*Kylie's POV*
Simula na ang klase. Syempre tabi-tabi kaming 13 kaya lang syempre, pinaghiwalay kami ng aming guro dahil napakaingay daw namin.
Magkatabi kami ni Annie, at buong klase kaming nagkakamustahan. Matapos ang klase ay nagrecess na kami, ngunit hindi kami magkakasama.
Ang mga tropa naming lalaki ay sumasama sa kanilang mga kapwa lalaki sa tuwing magrerecess at kakain ng tanghalian.
Madalas kaming bumili sa main canteen, at madalas ay kami nila Thea, Racie, Calie, Gabbi, Chrisabel at Kath ang magkakasama.
Si Annie naman ay mahilig mag-aral kasama sila Voyd at Audrey. Sobra din silang close dahil magpipinsan sila.
Pagkatapos naming bumili ng pagkain sa canteen ay bumabalik kami sa room at doon kami kumain.
Lunch Break
Madalas kami sa bahay ni Calie dahil nakatira siya malapit sa aming paaralan. Nang araw ding iyon ay kumain sa bahay ni Edward sila Kelvin, Lorenz, at Michael.
Dalawang kanto lang ang layo ng bahay ni Calie sa bahay ni Edward kayat sabay kaming pumasok.
Nagsimula na ang aming klase, at noong araw ding iyon ay may ipinanood sa amin ang aming guro tungkol sa isang sakit na kumitil sa maraming buhay ng mga tao noon.
Ayon sa aming pinanood ay nanggagaling ang sakit na ito sa mga ligaw na hayop na basta bastang kinakain ng mga tao nang hindi niluluto at nililinis ng maayos.
Tinawag itong Zerous Disease na kung saan ay nagkaroon ito ng cure matapos ang isang buwang pag-aaral.
Ang mga taong tinamaan ng sakit na ito ay nagkaroon ng problema sa pag-iisip na kung saan ay unti-unting sinisira ng sakit ang utak ng isang tao at naaapektuhan na rin ang pag-iisip ng tao.
Tapos na ang aming huling subject. Tapos na rin kaming maglinis at pauwi na kami.
Sa labas ng aming room ay naghihintay si Ryan Briones, hinihintay pala niya si Thea upang ihatid. Agad naming sinabi kay Thea na may naghahanap sa kanya.
Ayaw niyang magpahatid kay Ryan dahil alam niyang magagalit si Lynn. Palabas na kami ng campus ng hinarang kami ng aming mortal na kaaway ang Tropa Pips.
Nilapitan agad ng grupo ni Lynn ang grupo namin. Binalaan agad niya kami, sabi ni Lynn "Thea, napupuno na ako sayo. Lahat na lang ng meron ako inaagaw mo!! Tandaan mo ito, hindi lahat ng bagay makukuha mo!!"
Agad na kina-usap ni Ryan si Lynn at sinabing "Tapos na tayo di ba!!"
"Pero nabigla lang naman ako nun. I want you back" sagot ni Lynn kay Ryan.
"Sorry Lynn pagod na akong umasa sayo, ilang beses mo na akong niloko, tama na" sabi ni Ryan.
Lumakad na kami at iniwan ang Tropa ni Lynn. "Hindi pa tayo tapos Thea" pagbabantang bulong ni Lynn.
Sinundan kami ni Ryan kayat mas lalong napuno si Lynn sa tropa namin. Hindi namin alam kung ano ang iniisip ni Lynn pero inisip ko na lang na, BASTA SAMA-SAMA, WALANG DI KAKAYANIN ANG TROPA.
-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡--♡-♡-♡--♡-♡-♡-
TROPA PIPS
-Lynn Chavez
-Sheena Miranda
-Lea Labay
-Marry Mei
-Liana Gonzales
-Pete Tin
-Marc Smith
-John Fortin
-Kurl James
-Jorenz Garcia-♡-♡-♡-♡-♡-♡-♡--♡-♡-♡--♡-♡-♡-
Si Lynn ay dating matalik na kaibigan ni Thea ngunit inaagaw ni Lynn si Ryan kay Thea. Siniraan ni Lynn si Thea kay Ryan. Ayon kay Thea ay sinabi ni Lynn kay Ryan na jowa ni Thea ang kapatid ni Lynn na si Markus. Ikinagalit ito ni Ryan kaya nakipagbreak siya kay Thea.
BINABASA MO ANG
Ward 26
Misteri / ThrillerIsang makapangyarihang sandata ang pagkakaibigan. Walang makakapantay sa pagmamahalan ng magkakaibigan. Maaalala mo sa kwentong ito ang mga pinagdaanan ninyo ng tropa mo. Mararanasan mo sa kwentong ito kung papaano pahalagahan ang mga tropa mo. Mare...