Kuwento Otso: Hindi Pala Puwede

4 2 0
                                    

HINDI PALA PUWEDE
- phiemharc -

Five years.

Ganito na kami katagal ng boy bestfriend kong si Lexis. Patuloy pa rin kaming nagiging matibay sa loob ng limang taon. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi siya nagsasawa sa akin. Sa totoo lang, mas marami naman talaga na puwedeng maging boy best friend niya.

Marami pang ibang tao sa paligid pero ako lang daw ang nag-iisa para sa kaniya. Dumating din sa punto na feeling ko napaka-special ko sa tuwing magkasama kami. Pero ayaw kong lagyan ng label ang pagiging sweet niya. Alam ko rin naman na bawal at imposibleng talaga iyong mangyari.

"Walang straight na lalaki ang magmamahal ng tunay sa kapwa nito lalaki."

Ito ang sirang plaka na kasabihan ng mga taong homophobic. Mga matatabil ang dila kung manghusga ng mga taong nagmamahal ng kapareho nilang kasarian. Siguro hindi lang talaga sila well-educated tungkol sa gender identity at sexual orientation ng isang tao. Nakalulungkot lang talaga.

Kung ihahambing ko naman si Lexis sa isang sikat na international singer ay masasabi kong para siyang paborito kong mang-aawit. Wala naman talagang makatatalo kay Nick Jonas para sa akin. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ako mas lalong na-i-inlove kay Lexis. I am madly in-love with my bestfriend.

I always felt the butterflies happily flying in my stomach everytime we're together. However the feeling that I have for him should be kept for my own sake. I am afraid to confess my feeling for him. It's not mutual. I don't want to ruin our friendship because of my feelings towards him. That's why I don't want someone would know how I admire--- I mean, I love him.

Sobrang clingy at malambing niya sa akin. Suplado nga lang sa ibang tao maski na tropa pa niya. Hindi raw siya ganoon ka komportable kapag hindi niya ako nakakasama.

Maunawain, mapagmahal, at matapang- ito ang mga katagang mailalarawan ko kay Lexis. Hanggang balikat niya nga lang ako kataas kaya nagmumukha tuloy akong tungkod niya kapag naglalakad kami sa daan. Sobrang close ko na rin sa parents niya kaya nga sa akin pinababantay 'yong uniko hijo nila.

I know what he likes and dislikes. I know what he loves to do. I know how talented he was in singing and dancing. Who would have thought that he is one of the famous vloggers here in the Philippines. Sikat na talaga siya kaya nahihiya na nga ako misan sumama sa kaniya.

Nasa level ng mga unfamous na nilalang lang kasi ako. Kung ikukumpara ako sa kaniya, 'di hamak na dadagsain siya ng karamihan.

Isa akong self-published writer sa Pilipinas na iilan nga lang ang nakakaalam. Ilang libro na rin ang na self-published ko sa iba't-ibang indie publishing houses. 'Yon nga lang, ako lang ang nakakakita nang halaga ng mga ginagawa ko.

Mabibilang nga lang sa daliri 'yong nakakaalam talaga na mahilig akong magsulat. Si Lexis ay hindi naman alam ang lahat ng 'yon. Hindi niya alam na nagsusulat ako ng mga kuwento. Hindi niya alam na ang bestfriend niya ay isang manunulat pala.

"Uyy, parang kanina ka pa tulala diyan, huh?! Ano ba 'yang iniisip mo?" Nabigla ako nang tapikin ako ni Lexis.

"Huh? Wala may iniisip lang. Sige na, ikaw na ang tinatawag ni ate," tukoy ko.

Ito ako ngayon nakaupo katabi niya rito sa isang pawnshop habang naghihintay makuha ang sweldo niya sa kaniyang vlog. Pinilit niya talaga akong sumama sa kaniya dahil manlilibre raw siya. I asked him why, but he refused to answer me.

He only said that we will be having a friendly date to celebrate our five years of being 'friends'. Hindi na kasi kami gaano nagse-celebrate ng aming friendsary.

Friends?

Read more...

@phiemharc — HLNKAM8

Hindi Lahat ng Kuwento ay Masaya [Published under CLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon