Kuwento Nwebe: I Hope He's Happy

7 2 0
                                    

I HOPE HE'S HAPPY
- phiemharc -

Alam kong hindi kami magtatagal ngunit pinipilit ko pa rin. Hindi ko alam kung desperada na ba talaga ako sa ginagawa ko ngunit alam kong mahal ko pa siya. Sinubukan kong unawain ang lahat ngunit alam kong paulit-ulit lang ako masasaktan.

“Saan ka pupunta, Harod?” tanong ko sa kaniya nang makitang nakabihis pang-alis na naman siya.

“I need to meet my new client,” he boredly replied.

Hinahayaan ko na lang siya sa mga pinanggagawa niya. Kilala ko kung sinong kliyente ang tinutukoy ni Harod. Kahit pilitin ko rin naman siyang 'wag umalis hindi pa rin siya makikinig. Wala na akong pakinabang sa buhay niya pero gusto ko pa rin na manatili.

“Mag-iingat ka,” huling bilin ko bago siya lumabas ng bahay.

Dumungaw ako sa bintana kasabay nang unti-unting paglaho ng kaniyang sasakyan.

Harod and I were married for 10 years. Alam ko naman na pinagtagpo lang talaga ang landas namin subalit hindi naman kami ang nakatadhana. Masyadong mabilis ang pangyayari noon dahil napilitan lang din siya na pakasalan ako. Nagtagal din ang pagsasama namin kahit papaano ngunit walang supling na dumating.

Tinawagan ko kaagad ang bestfriend kong si Jelo na kailangan kong makipagkita sa kaniya. May nais lang akong sabihin na importante. Sa kabutihang palad, hindi siya tumanggi at pinapapunta ako sa condo niya. May lakad din siyang mahalagang appointment kaya nagmadali akong magtungo sa kaniyang lugar.

It's already 8:33 in the morning.

Ipinasok ko lahat ng aking gamit sa loob ng sasakyan. Bago ko paandarin ang sasakyan ay dumungaw muli ako sa aming bahay sa huling pagkakataon.

Hindi ko na talaga kayang matiis na tumira sa iisang bubong kasama si Harod. Pagod na akong intindihin lahat ng alibi niya. Ito lang ang isang paraan para manahimik na ang aking puso na masaktan.

“Thanks for the memories,” I said while staring at our safe haven.

Ilang beses ko nang pinag-isipan ang gagawin ko. Marahil ay hindi ko na maatim ang araw-araw na eksena sa loob ng bahay namin. Masyado na akong nasasakal na para bang ako na lang ang nakatira sa isang malaking palasyo.

Nagpatuloy na ako sa pagmamaneho hanggang sa narating ko ang lugar kung saan si Jelo ngayon. Umakyat ako sa ika-siyam na palapag at naglakad patungo sa pintuan ng kaniyang condo.

Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto bago ako pagbuksan ng naninirahan dito. Wala ng isang salita at agad kong niyakap ang lalaking pinakamamahal ko. I tightly hugged him after seeing his presence again. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging emosyonal nang makita siya ulit.

“Thank you,” naluluhang bulong ko sa kaniya habang kayakap siya.

“F-for? What’s that thank you for? Did he hurt you again? Did he—”

“Shhhh…” I hushed. "I know Harod loves you very much more than how he loved me in our marriage contract. I know na magkikita na naman kayo ngayon.”

“Lethesa… W-what do you mean?” he confusedly asked.

“You’re my bestfriend and I can sense everything. I already caught you dating, kissing, and even cuddling on bed several times, but I remain silent. Do you want to know why? It is because I love you both.

“He’s my husband for 10 years and you are my bestfriend since childhood. I am not mad at you or to Harold. I just pity myself for being worthless and kind,” I said in utter pain.

“Letesha, I-I’m sorry…”

“Don’t be sorry. There’s no one’s fault. It’s just that we can’t force when or whom we should love. Just promise me one thing, please take good care of my husband as you care for our friendship," I pleaded.

“What are you trying to say, Letesha?”

“Huwag na tayong maglokohan, Jelo. Alam ko na ang lahat matagal na. Kaya wala ka nang dapat ikatakot. Hindi ko kayang magalit sa'yo, Jelo. Hindi ko kayang magalit dahil naiintindihan ko kayo.

“Naiintindihan kita dahil noon pa lang matagal mo ng pangarap na mahalin ka rin ng buo. Ngayon, ibbigay ko na ang matagal mo nang hiling basta ipangako mong magiging masaya siya sa’yo.”

Natahimik siya. “S-sorry. Inilihim ko’to. Natatakot kasi ako na baka magalit ka sa’kin— sa amin,” pag-aamin din niya.

Nakita ko na rin ang unti-unting pagtulo ng kaniyang mga luha. He’s speechless. He thought I don’t know everything.

“No. You don't have to be sorry. As a matter of fact, we can't force love. We can’t choose someone who in the first place has no place to our heart. Nagmahal lang kayong pareho at hindi niyo ‘yon kasalanan, Jelo. I know he deserves your love.”

Kinuha ko ang aking singsing na isinuot sa akin ni Harod noong ikinasal kami. “Please keep this ring as a symbol of your relationship. Aayusin ko kaagad ang annulment paper para magkasama kayo ng masaya.”

Inabot ko ang kaniyang kamay at inilapag sa kaniyang palad ang singsing. Ito lamang ang tanging alaala na maiiwan ko sa kanila. Hindi ko na rin kayang dayain ang sarili ko sa taong alam kong kaibigan ko talaga ang kaniyang gusto.

“Thank you, Letesha. Aalagaan ko siya para sa’yo,” he whispered as we hugged each other.

“Congratulations!”

Iyon ang huling tugon ko bago nilisan ang kaniyang condo. Hinayaan ko na lang sila na maging masaya. Ayaw ko nang hadlangan pa ang pagmamahalan ng dalawang taong lubos kong minamahal. Nagdadalang-tao na ako nang iwan si Harod.

Isisilang ko ang magiging anak namin ng ako lang. Gusto kong palakihin ang magiging anak namin ni Harod ng mag-isa. Hindi ko na siya kailangan pa dahil alam kong masaya na sa iba ang taong mahal ko.

I hope he’s happy… now.

@phiemharc — HLNKAM9

Hindi Lahat ng Kuwento ay Masaya [Published under CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon