Chapter 25 : Twin Sister

33 14 3
                                    

Chapter 25: Twin Sister

ATHEENA'S POV

Three months had already past since Jaspher told me that he likes me. Yes, three months. Time is definitely so fast. In that three months, many things happen between me and Jaspher.

We've already been through on what they called "getting to know each other" stage so we didn't have to be awkward to each other. We also been through many places every weekends like in Bicol, Vigan and Palawan.

Yeah, ako lang naman ang nag akit pumunta sa mga lugar na yon and thankfully, lagi naman pumapayag si Jaspher.

Marami man ang ginagawa sa klase, parang sisiw na ngayun yon sa akin hindi katulad dati.

Syempre, may inspiration eh.

Aaminin kong bobo ako sa math kaya medyo kulelat ang grado ko don. Buti na lang talaga, matalino itong si Jaspher sa math kaya mayroon na rin akong taga turo. Or should I say, taga gawa. Hehe.

Chapter three na rin kami sa research paper na ginagawa namin. Inaasahan na namin mga kagrupo ko na mababa ang makukuha namin na grado pero kabaliktaran ang nangyari. Hindi sa nagmamayabang ah, kami pa ang pinakamataas ang score. How did that happen?

"Hoy! lumilipad na naman utak mo!"

Pinitik ako sa nuo ni Cil kaya napa 'awts' ako.

Nandito kami ngayon sa canteen at naglalunch. Yung dalawang bruha lang ang kasama ko. Itinakas nila ako kay Jaspher sa kadahilanang wala na daw akong oras sa kanila. Psh!

"Anu ba?! makakadalawa ka na ah!" napahawak ako sa nuo ko nang pitikin niya uli ako.

"Grabe mahina lang yun ha! Ang lapad kase ng nuo mo pwede nang landingan ng eroplano. HAHAHA!" sabay tumawa ang dalawang bruha.

Inirapan ko na lang sila at hindi pinansin. Napatigil ako sa pagsubo sana ng kutsara na may lamang pagkain nang mahagip ng mata ko si Fajra na pumasok sa entrance ng canteen.

Hmm, long time no see...

Hindi ko pa siya nakikita since natapos yung sem break at nagpasukan. Ngayon lang ulit. It's not that I'm finding her or something.

Nakatingin lang ako sa bawat galaw niya nang pumunta siya sa table nina Taylor. Buti na lang wala don si Jaspher. Baka landiin pa nya. Tsk.

Napalingon siya gawi ko kaya nagtama ang paningin namin. Masama ang tingin niya sa akin at sinalubong ko naman iyon na para bang nakikipaghamon ng tinginan. Wala sa amin ang balak magbawi ng tingin kaya ang ginawa ko, ngumiti ako ng nakakaloko causing her to rolled her eyes at me.

"Anong problema non?" si Bett.

Nag kibit-balikat ako. "Ewan. Tanungin mo."

"Tsk. And here it is, Atheena the great pilosopo!"

I laugh at what Bett said. It somehow reminded of Branden because of his 'pilosopo' habit.

Nahawa na ata ako sa saltik na yun ah, kumusta na kaya 'yon?

"Bakit hindi mo kinakain yan?"

"Alin?" balik tanong ko kay Cil.

"Yang ampalaya!"

Umiling ako. "Ayoko. Nagtatae ako everytime na kinakain ko yan."

Kinuha niya ang plato ko at isinalin ang amplaya sa sariling plato.

"Ang choosy naman niyang tyan mo! Aksaya ka sa pagkain!" aniya saka kinain ang ampalaya.

Ugh, how could she eat that when it taste bitter!

A Journey To The Stars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon