Chapter 23

4 1 0
                                    

CHAPTER TWENTYTHREE
Date

Masaya ako dahil hindi niya kinalimutan ang dati naming ginagawa ng nandito pa siya. Katulad ngayon parang dating gawi lang, medyo nagiba lang dahil may feelings involved na.

Ginamit namin ang bike ko papuntang park. Akala ko nga dadalhin niya ang kotse niya pero hindi. Tsaka ang lapit lang naman ng pupuntahan namin.

Nagfoodtrip lang ata kami buong umaga at umikot ikot kung saan gamit ang bike. Nang maghapon ng stop kami sa mga rides.  Nag try siyang maglaro sa isang baril barilan na kapag nabuwag mo ang ginawa nilang pyramid can mananalo ka ng teddy bare. Sobrang frustrated na siya dahil gusto niyang buwagin iyong can pero hindi kaya.

Nakailang ulit pa siya hangang sa hihirit sana siya ulit pero pinigilan ko na hinatak ko na siya palayo roon.

"May daya talaga 'yon, eh."

Bubulong bulong niya sa gilid. Hindi parin siya maka move on. Hinatak ko na lang siya papunta doon sa photobooth.

Ako narin ang nagbayad kahit pinigilan niya ako. Dapat siya daw bumayad dahil siya nagyaya.

"Nabayaran ko na. Pumasok na lang tayo," hinatak ko na siya sa loob ng machine.

Dahil naliit ang space medyo magkadikit kami. Tiningnan ko siya at sinabihang ngumiti. Sinunod niya nama ako. Kung ano ano pang post ang ginawa namin bago nakalabas.

Binigay ni ate sa'kin ang picture namin na agad ko namang tiningnan. Nakasunod lang siya sa gilid ko.

Lahat ng picture okay naman kaso kinuha ko iyong picture na nakatingin ako sa kanya ng hindi niya alam.

Tiningnan niya rin ito at kinuha ang pinakamaayos naming picture. Itatago niya daw.

Ang huli naming pinuntahan ay ang seaside. Dahil gabi na, pinailaw nila ang mga lights na pinag kaguluhan naman ng mga tao.

Kami naman naupo lang sa isang bench at pinagmasdan ang view ng dagat. Sa sobrang enjoy ko ngayon ko pa lang na feel ang pagod.

"Kailan ka pala babalik?" Taning ko.

"Bukas sa hapon. Bakit ayaw mo ba akong umalis."

Natawa ako sa sinabi niya. Ngumisi lang siya habang pinagmamasdan parin dagat. Ako naman pinagmasdan ko siya. May bumabagabag sa isip ko na gusto kong itanong.

Napalunok ako bago nagsalita.

"Nanliligaw kaba sa'kin?"

May pagiingat sa sinabi ko. Kasi naman sabi niya date. Pero feeling may iba siyang gusto eh.

"Gets mo agad!?" Nagulat pa ang bwisit. Parang tanga lang.

Natawa siya tapos tumingin sa'kin. Hindi nabubura ang ngiti sa kanyang labi.

"Oo. Kung pwede ulit?"

Napairap naman ako. Papayag ba ako sa date na 'to kung hindi rin naman ako papayag na manligaw siya sa'kin. Parang niloko ko lang sarili ko nun.

"Alam mo na sagot diyan," Sabi ko na lang.

Kaya hangang sa paguwi nakangiti siya sa'kin. Salamat naman at na gets niya. Ang awkward  at medyo corny kung sasabihin kong. 'Oo pwede mo akong ligawan' nakakasuka lang.

Kinahapunan nga siya umalis at tsaka may binigay pa siyang chocolates sa'kin. Hindi ko na namalayan kong paano kami nagpaalam sa isa't isa basta paguwi ko nakangiti lang ako habang nakatingin sa chocolates.

Na sundan pa ang dates naming iyon kapag umuuwi siya. Nagtetext din kami. Pero minsan busy rin siya at naiintindihan ko naman.

Busy rin ako sa research paper namin na mukhang wala patutunguhan. Hindi talaga kasi maiiwasan na may isa o dalawa sa grupo niyo na pabuhat lang.

"Okay lang kayo?" tanong ko sa kambal na mukhang matamlay ata. Tumango lang sila at walang ganang umupo.

Nitong mga nakaraang araw halatang may problema sila. Tinatanong naman namin sila dahil nagaalala kami ni Akira kaso ayaw nilang magsabi. Naiintindihan naman namin 'yon. Basta kung kailangan nila ng kausap nandito lang kami.

Minsan naabutan ko pa silang nakatingin sa'kin tapos magtatanong ng...

"Naguusap kayo ni Lorenzo? Okay lang ba siya?"

Weird man dahil tinatanong nila 'yon sakin, sinasagot ko parin.

Nagtetext naman kami ni lorenzo. Minsan halata sa text niya ang pagod. Akala ko naman normal lang 'yon kaya hindi ko na iniisip.

Hangang sa defense week na namin para sa research paper. Grabe ang kaba ko habang hawak hawak ko iyong index card. Parang maiihi na ako sa kaba ng tinawag kami.

Parang ang susungit pa ng panels. Feeling ko kapag nakita nila kaming nakangiti at chill lang, patatamaan nila kami ng mga tanong na mahirap. Shet. Godspeed na lang. Godbless us.

At totoo nga. Parang ginisa kami sa mga taning nila. Parang ayaw ata nilang mag graduate kami. Kaya naman todo dasal ako ng matapos kami. Sana naman matangap ang research paper namin. High school pa lang naman kami. Di pa 'to college. Sana maisip nila 'yon.

Nang matapos lahat ng grupo sinabi ng adviser namin na bukas malalaman ang result. Meron saming nakahinga ng maluwag meron naman pigil na pigil parin ang hininga. Ako naman medyo kumalma. At least may time pa akong ipagdasal ang research paper namin.

Sabay sabay kaming umuwi. Medyo hindi na matamlay ang kambal kaya kumain muna kami sa plastar. Grabe. Kamiss din tumambay dito. Marami rin kaming memories sa food stand na 'to.

Naalala ko pa mga kalokohan namin last year. Kaso nakakalungkot isiping ilang buwan na lang graduate na kami.

Prom night, pictorial para sa diploma namin at graduation tapos end game na.

Sana naman maging matiwasay ang pagtatapos ko sa high school.

It's Called UsWhere stories live. Discover now