*Lynn's POV*
Nakakagalit ka Thea!! Bakit ba lahat na lang ng gusto ko, ehh gusto mo din!! Wala kang originality nakakagalit ka!!
Naiyak ako habang sinasabi ko ang mga salitang ito. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko kaya wala na akong magagawa kundi ang humingi ng tulong.
Hihingi na ako ng tulong sa daddy ko. Ito na ang huling araw na maiinggit ako kay Thea. Sinusumpa ko na magiging saken na si Ryan.
Pumunta ako sa office ng daddy ko para magsumbong sa mga nangyayari sa akin. At kung papaano inagaw ni Thea si Ryan saken.
Tinanong ako ni daddy kung ano ang gusto kong mangyari kay Thea. Sinabi ko sa kanya na gusto kong matakot at pahirapan sila Thea, lalo na yung mga asungot niya.
Nanggigigil ako sa mga pagmumuka nila. Nakakasuka, para silang mga adik.
"O sige anak, kung yan ang gusto mo!! Magandang paraan din yan para makabawi tayo sa mga magulang niya. Ako na ang bahala Lynn, just relax and enjoy the rest of the night" ang sagot saken ni daddy.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya kayna Thea. Pero wala akong pakialam, problema na nila yun.
Umalis na ako at hinayaan ko na si daddy sa kung ano ang balak niya kay Thea at sa tropa niya.
*Kath's POV*
Nakakatakot ang mga nangyari sa amin. Hindi ko alam kung paano natapos ang away namin.
Pero napakasaya nang sama-sama naming pinanood ang sunset. Walang makakapantay sa nangyari sa amin kanina.
Iyon ang pinaka masayang araw naming magtotropa. Pagkatapos ng pakikipag away namin ay sabay naming papanoorin ang sunset.
Its so romantic, sayang nga lang kase wala man lang kwinento sa amin sila Michael.
Mag-isa na naman ako dito sa kwarto ko. Sawa na akong lagi na lang mag-isa. Masyado kaseng malayo ang mga edad naming magkakapatid.
Malapit na pa lang magbirthday si ate Jane. Magkakaroon na naman ng party dito sa bahay. Kailangan ko nang ichat sila para malaman nila.
Kinuha ko na ang cellphone ko at chinat ko na sila.
-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡-
TROPANG KALOG (GC)
Kath: Mga Pips, anuu na ginagawa niyo??
Calie: Wala naman as usual nagalamon. HAHAHA
Annie: Ako nakahiga na matutulog na. HAHAHA
Gabbi: Nagawattpad ako. hahahahaha
Chrisabel: Same!!
Kelvin: Huwag daw kayong magulo. Naga ml kami nila Lorenz. Chat kayo ng chat. HAHAHA
Kath: Mute mo kasee. Hanuna na yan!!
Kelvin: HAHAHA. Huo na.
Kath: Invite ko lang pala kayo sa birthday ni ate ko sa Saturday.
Michael: Bagay?? anung oras??
Edward: Basta tungkol sa ate ni Kath. Masyado kang excited Michael. HAHAHA
Gabbi: Aysus naman. Crush mo pa rin ate ni Kath??
BINABASA MO ANG
Ward 26
Gizem / GerilimIsang makapangyarihang sandata ang pagkakaibigan. Walang makakapantay sa pagmamahalan ng magkakaibigan. Maaalala mo sa kwentong ito ang mga pinagdaanan ninyo ng tropa mo. Mararanasan mo sa kwentong ito kung papaano pahalagahan ang mga tropa mo. Mare...