Kabanata 2

7.7K 249 12
                                    

Kabanata 2

"Sigurado ka ba talaga, Irish?" pangungulit sa akin ni Timo.

Hinila ko ang maleta na kakatapos ko lang punuin ng aking mga damit bago ko siya nilingon.

"Oo nga, Timo! Ang kulit mo naman eh!" reklamo ko.

Simula kasi nung sinabi ko sa kanya ang tungkol sa napag - usapan namin ni Tito Alfonso, hindi na siya natigil sa kakatanong kung sigurado ba ako sa desisyon ko.

Bumuntong hininga siya habang umiiling.

"Kasi Irish, pakiramdam ko kasi hindi magandang ideya 'yon eh!" frustrated niyang sabi.

Tumayo siya mula sa pagkaka - upo sa sofa at nagpabalik balik sa aking harapan.

Kumunot ang noo ko. Nahihilo ako sa kaartehan niya eh!

"Bakit ba?!" tanong ko.

Natigil siya sa pagpapabalik - balik. Muli siyang humugot ng malalim na hininga habang tinitignan ako gamit ang seryosong mga mata.

"Bakit mo ba ginagawa 'to? Bakit parang ayos lang sa'yo magpakasal kahit na hindi mo naman kilala ang lalaking 'yon?" Napailing siya. "Ang gara lang kasi, parang hindi ka naman ganitong klaseng tao."

Natahimik ako.

I'd like to believe that I'm doing this for Tito Alfonso's sake, but that would be a lie because I know that I'm actually doing this for myself.

"May tiwala ako kay Tito Alfonso, Timo," ani ko pagkatapos ng ilang saglit.

Muli ko siyang binalingan.

"Sabi niya bibigyan niya naman kami ng oras para magkakilala. Hindi pa naman agad agad ang kasal," depensa ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Bahagya siyang yumuko para mahanap ang mga mata ko.

"Irish, bakit mo ba talaga ginagawa 'to?" desperado niyang tanong.

Napalunok ako at agad nag - iwas ng tingin.

"Hayaan mo nalang ako, alam ko ang ginagawa ko," pinal kong sabi, tinatapos na ang usapan na wala naman patutunguhan.

Isang busina ang narinig namin sa labas. Muli kong nilingon ang kababata. Pagod akong tinignan ni Timo. At sa huling pagkakataon, nginitian ko nalang ang kaibigan.

Lumapit ako para yakapin siya sa huling pagkakataon.

"Huwag ka mag - alala sa'kin, siguradong magiging maayos ako doon!" pagpapagaan ko sa loob niya.

Pagkatapos, hinila ko na ang maleta papunta sa sasakyang naghihintay sa akin sa labas ng bahay. At sa huling pagkakataon, pinagmasdan ko ang lugar kung saan ako lumaki.

Nang umandar na ang kotse, nakita ko si Timo sa labas ng aming bahay habang nakatanaw sa papalayong sasakyan.

Isang luha ang tumulo sa aking pisngi, because I'm just as selfish as my mother.

Ang totoo kasi, I found a way out in Tito Alfonso's favor.

My mother's death transformed me into a different person. I never thought that her death would make me this selfish.

Kasalanan ko ba kung piliin ko ang tanging pag - asa ko para mabuhay ng maayos?

I was hopeless and desperate when I learned that she died, to the point that I was actually thinking of dying too.

She was selfish for dying. She was selfish for being too weak. More than the pain, her death made me so angry because she left me with nothing but pain and burden.

Exception [ Quintero Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon