Chapter 25

6 1 0
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE
Stay

Inubos ko ang summer sa pagbobonding sa mga kaibigan. Halos araw araw magkakasama kami at kung ano ano ang ginagawa.

Kaso dumating na ang araw ng pagalis ko. Hinatid ako nina mama sa tutuluyan ko kasama ang mga kaibigan. Mga 7hours din ang binyahe namin.

Buong umaga nagikot kami at pumunta sa mall ng maghapon ay umuwi na rin sila.

"Ingat ka. Aral muna ha,"Sabi ni akira na tinawanan ko.

Nag group hug kami at tumagal iyon dahil parang ayaw nilang matapos. Kumaway kaway ako sa kanila habang papalayo na ang sasakyan. Ng malayo na sila pumasok na ako sa boarding house.

Mabuti na lang at magisa lang ako sa kuwarto at walang kasama. Nagligpit lang ako ng mga gamit sa cabinet at hinanda ang para sa school.

Pabalik balik ang tingin ko sa cellphone ko baka may message si lorenzo. Tinext ko na siya kanina na ngayon ako luluwas. Napabuntong hininga na lang ako.

"Sorry, galing akong hospital."

Hinihingal siyang umupo sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa isang park ng isang mall. Tuwing weekend kami nagkikita. Minsan ako ang pumupunta.

At kapag pumunpunta ako sa kanya bumibisita ako kina tito fred pero umaalis rin agad ako. Ang bigat sa dibdib na hindi ko alam. At tuwing nandoon kami tahimik lang si lorenzo kaya minsan sandali lang kami don.

Lumipas ang two years naka graduate na ako ng senior high. Umattend sina papa at mama. Nag greet sina Carson, Simon at Akira sakin. Sabi nila next week pa daw ang graduation nila.

Umuwi ako samin dahil bakasyon. Palagi akong tinetext ni Lorenzo at palagi ko rin siya nirereplyan.

"Hindi pa kayo?"

Si Akira ng minsang nagkayayaan kaming tatlo. Umiling ako bago uminom sa inorder kung shake.

"Two years na kayong magkasama tapos hindi parin kayo?"

Napailing ulit ako. Ang nararamdaman ko sa kanya ay sinet aside ko muna. Mahal ko parin naman siya pero hindi ko muna binubuksan ang topic na 'yon samin. May mas importante pa doon sa ngayon.

"hindi naman ako nagmamadali."

Inirapan ako ni Akira. Tahimik lang na nakikinig ang dalawa sa'min.

"Eh, parang mag jowa na kayo bakit hindi na lang lagyan ng label?"

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Akira. Tulad ng sabi ko hindi ako nagmamadali may mas importante pa don.

Naunang umuwi ang kambal dahil may pupuntahan sila. Kaya naman magkasama kami ngayon no Akira habang naghihintay sa sundo niya. Ihahatid niya na daw ako sa bahay.

"Alam mo Lou, minsan wag tanga ha. Alam para kang charity center. Bigay ng bigay ka ng sarili mo sa kanya pero siya may naibigay ba?"

Masama ko siyang tiningnan.

"Ako ang nagkusa, akira," Matigas ko sabi.

"Oo nga. Para ka ngang charity center hindi mo ba ako narinig kanina? Baka sa sobrang generous mo niyan, magising ka na lang isang araw na wala ng natira sa'yo."

"Okay lang."

Naiinis siyang natawa sakin. Napapikit ako ng mariin.

"Tingnan mo nga 'yang sarili mo, lou! Kaya ayaw kong magmahal eh, kasi kapag nagmamahal ka, minsan nakakalimutan mo na ang sarili mo. Ang masasabi ko lang. Sarili mo muna lou, bago ang iba."

Ang mga sinabi niya 'yon ay nanatili sa isip ko. Pero hindi ko magawang unahin ang sarili ko sa tuwing kailangan ako ni Lorenzo. Alam kong sinabi ko, na para rin sa sarili ko kaya pumunta akong manila pero naguguluhan na ako.

Naguguluhan parin ako kung pumunta nga ba ako sa manila para sa sarili ko o para kay lorenzo.

First year college na ako sa kursong nursing at doon parin sa univeristy kung saan ako nakakuha ng scholarship.

"Need help?"

Inangat ko ang tingin at nakita si Gino na kaklase ko. Siya iyong pinakamatalino sa'min. Halos lahat kami humahanga sa talino niya at marami ring nagkakagusto sa kanya. Kasi hindi lang siya beauty, matalino rin siya.

"Ah, okay lang, kaya ko na," ngumiti ako tapos pinagpatuloy ang pagliligpit.

Pero tinulungan niya parin ako. Siya iyong nagbitbit ng makakap na libro ko. Sabay rin kaming lumabas.

"Salamat sa pagbuhat ng libro, Gino," Sabi ko.

"No problema but wait, you know me?"

Tiningnan ko siya. Parang hindi siya makapaniwala na kilala ko siya. At sino ba ang hindi makakakilala sa kanya. Natawa ako.

"Oo naman. Ang talino mo kaya."

"Hindi naman," Pahumble pa siya.

"Sus, pahumble ka pa. Ako nga dapat itong magulat dahil kilala mo ako."

"Well, I know everybody in the class including you," Ngiti niya.

Nasa gate na ako ng makita ko si lorenzo na mukhang hinihintay ako. Nagtaka naman ako. Dahil tuwing weekends lang kaming nagkikita at malayo pa ang weekends.

Nilingon ko si Gino na napatingin sa'kin.

"Salamat sa pagbuhat ng libro ko. Mauna na ko,"

Kinuha ko ang libro mula sa kanya. Ngumiti ako at tumango siya. Nagmamadali na agad akong lumabas ng gate papunta kay lorenzo.

Paglabas ko, pinuntahan agad ako ni lorenzo na mukhang kinakabahan.

"Can you come with me?" Nanginig ang kanyang mga boses.

Tumango agad ako. Ngumiti siya sakin bago kinuha ang mga libro ko. I know he needs me right now.

Bumyahe kami papunta sa hospital kung nasaan ang daddy niya. Bigla akong kinabahan kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay.

"May nangyari ba?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Ooperahan ngayon si Papa."

Nagmadali kami sa paglakad. Naabutan namin si tito na nilalabas pa lang sa room niya. Wala na itong malay.

Tiningnan ko si lorenzo na natigilan. Nakatingin lang siya sa papa niya at sa mama niya na naiiyak.

Pinisil ko ang kamay niya para makuha ang atensyon niya.

"Magiging successful ang operation wag kang magalala."

Tumango siya sakin.

"Thank you."

Nang magumpisa ang operasyon nasa chapel lang kami ng ospital at tahimik na nagdasal.

Kahit alam kong may exam kami bukas at importante iyon nanatili ako sa tabi niya at hindi umalis.

It's Called UsWhere stories live. Discover now