Chapter 5: Revenge

1 0 0
                                    


*Michael's POV*

Napakahirap pala mamili ng bulaklak para kay Kath. Hindi ko kase alam kung ano ang favorite color niya kaya kailangan ko pang magpatulong kayla Kelvin.

Ibinili ko siya ng isang bouquet na red roses samantang binili ko naman ang ate niya ng damit bilang regalo.

Matapos naming bumili ay agad kaming nagpunta sa bahay nila Kath. Hindi ko agad nakita si Kath.

Bumungad kaagad sa akin ang mga tropa ko. "Wala dito si Kath, nag cr ata kasama si Chrisabel" ang sabi saken ni Racie.

Dahil sa wala pa si Kath kaya nagpasama na ako sa kanila sa ate ni Kath para maibigay ko na ang regalo ko.

Mula sa malayo habang ibinibigay ko ang aking regalo sa ate ni Kath ay bigla ko siyang nakita. At dahil sa ayaw ko nang magselos siya sa amin kaya pagdating na pagdating niya ay agad kong iniabot ang rosas sa kanya.

Sabay bila ko siyang hinila papunta sa kanilang garden. Dun ko balak umamin sa kanya. MALAYO SA MGA JUDGEMENTAL NA MGA TAO.

Umupo kami sa bangko at hinawakan ko ang mga kamay niya. Doon ay sinabi ko sa kanya ang mga nilalaman ng puso ko para sa kanya.

Sinabi ko sa kaniya na, "Kath, matagal na kitang mahal. Hindi ko lang magawang aminin dahil ayaw kong baka hindi mo na ako pansinin kapag umamin ako sa iyo. At sorry din kung napansin mo na mas concern ako sa ate mo, siguro ginawa ko yun para di mo mapansin na mahal kita. Pero okay lang kung ayaw mo sa akin."

Hindi ko alam kung ano ang maaari niyang sabihin pero handa na akong tanggapin ito kahit anong mangyari. Tumungo ako habang hinihintay ang kanyang sagot.

Bigla niyang hinawakan ang muka ko at iniharap sa kanya. Bumungad sa aking mga mata ang kanyang napakagandang ngiti.

Sinabi niya sa akin na, "Alam mi ba na ngayon din lang ako aamin sa iyo. HAHAHA. Crush mo din pala ako, nakakabwiset yan. Nagpakasaulo pa ako nung letter na ginawa ko para sabihin sayo. Hanuna yun!!" Sabay biglang tawa.

Napatawa din ako sa kanya dahil sino ba ang mag-aakalang parehas na kaming may gusto sa isat isa tapos sabay pa kaming aamin ngayong araw.

Hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at tinanong ko siya, "Pwede ba kitang ligawan?? Hehe"

"Oo naman, basta ikaw. Gusto mo sagutin pa kita ngayon ehh. HAHAHA. Juwk, ligawan mo muna ako bago kita sagutin!!" ang sagot niya sa akin.

"Sabi ko mandin, ligawan muna kita. HAHAHA, sayang naman!!" dagdag ko naman.

Niyaya na niya akong bumalik sa mga tropa namin kaya bumalik na kami.

Pagbalik namin sa mga tropa namin ay sinamahan na nila kaming kumain. Matapos naming kumain ay naglaro kaagad kami ng mobile legends.

Nasa kalagitnaan pa lamang kami ng laro nang bigla kaming niyayang sumayaw nila Annie.

Dahil sa hindi ko na rin matanggihan si Kath kaya ako na ang nagpilit kayna Edward. Pumayag ba din sila kaya nagsimula na kaming sumayaw.

*Chrisabel's POV*

Nagkakasiyahan kaming magtotropa nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. Nagchat sa akin si John Fortin.

Ward 26Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon