CHAPTER TWO

22 2 0
                                    

CHAPTER TWO

 

        Pagkarating ko sa iskwelahan, tumakbo kaagad ako papuntang classroom kung saan ang unang klase ko. Excited na akong ibalita kay Jastine ang nangyari kagabi! Napatigil pa ako ng ilang sandali dahil simula na pala ng flag ceremony at kasalukuyang pinapatugtog ang Lupang Hinirang.

 

        Nang mapalitan na ang tugtog, dumiretso na ako sa fourth floor ng building namin. "OY, JAS!" Sa sobrang excitement ko, natawag ko tuloy siya ng malakas na siyang nakakuha ng atensyon ng mga estudyante. Nginitian ko lang sila tsaka tumakbo papunta sa nakatalikod na babae. Aba, ang bruha! Nagsenti habang nagpa-Panatang Makabayan. Nasa railing siya at mukhang hindi narinig ang boses ko.

        Halos mapahiya na ako dito tapos di pa rin niya ako napansin! Pagkalapit ko, niyugyog ko kaagad ang balikat niya, " Jastine!" Hindi siya natinag at nakatulala pa din. Isa lang ang pwedeng ipanggamot sa tulalang kaibigan ko. At iyon ay ang KPOP! "OH MY GOSH! SI L ANG POGI NIYA TALAGA!"

        "ASAN? ASAN?" Nagpabaling-baling pa ang ulo niya, basta usapang KPOP mabilis pa yan sa alas kwarto. Lalo na kapag usapang boy group na Infinite at UKISS. Binatukan niya ako kaagad ng mapansin sigurong niloloko ko lang siya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung paano ako nagkaroon ng kaibigang sadista. "Maloko ka din no?" Tapos sabay kaming tumawa.

        "Hahaha. Masaya ka pa niyan sa lagay na late ka na nga sa Flag Ceremony." Pabirong hinampas ko siya sa balikat, inirapan naman niya ako, "istorbo ka, nagsesenti ako!"

        "Hay. May very good news pa naman ako sayo kaso parang ayaw mong sabihin, kaya sige, bahala ka." Nangongonsensya pa ang tono ko habang sinasalaysay ang bawat salitang binibigkas ko. Tumalikod ako at akmang papasok na sa loob ng classroom ng biglang may humila sa bag ko. "Ano yun?!"

        Dahan-dahan akong humarap sa kanya at nagflip ng buhok. "Interesado ka rin pala." Nakangisi kong pahayag. "Ano nga? Magpi-Field Trip ba tayo sa South Korea? Kailangan ko na pa lang maghanda. Uuwi na ako para makapag-impake na! Ay, bibili ako ng bagong undergarments para kapag naligo tayo sa Jeju Island tapos makita ako ni Eli at L, hindi nakakahiya! OMO! Excited na ako!"

        Napangiwi na lang ako sa inasal niya. Grabe ang high naman ng babaeng 'to. Dire-diretso lang siyang nagsasalita, hindi ko na nga maintindihan yung iba niyang sinasabi. Kaya naman, kumuha ako ng papel sa bag ko tsaka ito binilot. Pagkaraan ay ipinasok ko ito sa bibig niya, ayan natahimik don. Tinanggal niya rin naman kaagad, "ang harsh mo, ha!"

        "Eh, hindi ka na tumitigil. Ni hindi mo na nga ako pinagsalita!"

        "Sorry naman. Ano ba kasi iyon? Pupunta ba talaga tayong South Ko--". Bago pa niya mapagpatuloy ang pagsasalita, tinakpan ko na kaagad ang bibig niya. "Ayan ka na naman!" Tinanggal niya ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya. "Eto na, tatahimik na."

        "Ganito kasi, yung binigay sa akin na contact number ay hindi pala talaga kay Harrish, kay negro pala yun!"

        "Wait nga, paulit. Medyo slow ako ngayon 'te." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.   So, wala na rin naman akong choice kundi ang ikwento sa kanya ang buong kaganapan kagabi. At ang loka, kinikilig din habang nagkwe-kwento ako.  "At yun na nga ang nangyari." Saad ko matapos kong ipahayag sa kanya ang nangyari. Natigilan siya ng ilang sandali atsaka nagsalita, "wait, friend. You said, tinext ka niya that way, di ba? Kanino niya kinuha ang number mo? Kay Arvin, kasi nga siya ang kumuha ng sayo. Hmm. At bakit naman niya kukunin? Meaning.." Nambitin pa! Ang akala ko seryoso na siya ngunit bigla niya akong binatukan. Aray lang. "..interesado din siya sayo!"

Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon