Chapter 5 : Stalker

59 20 3
                                    

Chapter 5: Stalker

ATHEENA'S POV

Napalunok ako nang dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isat-isa. Buti na lang at walang tao dito sa parte namin. Argh!

Ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa mukha ko dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung bakit napunta ang mga mata ko sa mapupula niyang labi, tila ang sarap nitong halikan.

Pakiramdam ko nag iinit mukha ko! Umiling-iling ako.

Berdeng utak layuan mo ako!

"Well?" Pukaw sa akin ni Jaspher dahilan para bumalik ako sa katinuan.

Pinukol ko siya ng masamang tingin.
"Kapal naman niyang pangit mong pagmumuka! FYI, hindi kita sinusundan noh, I'm here to buy books." Sabi ko at bahagya siyang itinulak.

I can't resist the fact that our face is so close to each other.

Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo siya sa akin.

He smirked. At parang hindi pa naniniwala sa akin.

"First of all, hindi ako pangit, gwapo ako at kinababaliwan ng mga kababaihan." Napairap ako sa kahanginan niya.

Grabe na 'tong ugali ng lalaking to ah!

"And lastly, give me reasons why I should believe you." Tanong niya at humalukipkip.

I took a deep breath. "Una, pumunta ako dito nang mag isa. Pangalawa, I came here for a reason, and that reason is to buy some books. Get it? And lastly, hindi kita sinusundan at hindi ikaw ang ipinunta ko dito. Kaya wag kang asyumera!" Bulyaw ko sa kanya.

"Oh? Is that so? Aniya ng nakataas pa ang isang kilay. "Eh nakita nga kitang pumasok dito sa mall at nasa likod kita.
Tapos pumunta akong milktea shop then I saw you again. And now, dito naman?" Ikinulong nya ako sa kanyang mga bisig.

Pigil ang paghinga ko dahil ang lapit namin sa isat-isa. *Lunok* Hinawakan ko ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

Bakit ang lakas ng tibok?!

Lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin. "L-Lumayo ka nga!" Singhal ko sa kanya. Piling ko nag iinit pisngi ko eh.

"Are you stalking me Atheena Garnett?"

Wait, how did he knew my name?

The last time I check, I've never introduce my self to him.

At bakit parang masarap na musika sa tainga ang marinig mula sa kanya ang pangalan ko.

"Huy giseng!" Pinitik nya ang nuo ko.

"A-Aray! tsk." Sabay hawak sa nuo ko.

"Ang sabi ko, kung stalker ba kita?"

"At bakit ko naman aaksayahin ang oras ko sa isang pangit na katulad mo?"

Actually, I didn't mean to say the word 'pangit' kase gwapo naman talaga sya pero ewan ko ba ayaw kong sabihin sa kanya na gwapo siya at may itsura baka mas lalong lumaki ulo niya pag nagkataon.

He smirked. At napahawak sa kanyang baba. "The last time I check,
ni-like mo yung profile picture ko sa fb."

Oh sh*t! This is what I've been talking about!

Pilit kong pinakalma ang sarili ko at tumingin sa kanya ng walang emosyon.

"Look, I accidentally hit the like button of your profile okay."

A Journey To The Stars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon