*Lorenz's POV*
Matapos kaming tawagin ni Edward ay agad kaming sumunod sa kaniya sa may labas ng kwarto. Ayaw kase niyang maistorbo ang pagtulog ng mga kasama naming babae.
Lumabas kaming apat na lalaki at isinirado nang dahan dahan ang pinto upang hindi magising ang nga tulog naming tropa.
Tumayo kami sa labas at doon ay kina-usap kami ni Edward "Hindi ko na kaya pang hintayin matapos ang tatlong araw. Pede naman siguro tayong makaalis dito kahit bukas di ba?? Huwag na natin silang hintayin"
"Oo nga, alam kong hindi nila tayo basta basta pakakawalan. Ayaw kong may mapahamak pa sa atin. Hihintayon pa ba nating mangyari yun!!??" dagdag pa ni Kelvin.
"Alam kong kaya nating makatakas dito. Kaya magsimula na tayong magplano" ang sabi pa ni Michael.
Pumayag ako sa kanilang mga sinabi kaya sinabi ko sa kanilang "Bukas, magsimula na tayong maghanap ng mga bagay na maari nating magamit. Pero pumasok na muna tayo sa loob at doon mag-usap"
Pumasok na kami sa loob at doon ay nagsimula na kaming mag-usap usap sa kung papaano kami makakatakas.
Uupo pa lamang kami ay biglang nagising si Annie. Tinanong niya kami kung bakit gising pa kami.
Wala na rin kaming magawa kaya sinabi na namin sa kaniya ang aming napag-usapan.
"Tatakas tayo??" biglang tanong ni Gabbi. Hindi namin alam na gising pa pala siya.
Sinabi namin sa kanya ang aming napag-usapang tatakas kami ngunit sinalungat ito ni Annie.
"Huwag na tayong tumakas kasya naman ang mga pagkain sa atin. Tsaka papatakasin din naman nila tayo after two days di ba!!?? Huwag na tayong maghirap!!" salungat ni Annie sa aming napag-usapan.
Ipinaliwanag sa kanya ni Michael na maaring pahirapan muna kami bago patakasin dahil sino ba namang mga mandurukot ang magpapalaya din sa kanilang mga dinukoy di ba??
Ano yun trip trip lang. Nagsayang lang sila ng pagod at tsaka gas. Paliwanag pa ni Edward sa kaniya.
Napag-isip-isip ni Annie na may point ang mga paliwanag namin kaya pumayag na rin siya sa aming pinag-usapan.
Ginising niya ang iba pa naming mga tropa upang sabihin sa kanila ang aming napag-usapang pagtakas.
Pumayag silang lahat sa aming napag-usapan. Kaya hindi muna kami natulog.
Tumayo kaming lahat at gumawa ng isang malaking bilog. Pag-uusapan na namin kung papaano kami tatakas.
Balak ko na ring aminin ang mga nilalaman ng puso ko at mga nais kong sabihin sa tropa ko.
Ito na sigiro ang tamang panahon para magka-usap-usap kaming magtotropa ng masinsinan.
Yung kami lang makakarinig wala nang iba. Pero mamaya na lang siguro pagtapos naming magplano.
*Michael's POV*
Agad kong sinabi sa kanila na alam ko kung nasaan kami ngunit may problema sa lugar na ito.
Ikwinento ko sa kanila na; dito sa lugar na ito nangyari ang pinaka masamang pangyayari sa buong buhay ko.
Noong bata ako madalas akong dalhin dito ng papa ko. Isa kasee siyang scientist/doctor na nagtatrabaho kayna Lynn.
At ito ang laboratory na ginagamit nila upang mag-experiment. Hanggang sa isang araw, aksidenteng namali ang gamot na inilagay ni Dr. Jerry sa isa sa kanyang pasyente kaya't nagcollapsed ito.
BINABASA MO ANG
Ward 26
Misteri / ThrillerIsang makapangyarihang sandata ang pagkakaibigan. Walang makakapantay sa pagmamahalan ng magkakaibigan. Maaalala mo sa kwentong ito ang mga pinagdaanan ninyo ng tropa mo. Mararanasan mo sa kwentong ito kung papaano pahalagahan ang mga tropa mo. Mare...