CHAPTER THREE

15 2 0
                                    

CHAPTER THREE

 

MGA ILANG LINGGO din ang lumipas. Naging close ko naman si Harrish, pero sa text nga lang. Paano ba naman kasi, sobrang mahiyain niya, para siyang halamang makahiya. Yung tipong susundutin mo lang, titiklop na. Konti na lang talaga at matatalo na niya ang isang babaeng Maria Clara ang datingan sa sobrang hinhin.

Pero infairness, may nag-eexist pa palang ganung tao ngayon.

Isa pa, alangan namang ako yung mag-aaproach sa kanya. Ako yung babae, kaya dapat pakipot din paminsan-minsan. Though hindi ko naman talaga gawain yun dahil ako pa nga ang nanliligaw sa mga lalaki. Parang bigla akong nahiya dahil sa ugali niya. Bigla akong naging pakipot kahit na hindi talaga siya halata.

Ang malungkot lang na parte, madalas sa text lang kami nagkakausap. Hay. Subalit, ayos na iyon. Ang mahalaga kahit na sa ganung paraan, maging magkaibigan kaming dalawa.

Hindi niya lang alam na sa tuwing lalabas ang pangalan niya sa inbox ko, halos mamatay na ako sa sobrang saya! Tinalo ko pa ang nanalo sa lotto dahil sa tuwa. And I guess, nababaliw na naman ako.

"Joy, patayin mo na yang laptop! Gabi na! Matulog ka na. May pasok ka pa bukas!"

"Opo! Wait, lang promise!"

Kasalukuyan akong gumagawa ng powerpoint para sa report namin bukas. Syempre kasama na doon ang pasimple-simpleng silip sa facebook at twitter ko. Now I know, kung bakit hindi ako matapos-tapos sa ginagawa ko. Hahaha!

Sa sala lang kasi ako nagtatrabaho kaya nakita ko ni nanay. Ayoko kasi sa loob ng kwarto, parang nangseseduce lang yung kama. Tila sinasabi nitong, "masarap mahiga. Matulog ka naaaaa~~"

"Bilisan mo, ha! Patayin mo na din yung ilaw diyan sa sala pag-akyat mo!"

"Yup!"

Nang masiguro kong pumasok na si nanay sa loob ng kwarto niya, tsaka ko binuksan ang browser kung saan ako nagpe-facebook. Alas onse na pala ng gabi, hindi ko man lang namalayan dahil sa sobrang enjoy sa pagkalikot ng laptop ko.

Oo nga pala, hindi pa kami friends sa Facebook. Tanungin ko kaya siya? Kaso baka tulog na 'yun. Pero, subukan pa rin natin.

"Gud pm. Buhay ka pa? Este, gising ka pa?"

Makalipas ang ilang segundo, nagvibrate ang cellphone ko. Meaning buhay pa siya--ay mali, gising pa pala siya! Yey!

"Oo naman, buhay na buhay."

Muntik ko ng mabato yung cellphone ko sa sobrang tuwa ng magreply siya. Impit pa akong tumili. My gosh! Kung hindi lang tulog ang mga tao dito sa bahay, baka nagwala na ako dito. Ano nga bang sasabihin ko? Bigla ko tuloy nakalimutan. Ano ba, Joy! Alalahanin mo kung ano yung itetext mo sa kanya!

Dahil sa hindi ko naman alam kung anong itatype ko, ibinaba ko muna yung cellphone ko atsaka hinarap yung laptop. www.facebook.com. Napatulala pa 'ko sa nakalagay na yan. Ano ba 'yan! Para akong nawalan ng ulirat dahil lang sa text niya. Ang lakas talaga ng tama ni Harrish sa mga kagaya ko.

Wait, www.facebook.com.

Shit! Tama! Tatanungin ko pala kung anong username niya. Para maging in a relationship kami! Ay, hindi pala, ano--maging friends lang kami. Tsk.

"Ui, anong FB mo? Add kita. :)"

Maya-maya lang ay muling nagvibrate ang cellphone ko. Mabuti na lang at hindi niya ako tinulugan. "Harrish Haictin, search mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon