'yon pagnalaman niya.

Iniwan kami saglit doon ni mama sa kusina. Kumain naman ako ng kumain dahil na feel ko talaga ang gutom. Hindi ko na naisip na na kasama ko siya. Narinig ko na lang siyang tumatawa sa'kin.

Napaayos ako don ng tayo. Bigla akong nagkaroon ng hiya. Wow. Eh halos pagkasyahin ko na nga lahat ng pagkain dahil sa gutom. Nahiya ka pa, lou.

"Wag kang mahiya. Ang cute mo nga, eh."

Nabulunan ako don at masama siyang tiningnan. Ang Bwisit, ngumisi lang.

---

Hindi ko alam kung okay lang ba na makasama ko siya ngayon summer o hindi. Marami kasing possibilities.

First is, baka mas lalo akong ma attach sa kanya. Dalawang buwan na lang at aalis na rin siya para magaral sa ibang school. Baka mas lalo akong malungkot.

Second is, baka mas lalong lumala ang feelings ko sa kanya at possibleng hindi kami parehos ng nararamdaman. Mas masakit 'yon.

Katulad ngayon ng siya ang nag dadala ng bike para ihatid ako sa mga pagdedeliveran ko. Caring din siya habang magkasama kami which is weird kasi hindi naman siya ganito. Palagi rin siyang may dalang tubig para ipainom sa'kin.

Minsan kapag wala akong panyong dala, binibigay niya iyong kanya. Kahit na mas kailangan niya.

At from time to time sinasabi niya na magpahinga muna kami kung napapagod na ako.

At sinong hindi mas mahuhulog don!?

Bwisit na summer 'to. Kung kailan aalis na siya. Ano 'to pambaon na memories? Para kapag umalis na siya may babalikan akong alaala. Eh, bwisit pala, eh.

"Oh, busangot ka diyan?"

Inabot niya sa akin ang isang mineral water. Kinuha ko 'yon at agad na ininom. Nagpahinga muna kami saglit.

"Excited kaba sa bagong school mo?" bigala kong tanong.

Nakatingin lang kami pareho sa harap. Pinagmamasdan ang mga dumadaan na tao.

"Medyo," kibit balikat niya.

Mapait akong ngumiti.

"Paniguradong maraming magagandang babae don."

Tiningnan ko 'yong mineral bottle. Naramdaman kong tumingin siya sa gawi ko pero hindi ako tumingin pabalik.

"Panigurado..."

Mas lalong pumait ang kalooban ko. Psh. Sabi na eh. Manglalandi lang 'to.

"Pero sorry na lang sila, may gusto na akong iba."

Doon lang ako lumingon sa sinabi niya. Nagtugma agad ang aming mga mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Wala naman siyang sinabi kung sino. Napakurap kurap ako.

Mukang masaya naman ang magiging summer ko. Wag lang sana itong matapos.

































It's Called UsWhere stories live. Discover now