(10) Be my girl...

43 3 0
                                    

MAX POV:

*Sunday morning*

July 18 ngayon. Gustong gusto ko ang Date na to :) ewan ko pero Napaka special nitong araw na to para sakin kaya't Maaga akong gumising upang mag jogging, sinuot ko nalang yung short ko at Sando then nag Sketchers...  Leggo :">

"bespren san date?"- akala ko naman kung sinong nagsalita, Teka... bakit ang aga nga pala nitong nagising?

"Seriously bespren? Sa ganitong ka agang oras Date?"- Nagkabit balikat nalang siya

"teka, bakit nga pala ang aga mong nagising, may date ka rin?

"Seriously bespren, Sa ganitong ka agang oras, Date??"- ginaya pa niya yung tono ng boses ko kanina, tsss... Nonsense kausap ang isang to

"Eh ano nga!? may pupuntahan kaba ?"- Tanong ko

"Malaki na ko, alam ko na kung saan ako pupunta, Kaya ikaw pumunta ka na sa pupuntahan mo Dali.. Chupi Chupi"- natatawang sagot niya sakin habang nag bre-breakfast..

"Tssss! Jogging muna ko ha"- pinony ko muna ang buhok ko at isinuksok  ang headset sa magkabilang tenga ko, para di ako mabored mamaya sa pagjo-jogging. then lumabas na'ako ng bahay namin.

kasalukuyan akong nag jo-jogging ngayon, besides wala namang pasok. si joyce may sariling trip. may pupuntahan daw mamaya, ayaw naman saking sabihin kung saan.

Halos 1 oras narin akong tumatakbo, tumatagaktak narin ang pawis ko. bawat daanan ko ay tumitingin sa akin, Ano bang problema?

Napatingin nalang ako sa nasa harapan ko, ng marealize kong may nabunggo pala ako at napaupo sahig

"Hoy! hindi ka man lang ba mag so-sorry? kita mo oh! nabunggo mo ko"- sigaw ko dun sa lalaking tumalikod sakin, hindi man lang ako tinulungang makatayo! Antipatiko talaga... Ano pa nga bang aasahan ko? siya ang nag iisang France -.-

"Kasalanan ko bang tatanga-tanga ka?"- Ang hot niya! Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang plain white shirt, kitang kita ko rin ang 6 packs abs niya dahil medyo basa narin ang kanyang damit. Ay!! ano ba tong pinagsasa-sabi ko..

"Hoy France! Mag so-sorry kana nga lang hindi mo pa magawa?"- tinignan niya lang ako, at tumingin sa ANO ko. oyyy!

"Sexy ka pala, kaso Flat"- at nagsmirk siya, Bigla akong namula sa sinabi niya,with that nakita ko nalang siya palayo habang nagjo-jogging parin, ang mokong na yon! Antipatiko na, manyakis pa!! Laitin daw ba yung ano ko.. TT___TT 

"Talaga bang flat"- tanging naibulong ko nalang, kasabay ng  pagtingin doon. Hindi naman ehhh..

pero tamang hindi nga malaki. pero meron naman :(

Kinilig naman ako sa sinabi niya ^_^

Sexy daw ako Yieee ^///^ deym anlandi ko na ata! Hahaha xD Bukas pupunta ako kay Vicky Belo, makapag padagdag! JOKE ...

hindi ko nga alam kung bakit ko siya natipuhan eh.

Dati kasi kapag tinatanong nila ako,kung ano ang gusto kong sa isang lalaki. Ang lagi ko sagot ay 5 M's...

Mabait

Mapagmahal

Maalahanin

Masipag

Maalagain

pero lahat ng yon, hindi ko nakita sa kanya. ewan ko ba! naduling ata si Kupido eh Hahaha

Hinabol ko siya, this time tumatakbo na ko para maabutan siya. Sa laki ba naman niyang yan! Baka 1 hakbang niya, tatlong hakbang ko na eh

"Nag coffee kana? Tara Coffee tayo? may alam ko Masarap na Café dito :) "- pagyayaya ko sa kanya, tinignan niya lang ako ng nakakunot ang Noo.

Be my girl once again..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon