ONE
PAREHO kaming nakangalumbaba ni Jastine habang naghihintay ng isang lalaki na nahulog mula sa langit. Pero wala kaming makita dahil puro hinulog ng langit ang mga kalalakihan dito. Nasa second floor kami ng building habang tinitignan ang mga tatanga-tangang freshmen at the same time, naghahanap ng poging lalaki. Maganda kasing manghunt ng boys kapag first day of classes.
“Wala namang pogi ngayon.” Out of the blue na sabi ko kay Jastine. Nakakangalay kayang tumayo dito. Tapos pumasok pa ako ng umaga para maraming makita, kaso wala ni isa! “Ayon! Joy ang gwapo.” Bulalas ng kasama ko. Agad naman akong napatingin sa tinuturo niya. “Gago.”
“Hahaha.” Akala ko naman, may itsura talaga dahil sa excited niyang mukha kanina. Tapos Malala pa pala sa isang gorilya. Ang sama ko, hahaha! “Eto na talaga, pogi na ‘to.” Nakapamaywang na humarap ako sa kanya. “Ewan ko sayo, matulog ka na lang.”
Akmang tatalikod na ako ng pigilan niya ang kamay ko. Seryoso siyang tumingin sa akin saka ako hinila papuntang railings. Tinuro niya ung kalbo na gusgusin ang suot na damit. Mabilis ko siyang binatukan. Walanghiya ang babaeng ito! “Adik ka ba ? Si manong yan!”
Bilang ganti, binatukan niya rin ako. “Adik ka rin. Hindi naman yung janitor ang tinuturo ko. Ayun, oh!” Lalaking may itim na bag, maputi at nakaupo sa bleachers ang natagpuan ng mga mata ko. Hindi naman siya ganoon ka gwapo, malinis lang tignan.
Kung dati, kahit na simple lang ang itsura kinikilig na ako. Ngayon, hindi na. Tila may gusto akong makita na hindi ko matagpuan. Wala na ring kilig factor. Whats happening to me? Nagbakasyon lang, naubos na ang teenage hormones ko sa katawan. “Wala ng sparks, you know?” Muli niya akong binatukan. Aba, nakakarami na ang babaeng ito! Ihulog ko kaya siya? Pag ginawa ko yun, mawawalan na ako ng kaibigan. Mahirap na kayang maghanap ng totoong kaibigan sa panahon ngayon.
“Paanong hindi mawawala ang sparks. Ang gwapo lang naman sayo ay si Ray—“ Tinakpan ko kaagad ang bibig niya dahil biglang dumaan sina Raymond at Cherish. Ngumiti pa ito sa akin na akala mo hindi halata na peke lang ang mga iyon. Nnag maramdaman kong pinapalo na ako ni Jastine, tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya.
Baka malagutan pa ‘to ng hininga kasalanan ko pa. “Hi?” Sambit ni Cheris habang si Raymond ay nakatingin lang. Hindi ko siya pinansin, bagkus binalingan ko ng tingin si Jastine. “Ay, Jas diba may klase pa tayo?” Biglang kumunot ang noo niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata hudyat na makisakay na lang siya. “Ah, o-oo nga pala. Bat ang tanga mo? Este ako pala. Unang araw ng klase nakalimutan ko kaagad ha-ha-ha.” Pabirong hinampas niya pa ako.
“Bye Cherish, bye..” Tumingin pa siya sa akin kaya ako na ang tumuloy ng dapat niyang sabihin. “.. Raymond.” Tsaka kami kumaripas ng takbo palayo. Kinailangan pa naming umakyat sa fourth floor dahil andoon ang una naming klase. Nang makarating kami sa pang-apat na silid, naghanap na kami ng mauupuan.
Iba na ngayon hindi na katulad nung first year pa lang kami. Kailangan ng magseryoso kasi may mga major subjects na. “Bakit mo ba siya iniiwasan?” saka siya umupo sa tabi ko. “Alam mo naman diba?” Hinampas niya ako sa balikat tapos tumawa siya ng mahina. Konti na lang talaga, kakasuhan ko na siya ng child abuse. “Hahaha. Kung makapagmove on ka naman parang naging kayo.”
Hindi nga naging kami, kamuntikan lang. Kung hindi pa umepal si Cherish edi sana, masaya na kami ngayon.

BINABASA MO ANG
Right Mistake
Teen FictionSa panahon ngayon, ano ang mas mahalaga, kaligayahan ng iba o kaligayahan niyong dalawa? Pag-ibig o pananampalataya?