THIRDPERSON POV:
Habang nasa sasakyan sila, ay nanginging parin sa lamig si Max.
Napansin naman agad iyon ng binata, kaya't mabilis niyang pinatay ang aircon.. binilisan na lamang niya ang pagpapatakbo ng sasakyan..
Mabait naman talaga si France, medyo nag iba nga lang siya simula ng magkahiwalay sila ng kanyang ex.
Ilang minuto ang lumipas ng marating nila ang condo ng binata.
FRANCE POV:
"Can you walk?"- baling ko sa kanya,nandito parin kami sa loob ng kotse
"Oo"- Walang expression sa mukha niya. Binuksan niya ang pinto ng kotse ko at sinubukang bumaba.
"Ahhhh!"- napaupo siya sa sakit, Natapilok nga pala ang paa niya kanina. lumabas narin ako ng kotse at inakay siya papunta sa loob ng Condo ko. Bakit ba kasi inintay niya pa ko?!
MAX POV:
Arayyyy! naipitan ata ng ugat yung paa ko! Potspa >_< napakasakit......
"Bakit ba kasi hinintay mo po ko?!"- galit niyang tanong sakin, Naiinis parin ako sa kanya! at siya pa tong may ganang magalit ha! siya na nga tong may kasalanan sakin!
"Sorry ha?! ayoko kasing bumagsak! Hindi kasi ako tulad mo na mayaman! na kahit hindi makapag tapos ng pag aaral eh mabubuhay dahil andyan ang mga magulang mo..Mahalaga sakin ang scholarship ko, Dahil kapag nawala yun, hindi ko alam kung saan kukuha ng ipang aaral sa sarili ko!"- Umiiyak na sabi ko. pinilit kong pigilan ang pag iyak ko,
Ayokong isipin pang muli ang mga magulang ko!
Dahil pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko na sila iiyakan!
tuwing malungkot ako hindi ko maiwasang hindi sila maisip, Dumarating yung oras na miss na miss ko na sila! Pero sila ba ni minsan hinangad na makasama ako? na makita ako? Ayoko nalang ganong isipin sila dahil mabibigo lang ako ng paulit ulit!
"Sorry"- kita ko sa mukha niya ang sinseridad. Natahimik kaming dalawa,pinilit kong tumahan. napabuntong hininga nalang ako!
"Sige Aalis na ko, Ako nalang mag isa ang gagawa"- pinilit kong tumayo kahit masakit ang talampakan ko! pipihitin ko na sana ang doorknob ng bigla siyang magsalita.
"Sandali! Dont leave, tutulungan kitang gumawa"- Lumapit siya sakin at inalalayan akong maglakad pabalik, ang lapit niya sakin, kitang kita ko ang mukha niya kahit naka sideview ..
"stay here"- sabi niya sakin, ng maka upo na ako sa sofa. pumasok siya sa kwarto niya,Alam niyo ba kung pano kong nalaman na kwarto niya yun? eh isa lang naman kasi ang kwarto dito. hahaha Sabi senyo iyakin ako eh :3 Ilang sandali ay lumabas na rin siya, habang hawak hawak ang isang Kulay puti na longsleeve , Sa kanya siguro yun..
"Magpalit ka, baka magsakit kapa"- at hinagis sakin yung damit, okayy na eh! Kikiligin na sana ko, Kaso sumobra siya sa pagka gentleman!!
(Insert sarcasm)
"Thanks"- napangiti nalang ako :)
"Ano, sasamahan pa ba kita sa CR?"- Abat!!! Pervert!
"Manyak! "- sigaw ko sa kanya
"Huh??"- Nag mamaang maangan pa tong lalaki na to! Sipain ko kaya siya!
"Bakit mo ko sasamahan sa Cr?! gusto mo kong busohan no! Perv!!"- at inirapan siya..
"Pffft Hahaha! Greenminded kang masyado, Kaya kita sasamahan para matulungan kita sa paglalakad mo"- hanggang ngayon ay tumatawa parin siya, Tssss! kainis...napahiya pa kong Konti...
"Pero kahit samahan kita,wala naman akong makikita"- Yun lang at umalis na siya, Nag-smirk pa ang loko! >__< bwisittt ¡ Naglakad nalang ako ng dahan dahan at
tinungo na yung cr at mabilis na nagpalit! Tumingin ako sa malaking salamin sa banyo, Wow ! nasuot ko yung damit niya ^^^^ ang bango *Q*
sinimulan na namin ang pag gawa sa project namin at parehas lang kaming walang imik...
*Halos 1 hour narin kaming gumagawa, Parang ang bigat ng pakiramdam ko, Lalagnatin pa ata ako! Wag naman sana.
"Are you okay?"- kanina pa kasi ako ubo ng ubo, napansin niya rin siguro
"huh? Oo, okay lang ako"- nagsmile nalang ako, Habang bc bcng siyang gumagawa,hindi ko maiwasang titigang ang gwapo niyang mukha.
Ang tangos ng ilong! nahiya yung akin eh hahaha XD at ang labi, Apagka pula! naglilipstick siguro to ...
Yung mga mata niyang ---
"May gusto ka sakin no?"- Hindi siya tumingin sakin, sa halip ay sa project nakatuon ang kanyang atensyon.
"Kapal mo!"- nag iwas ako ng tingin ng tumingin siya sakin ng diretso.
"eh bakit di ka makatingin sakin?"- Kahilig i-smirk neto! Lalo akong naiinlove eh ^^ psssh lang kayo hah!
"H-hindi ano! kaya ko kaya"- ano ba yan! halatang halata naman ako!
" Come on! look in to my eyes"- siya, ako pa talaga ang hinamon niya!
ibinaling ko ang mukha ko sa tapat ng mukha niya, pero laking gulat ko ng muntik ko na siyang ma ikiss! 0__0
pero dinedma ko nalang, tumingin akong diretso sa mga mata niya! napalunok nalang ako, Takte nanunuyo yung lalamunan ko..
"Good, Dahil hindi ka pwedeng mag kagusto sakin"- Natahimik nalang ako, At bumalik nanaman siya sa pagka cold.
THIRDPERSON POV:
halos mag aalas 8 ng gabi na, nang makayari sila. Hindi namalayan ng dalaga na nakatulog na pala siya sa sobrang sama ng pakiramdam..
"hey! wake up"- Tugon ng binata habang yinuyugog ang dalaga. Pero tanging ungol lamang ang sinagot nito.
"Max, gising na! pwede ka ng umuwi"- Parang walang naririnig ang dalaga, dahil hanggang ngayon ay mahimbing parin itong natutulog. Napabuntong hininga nalang si France dahil parang hindi ito agad agad magigising. pumunta na muna siya sa kwarto niya upang maglinis ng katawan.
Pagkatapos nun ay niligpit na niya lahat ng kalat, at sinubukan na ulit gisingin si Max
"Max, gumising kana" huyyy!"- mas malakas ang pagkakagising niya ngayon, habang yinuyugyog parin..
Ng lumapit siya sa mukha ng babae ay Parang gising na ito, Dahil gumagalaw galaw ang mga talukap ng mata ng dalaga. naisip niyang nagtutulug tulugan lang ito, laking gulat niya ng biglang magsalita si Max habang nakapikit parin ang mga mata
"Oo Andyan nga sa timba yung sukli kulit naman eh"- mabilis napatingin si France kay Max,ngunit nahuli niyang itong nakabukas ang isang mata at mabilis ulit pumikit..
"Tulog pala ah"- Kumuha si France ng isang basong malamig na tubig sa Ref at mabilis na itinapon iyon sa dibdib ni Max
"Ay!!!!! putcha! Ang lamiggggg"- napabalikwas sa pagkakahiga ang dalaga at tumingin ng masama sa binata
"bakit mo naman ako binasa !!?"- galit niyang tanong"Yan! edi nagising ka rin..
Makaka alis kana "- Walang emosyong sambit ng binata"Grabe ka! Natutulog yung tao oh! tssss Napakabait mo talaga noh? "- max
"Tulog nga ba o nagtutulug tulugan? Bilisan mo na! Matutulog na ko"- France
"mamaya na! Ang aga pa eh"- akma pa sana itong mahihiga ulit, ng buhatin siya ng binata at mabilis na nagtungo palabas ng pinto..
"Uy! uy ibaba mo ko, Daliiiii !"- pagmamakulit ng dalaga, Binuhat kasi siya ng Binata na parang may dalang sako.
"Alis na"- At isinirado na ng Binata ang pintuan ng kanyang condo,oras na maibaba na niya ang dalaga.
magsasalita pa sana si Max kaso Mabilis ng siyang tinalikuran ni France.
-------------------------------------------
AN:hiiiiii :'> Keep voting lang guys :**
BINABASA MO ANG
Be my girl once again..
Novela JuvenilShe really wants me .. She miss me so much.. She can do everything for me.. Because she really loves me ---------- Pero lahat yun binaliwala ko! Di ko siya pinahalagahan. Minahal niya ko pero sinaktan ko lang siya. Ang daming beses na sinayang ko an...