Chapter 33 : Suggestions

39 14 3
                                    

Chapter 33: Suggestions

JASPHER'S POV

Nagising ako sa sunod-sunod na ingay ng aking messenger kaya napilitan kong buksan ang phone ko para icheck kung kanino ba ito nanggaling.

I yawned and stretch a little before I grab my phone beside my bed. Wala na ang lagnat ko kaya laking pasalamat ko talaga sa magkapatid na yun at iniwan ako mag isa. Nuong araw na 'yon, tinawagan ko si mama para mag pasundo. Good thing she's free and not busy.

"Grade 11 Reunion?" basa ko sa pangalan ng bagong gc.

"Sino na naman bang may pakana nito? Tsk." inis akong kumamot sa ulo ko at nagtungo sa cr para maghilamos.

Hindi ko na binasa ang mga pinagsasabi nila dahil tinatamad ako! Ang haba kasi eh tapos bagong gising pa ako.

Bumaba na ako pagkatapos para kumain. Naubutan ko si Theo na koportableng nakaupo sa sofa at nakataas ang dalawang paa habang may kung ano ang tinatype sa phone niya.

"Hoooy!" kinuha ko ang phone niya

"Kuya!" pilit nitong inaagaw sa akin ang phone na nasa kamay ko na nakataas.

"Who's this, huh?" binasa ko kung sino ang kausap niya. "Dorry Santiago?" tumingin ako sa kanya. "Yung babaeng nasa US na kapatid ni Branden?"

He nodded. "Yep. But she's here now. Dito na sya nag aaral."

Ngumisi ako ng nakakaloko. "Then bakit mo sya kachat?"

Sumama ang mukha nito. "She's the first one who chatted me. She wants me to watch her upcoming game next month. I mean, we're not even close for her to ask me that right? She's so annoying!"

Ibinigay ko na ang phone sa kanya saka siya inakbayan. Nagbibinata na ang dati naming binibaby.

"Do you like her?"

"Of course not!" agad niyang sabi.

"Tomboy siya kuya! Hindi siya galawang babae! Lagi yun nakikipag away kung kaninong lalaki porket marunong siyang mag taekwondo. Kung hindi lang puro pants at malalaking t-shirt ang suot non eh, hindi siya mapagkakamalang lalake. Psh!" umiling-iling siya saka hinagis patalikod ang phone. Mabuti na lang at tumama iyon sa sofa.

"Theo, anak, bakit mainit ang ulo mo, ha?"

"Ma, nag bibinata na kasi itong anak n'yo eh." natawa ako nang samaan ako ng tingin ni Theo.

*ring* *ring*

Sino ba tong istorbo sa umaga?

Inis kong inilabas ang tumutunog kong phone sa bulsa. Tumatawag ang hinayupak.

"Ano kailangan mo?" bungad ko.

[Nabasa mo na ba yung plano sa gc?]

Kumunot ang nuo ko. "What gc?"

[Aish! Yung grade 11 reunion!]

"Ikaw may pakana non?"

[Nope. Si hon ang nag plano non.] tumawa sa kabilang linya ang loko na tila kinikilig.

Gross

"Saan daw ang reunion?"

[Gago magbasa ka kase hindi puro tanong ha,]

[Anyways, I have to go. Tatapusin ko na ang dapat kong tapusin para makapag relax na ako at makasama sa reunion.] he hanged up.

Umupo ako at binasa ang mga chat ng dati kong kaklase. Ang iba sa kanila ay may mga asawa at mga anak na. Yung iba naman, single pa rin katulad ko.

A Journey To The Stars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon