LYDIE'S POV:
Grabe ang tagal naman ni Bessy, sabi niya iihi lang siya pero halos 30 minutes na siyang wala, mukhang matatapos pa na nga itong class namin wala pa siya. Grabe ang bilis bilis naman niyang umihi.(note my sarcasm)
Natapos na ang klase namin, ni anino ni Bessy di ko nakita, ang boring tuloy kanina wala akong madadaldalan dami ko pa naman sanang ikukuwento sa kanya eh.(with matching pout pa yan) Okay lang cute naman ako.
Grabe di ko nga akalain na magiging classmate ko si Xander my loves.Ayyyiiiieee, kinikilig na naman ako kaya lang nakakairita yung mga babaeng lintang classmate ko, kung magpaganda wagas (kala mo naman kung sinong maganda) kaya nagmumukha silang clown ang kakapal ng mga mukha nila.
Buti na lang talaga napilit ko si Bessy na magtransfer kami dito sa school nila eh. Actually, apat kaming magbabarkada bukas pa lang sila kasi papasok, tinatamad kasi sila eh, buti pa kami ni Bessy masipag mag-aral. Ay, mas masipag pala ako nasabi ko naman sa inyo na hindi nakapasok si Bessy kanina so mas masipag ako. Hihihihi!!!!!
Habang humahagikgik ako may kumulbit sa akin, ano ba yan panira ng moment kaya sinigawan ko siya ng di humaharap sa kanya nasa likod ko kasi siya eh.
"Hoyyyyy! Kung sino kamang kumulbit sa'kin umalis ka na, you don't have the right to touch me okay?baka may germs pa kamay " sabi ko sa kumulbit sa akin.
Pero maya-maya may kumulbit na naman sa akin kaya napatayo na ako at ready na sana akong sigawan siya kaya lang ang nakita ko ay si Bessy, kaya di ko na natuloy, imbes yinakap ko siya.
VHEA'S POV:
Nakakatawa talaga si Bessy, muntanga lang eh tumatawa mag-isa eh, di na nga niya ako napansin siguro nadde-daydream na naman siya sa kanyang crush. Alam ko kung sino ang crush niya, pero di niya alam na alam ko sabi niya kasi saka lang daw niya kami ipapakilala sa kanya pag boyfriend na daw niya ito. Lakas ni Bessy mangarap no, pero kahit ganun siya susuportahan ko pa rin siya kahit hate na hate ko ang kanyang crush pero kung totoong mahal niya yung gagong yun susuportahan ko pa rin sila, bestfriend ko siya eh syempre mahal ko. Pero kapag pinaiyak niya si Bessy kahit minsan lang kaya huwag na huwag siyang magkakamali, I'll make sure that he will experience hell.
Okay back to the topic, nung kinulbit ko siya hindi niya ako pinansin, sinigawan pa niya siguro ayaw magpaisyorbo pero dahil ako si Vhea kinulbit ko na naman siya. Pagkatapos kong kulbitin ulit siya, tumayo na siya, nakulitan na siguro sa akin, pero nung nang humarap siya sa akin imbes na sigawan ako yinakap niya ako tapos sabay sabing
"Waaahh, Bessy ba't ang tagal mo namang umihi, ayan tuloy mag-isa ako kanina, sad tuloy ako "sabi niya grabe ang childish niya.
"May nakasalubong kasi akong antipatikong lalake eh, grabe nakakairita siya, grrrrr."sabi ko sa kanya.
"Sorry Bessy ha, nasigawan kita kanina di ko naman alam na ikaw yun eh" sabi niya sabay puppy eyes niya sa akin.
"Fine, just stop that, di mo bagay" sabi ko sa kanya naaasiwa ako kasi eh.
"Classmate, di ko ba bagay 'to?" tanong niya sa isang nerd na lalaki na classmate namin sabay puppy eyes.
Nakita ko namang nagblush yung lalake, grabe kalalakeng tao nagblu-blush parang bakla, hahahaha.
"B-bagay n-niyo p-po, ang c-cute niyo nga po eh "sagot naman nung nerd.
Grabe tawa much ako sa nerd na 'to, nauutal pa siya habang nagsasalita. Kaya di ko na napigilan. I burst into laughter while pointing to that nerd
"Hahahahaha parang bakla hahahahhahhahahha" tawa ko.
Nagkatinginan naman sila at sabay tumingin sa akin na wari'y ako'y isang baliw.
"Bessy? What's funny? "tanong ni Bessy pagkatapos kong tumawa.
"Wala "sagot ko naman.
"Oh diba sabi ko sa'yo bagay ko mag-ganito eh (sabay puppy eyes niya na naman) tapos cute pa ako "sabi niya sabay talon with matching palakpak pa grabe wala na itong page -asa.
"Teka asan na yung lalake? " sabi niya tapos linagay niya yung daliri niya sa kanyang baba na parang nag-iisip.
Tapos tiningnan niya ako ng parang nagtatanong, pero I just shrug both of my shoulders as an answer then get out. Sinundan naman niya ako agad.
************************************
A/N:TY po sa mga nagbabasa and thanks for appreciating my sorry. And thanks to Colene for voting. Happy 60 reads to me ^_^
BINABASA MO ANG
My Bestfriend or My Lover
Aktuelle LiteraturThis story is all about LOVE and FRIENDSHIP. Dalawang salita na mahalaga sa bawat isa sa atin pero ano nga bang mas mahalaga yung KAIBIGAN mo na simula pagkabata mo ay palaging na said tabi at naging tunay na kaibigan sayo o yung KA-IBIGAN mo na siy...